Chapter II

5 2 0
                                    

Principles of a Monteverde
Feliz Elizabeth Minteverde's POV

"Anak, I'm so excited sa upcoming debut mo." nakangising bati sa akin ni ina pagkagising ko.

Napatigil ako sa paghikab sa narinig ko. Oo nga pala, debut ko na ngayong Sunday. Friday na pala ngayon, two days na lang. Bumangon ako sa pagkakahiga at dumungaw sa bintana.

"Good morning people! Life is full of happiness! It has no time for sadness! So better start the day with a smile!" sigaw ko sa mga dumadaang tao sa labas ng bahay namin.

Nakita kong may ilang matatanda ang napalingon sa direksyon ko kaya ngumisi ako sa kanila.

"Hmmp. Nasasabi niya lang 'yan kasi nakukuha niya lahat ng gusto niya. Lumaki kasi siyang puro kasiyahan lang ang nararamdaman."

Napaismid ako sa sagot ng isang kapitbahay namin. Ano namang problema kung lumaki akong masaya? Wala namang malungkot sa buhay, ah. Isinirado ko na lang ang bintana para hindi masira ang araw ko at naligo na. Habang naliligo, hikab ako ng hikab. Napuyat ako kakaisip sa nangyari kagabi. I really find it weird. Iwinaksi ko na lang iyon sa aking isipan at naghanda na para pumasok sa paaralan.

Kasalukuyan akong kumakain sa dining room namin mag-isa kasi lumakad ng maaga sina mama at papa. Wala akong ibang kasama bukod kay Aling Rosa na matagal ng nagsisilbi sa pamilya namin. Kasalukuyan siyang nagsasalin ng orange juice sa baso ko. Ng magtama ang paningin namin ni manang ay nagulat na lang ako nung may bigla nagplay na scenario sa utak ko. This is getting weird, for real.

"Wala kang maitutulong sa pamilyang ito! Lumayas ka!!" sigaw ng iaang babae na nasa mid-40s. Kaharap niya ang isang babaeng nakaluhod habang umiiyak. Kamukha nito si Aling Rosa pagkabata.

"Maawa ka sa akin, tita. Wala na po akong matitirhan." sabay yakap sa tita niya na siya namang pinandirian ng tita.

"Oh please, hindi ko na yan kasalanan. Maghanap ka ng sa iyo. Shoo!!"

"Tita--"

"Sabi kong lumayas ka na eh. Palamon ka lang dito sa amin. Kung gusto mong may matirhan, aba dapat marunong kang maghanap! Mas maganda nga kung tumira ka na lang sa sementeryo! Makakasama mo pa ang mga walanghiya mong magulang!"

Mas lalong napahagulhol ang dalaga at dahan-dahang binuhat ang maleta na naglalaman ng kanyang mga damit. Nanghihina siyang umalis sa bahay at sa huoing pagkakataon, tiningnan niya ang bahay na ito sa kalsada. Pinawi niya ang kanyang nagbabadyang luha.

"Someday, magkakaroon din ako ng ganitong pamumuhay. Someday, makakapagtrabaho rin ako kahit maid na pang basta may matirhan. Makikita niyo."

Sabay lakad paalis ng may biglang bumusina. Huli na ang lahat ng mapagtantong nasa gitna pala siya ng kalsada. Nabangga siya ng isang sasakyan at tumakas lang palayo ang sasakyan na ito. Bago pa mawalan ng malay ang babae ay may binulong ito.

"Mama, papa, sana huling araw ko na ito sa mundo para makasama ko na kayo."

Bigla na lang nawala ang scenario ng makita kong hindi na nakikipag-eye contact sa akin si manang. It took me seconds to process everything in my head. Kaya pala medyo hindi maganda yung katawan ni Aling Rosa kasi nasagasaan pala siya. Napailing ako sa isipan ko. I shouldn't feel sorry for her.

"M-manang..." nauutal kong wika.
Wala akong masabi.

Second. This is the second time I experience this kind of thing. My mind is already confused. Like, what the hell is going on?

"Ano ka ba naman, Feliz? Ako ang mapapagalitan nito." nagpa-panic na wika ni Aling Rosa.

Napailing-iling na lang ako para mawala ang mga tanong na bumubuo sa utak ko. I can't let those negative things ruin my happiness. Never! Hindi ko babaguhin ang prinsipyo ko sa buhay.

Ako si Feliz Elizabeth Monteverde, ang anak ng dalawang pinakamayaman at pinakamagaling in the field of bussiness! I am meant to experience all the happiness in the world. I deserve all of it. So, what's the reason of getting sad? Like duh..

"Manang, I have the right to do everything I want on our things. Clean this mess right now!" utos ko kay Aling Rosa bago tumalikod sa hapagkainan ng konti lang ang kinakain.

I don't have mercy in me. I don't look at things that are below my level. Yup, this is my principles. The principles that make me who I am today.

@MissSunnyBerry

The Gifted EyesWhere stories live. Discover now