Chapter IV

8 1 0
                                    

Hating Happiness
Tresti Clyde's  POV

"Miss okay ka lang ba? Bakit gulat na gulat ka dyan?" walang emosyon kong tanong sa babaeng hinatid ko gamit ang taxi ni Tito Andrei.

Para siyang nakakita ng multo habang inaabot sa akin ang bayad na siyang ipinagtataka ko. Do I look that bad? Napabuntong-hininga na lang ako sa isipang iyon at napagpasyahang umalis at umuwi na sa bahay. Nang makarating na ako sa maliit na bahay ni Tito Andrei ay agad akong napabuntong-hininga. Binilang ko yung mga kinita ko sa araw na ito  sa pamamagitan ng pagpasada ng taxi.

"Hay..Three hundred twenty pesos lang. I hope okay lang ito kay Tito." bulong ko sa sarili ko.

Konti lang kasi ang naging pasahero ko kaya konti rin ang naging kita. Pagkapasok ko sa maliit na bahay, agad akong napasinghot dahil sa napakabangong amoy na ng galing sa kusina. Doon ako nagtungo kasi nagugutom na ako. Nabigla ako ng hindi si Tito ang nakita kong nagluluto. Nang humarap ito sa akin, doon na ako napakuyom ng kamao.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na bati ko sa kanya.

"Ah, nandito ka na pala, Tresti, anak. Nagluto ako ng paborito mong adobo. "

Nag-igting ang mga panga ko sa sinabi niya.

"May anak ka pala?" sarkatisko kong sambit sa kanya.

Natigilan naman siya at napabuntong-hininga.

"Tresti naman, umuwi ka na sa atin. Nasabi ko lang naman iyon dahil sa galit ko. Hindi ko yun sinasadya." nagmamakaawang sabi ng magaling kong ama.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Bigla na lang nagflashback sa utak ko ang mga nangyari noong ako'y 12 taong gulang pa lang...

Sunog. Nasusunog ang buong kabahayan. Tumatakbo at nagsisigawan ang mga tao habang ako ay tulala lang habang nakatingin sa kaawa-awa naming bahay. Naiwan si nanay doon. Pinauna niya akong palabasin kasi ang sabi niya sa akin, susunod daw siya. Pero bakit natagalan? Bakit hindi ko na siya nakitang lumabas?

"Tresti, anong nangyari?!" humihingal na sabi ng kararating na si papa.

"Nadamay sa sunog ang bahay natin, papa." mahina kong sagot.

"Ang nanay mo?"

Doon na pumasok sa isipan ko kung ano na ang nangyari kay nanay. Bakit hindi pa siya nakalabas? Nasaan na siya? Anong nangyari sa kanya sa loob? Baka may masamang nangyari sa kanya.

"Si nanay.." naiusal ko na lang sa kawalan
"Si nanay!" ulit ko sabay takbo papunta sa bahay kaso hinawakan ako ni papa. Hindi niya ako pinayagang puntahan si nanay. Niyakap niya ako habang umiiyak.

"Ang nanay mo, Tresti."

Napaiyak na rin ako sa kadahilanang baka namatay na si ina. Bakit ko ba siya iniwan?

"Wag mo ngang kaawaan ang batang yan! Siya ang dahilan kung bakit namatay  ang asawa mo."

Napatigil si papa sa pagyakap sa akin nung magsalita sa likuran ang masungit naming kapitbahay. Ayaw niya talaga sa akin na makipaglaro sa mga anak niya. Puno ng pagtataka naman ang mukha ni papa na hinarap ang aming kapitbahay.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hay! Kung alam mo lang! Yang bata na iyan ang dahilan kung bakit nagpaiwan doon sa loob ang asawa mo. Siya ang dahilan kung bakit hindi na nakaligtas mula sa nasusunog na bahay ang asawa mo." galit na wika ni Aling Freya.

"P-po?" inosente kong tanong sa kanya. Wala akong kaalam-alam na ako pala ang dahilan kung bakit hindi nakalabas ng buhay si ina. Kasalanan ko ba talaga yun?

Nagulat na lang ako ng biglang hinigit ni papa ang kwelyo ko sabay suntok sa napakabata kong mukha. Napatulala ako dahil sa sobrang sakit na dulot nito.

