Not my ideal man but makes himself to be my man.

5 0 0
                                    

September 5, 2019 is the day when I gave you the chance to court me. A chance na ilang ulit mong ipinakiusap saken. This is also our friend's (Bhe-bhe) birthday. I was so dumb hurt that time. May parte sa puso ko nun na pumipigil na bigyan ka ng chance kase ayokong isipin mo na gagawin lang kitang panakip butas. Pero napag isip isip ko din sa huli na bakit hindi kita bibigyan ng chance eh I am pretty sure that you are more deserving than anybody else. Kahit pa nga kesa kay Emm.
Yung sabi mo noon na sana ikaw nalang. Nung mga kinakantahan mo pa ako through video call ng mga kantang Pano na kaya, Kaysa Mawala ka at Akin Ka Na Lang just to express that you are hurting. That you are begging na sana ikaw nalang. Naaalala ko tong mga kantang to kase awang awa ako sayo that time. Naluluha ako sa tuwing nasasaktan kita, kase kaibigan kita eh. Pero salamat at di ka sumuko. ☺☺
Eto na yun eh.. Haha napahaba ang pasakalye ko. ✌😆😂
Hindi ko kase alam kung pano sasabihin dito na sa bawat araw na dumadaan eh, nahuhulog na pala ako sayo. Salamat sa pagpaparamdam saken na special ako. Na deserve ko yung pagmamahal na gusto ko. Yung pagmamahal na hindi ko pag aalinlanganan. Yung alam ko at sigurado ako na mahal ako. Yung ako lang. Kase makasarili ako eh. Ayokong nanlilimos ako ng atensyon at panahon. Kase kung di mo kayang ibigay yun, ako ang magbibigay nun sa sarili ko. Pero lahat ginawa mo para mapatunayan mong deserve kita. Salamat at ipinaalam mo din sa Ate mo yung tungkol satin. Na touched ako dun. Kase sabi ko sa sarili ko nun. Gusto ko yung lalaking hindi mahihiyang ipapakilala ako sa pamilya niya o sa kahit sinong malapit sa kanya. Ayoko ng tinatago ako eh. Salamat at supportive Ate mo na may pa "Nice to meet you 😊" pa siyang nalalaman ... 😅😅
Medyo nahiya ako eh pero salamat sa motivations mo.
So far, mag ti-three months na tayo sa courting stage na'to at wala akong ibang masabi kundi "Thank you for coming into my life." Ikaw kase yung tipo ng lalaking ginawang center si God sa relationship natin. That He will guide us im building our relationship. You even ask me to Him. Feeling ko ang swerte-swerte ko sayo kase hiningi mo ako sa Kanya. 😊😇 Tsaka pinagpipi-pray ko din na sana ikaw din yung para saken. 😊😊
Cheesy noh? 😅 Pero totoo, ikaw na yung taong gusto ko na magiging katuwang ko sa buhay. Pang forever na baga. 😍😍😍😍
( Epekto ng brown out to...hehehe kaya nag update nalang ako dito sa diary ko.. 😅😄)

                      Our Kind Of LovestoryWhere stories live. Discover now