Pinagbuhatan ako ng kamay ni papa sa kasalanang hindi ko ginawa...

"Lumayas ka rito, bata ka! Mula ngayon, wala na akong anak na katulad mo! Walang kwenta! Malas ka! Malas!" buong sigaw ni papa sa akin.

Napuno ng takot ang sistema ko. Pinalayas niya ang sarili niyang anak. Susuntukin niya pa sana ako ng tumakbo na ako papalayo sa kanila.

Dito na ako napadpad sa bahay ni Tito Andrei na siyang willing na kumupkop sa akin.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin ang mga alaalang iyon sa utak ko. It keeps haunting me. Iyon ang dahilan kung bakit patuloy kong kinamumuhian ang sarili ko. I'm useless. I killed my mother. I killed the woman I love. This thoughts keep myself alive from sadness, from pain, from agony. I can't run away with it. 

"Just give me some time." cold kong sabi sa kanya bago tumalikod at nagtungo sa aking silid kung saan sa sahig lang ako matutulog.

I really envy those people who are rich. They can enjoy their life with no worries. With no nightmares.

Napagpasyahan kong wag na lang kumain at itulog na lang ang sariling gutom.

Takbo... Malapit na siya... Ayokong mapana nito... Ayoko.

Tulong! Hinahabol ako ng isang gintong pana. Nagliliyab ito. Nag-aalab. Nakakapaso. Ayoko.

Tulong! Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya...

Kasabay nung pagbagsak ko sa sahig ay ang oras na napana ako...deretso sa puso...

Nasaan ako?

Bakit ako nagising dito?

Ayoko sa lugar na 'to. Puno ng kasiyahan at katuwaan.

Ayoko sa lugar na 'to! Why did I got here? Hindi ako nababagay sa mundong ito because life is unfair to me. I don't belong to the world full of happiness. I belong to the world full of sadness...

Napabalikwas ako ng bangon sa aking panaginip. What's that? Napabuntong-hininga na lang ako at ginulo ang clean cut kong buhok. Napagpasyahan kong lumabas muna ng bahay upang magpahangin at ng mawala ang panaginip na iyon sa aking isipan.

"Hijo."

Napalundag ako sa gulat sa kung sino man ang tumawag sa akin. Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang isang hindi katandaang lalaki. Tinapik niya ng bahagya ang balikat ko at ngumiti sa akin.

"Life is not unfair to you, remember that. Pwede mo bang baguhin ang paniniwala mo para sa akin?"

Napakurap-kurap ako sa kanya. Baguhin? Tsk.

"Ano naman pong mapapala kung babaguhin ko? Magiging mahirap pa rin naman ako, manong."

Napabuntong-hininga ang lalaki at tumalikod sa akin.

"Kagaya ka pala ng babaeng iyon. By now, expect for a strange and powerful thing to happen."

Pagkatapos nun ay umalis na siya. Napatingin agad ako sa relo ko.Five o' clock na rin pala sa umaga. Habang naglalakad ako sa tabi-tabi, may nakita akong isang matandang babae na nakaupo sa isang balkonahe.

Nagulat ako ng tumitig ito deretso sa mga mata ko. Suddenly, I felt a strange magic. A strange event plays on my head with no reason.

"Ang ganda-ganda mong bata. Papangalanan kitang Amy." sabi nung isang babae na kakapanganak pa lamang.

Inalagaan ang batang ito sa kanyang mga magulang. Pinaramdam nila ang pagmamahal. Binigay nila ang kanilang atensyon hanggang sa lumaki ang batang ito ng masayahin at puno ng positibong pananaw sa buhay. Nagpatuloy ang scenario hanggang sa naging isang matandang babae ito. Ito ang matandang nakaupo sa balkonahe.

Nabalik ako sa ulirat ng nag-iwas ng tingin sa akin ang matanda habang nakangiti. Napasimangot ako. I envy those people na nakakangiti pa rin. Hindi ko na kasi magawa ang bagay na yan sa dami ng problema.

Umalis na lang ako sa lugar na iyon but then natigilan ako sa napagtanto. Did I just take a glimpse of her happiness in life? It can't be... I hate happiness...

@MissSunnyBerry

The Gifted EyesWhere stories live. Discover now