Chapter X

5 0 0
                                    

Guidance Head's Advice
Tresti Clyde Hernaez' POV

"Nak, baka pwedeng pahiramin mo naman ako ng pera." ngising-asong sabi ni papa.

Mas lalo tuloy akong nawalan ng ganang kumain.

"Pa naman, hindi pa nga ako binigyan ng sweldo."

Hindi ako nagulat nung bigla niyang sinuntok ang dingding ng kubo namin.

"Eh bakit ba kasi tatanga tanga ka?"

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at nakwelyuhan ko siya ng wala sa oras.  Kung ganito naman pala kahayop ang ama ako, mas gugustuhin ko na lang wala na akong ama. Sana nanatili na lang ako roon kina tito Andrei. Mas maayos at makatarungan pa ang pagtungo niya sa akin doon. 

Humalakhak lang siya sa ginawa kong pagkwelyo sa kanya. Bigla niya na lang hinawi ng buong lakas ang kamao kong namamahinga sa kwelyo niya. Napadaing na lang ako ng maramdaman kong tumama ako sa sahig dahil sa suntok niya.

"Sino bang tamang anak ang naninindak ng tatay niya. Kaya mo ba ako?" nanghahamon niyang tanong na siyang mas nagpainit ng ulo ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at agad ko siyang sinigawan. Wala na akong pakialam kung tatay ko man siya.

"Sino ba namang tamang ama ang nangunguha at nagwawaldas ng pera ng anak. Makatarungan ba iyon?!"

Ginulo ko na lang ang aking buhok dahil sa frustration. Anong klase ng tatay ba ang binigay sa akin? Bakit ang malas ko naman ata. Tsk. Nagtatanong pa ako eh alam ko namang unfair talaga sa akin ang buhay. Hindi nga magawa ng buhay na bigyan ako ng kasiyahan.  Tss..

Napapikit na lang ako sa inis ng makitang walang kibo si papa at patuloy lang sa paglagok ng wine. Kung alam ko lang sana na dito mapupunta lahat ng pera kong matatanggap sa trabaho, e di sana naitago ko pa iyon.

"And now, saan na naman ako magtatrabaho?" nalilito kong tanong sa kanya na mukha namang walang balak akong sagutin.

Si papa kasi yung kumukuha nung sahod ko everyday sa Manager's Office ng hindi ko nalalaman. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa at napapaniwala sa kanya ang manager na ibigay sa kanya yung pera. Kaya naman, pagkatapos ng trabaho ko sa mga rooms, agad akong pumupunta sa Manager's Office para kunin sana ang sahod ko. Pagkarating ko roon, sasabihan lang ako na kinuha na nung tatay mo ang sahod kanina. Syempre manghihinayang ako sa pera. Balak ko pa naman sanang mag-ipon ng marami para sa edukasyon ko. Sinabihan ko na rin ang manager na huwag bibigyan si papa ng pera kasi alam kong gagamitin lang niya iyon sa kanyang bisyo. Ni hindi nga siya makabili ng ulam para sa aming dalawa. Kaso, nung hindi binigay ng manager ang sahod ko sa kanya, nagwala siya kaya naman sa huli, napilitan ang manager na ibigay ang pera. Dahil sa pangyayaring iyon ay natanggal ako sa trabaho dahil nakakatakot daw ang ganoong klase ng pag-uugali. Pinayagan pa rin naman kaming magrenta dito sa bahay kubo kaso hindi na nga ako nagtatrabaho sa subdivision. Ngayon, ako na naman ang sinisisi ni papa kung bakit wala kaming pera. Tsk. Ang kapal talaga ng mukha niya.

Dahil hindi ko maatim na makasama si papa sa isang bubong, napagpasyahan kong umalis na muna. Kinuha ko yung jacket kong nakasabit sa dingding at sinuot. Umalis ako sa bahay ng walang kibo at hindi nagpapaalam. Sinuot ko yung hoodie ng jacket habang naglalakad na ang paningin ay nasa  ibaba. Ayoko kasing makita ang mga mata ng tao. Mas lalo lang akong sinasampal ng katotohanang pinagkaitan ako ng kasiyahan kapag nakita ko sa mga mata nila ang kanilang masasayang alaala.

Malayo na rin ang nalakad ko at napadpad na ako sa isang club. Tulala ako habang naglalakad ng may bigla akong nabunggo na astig na lalaki.

"Ano ka ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo, bata?!"
Maangas niyang bulyaw sa akin.

Nanatili lang akong tahimik at nakayuko. Lalagpasan ko na sana sila ng bigla nila akong pinalibutan. Mga anim silang lahat at puro mga siga.

"Sa tingin mo, saan ka pupunta? Tatakasan mo ang ginawa mong kasalanan?!"

Umiling lang ako bilang tugon. Hindi ako natatakot sa kanila. Kung bubugbugin man nila ako ngayon, e di mas mabuti.  At iyon nga ang nangyari. Binugbog nila ako ng binugbog. Binali nila ang mga braso ko. Pinatid nila ang likod ko. Tinadyakan ang tiyan ko hanggang sa mamilipit ako sa sakit. Isang napakalakas na suntok ang natanggap ko sa mukha dahilan upang matumba ako sa pavement. Halos makita ko na ang sarili kong duguan. Napangiti naman ako sa isipang iyon. It's much better this way.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Hindi ka pa nadadala?!"

Sabay tadyak ulit sa tiyan ko dahilan upang sumuka ako ng dugo. Umalon ang paningin ko ng may matigas na bagay ang pumalo sa akin sa ulo. Napadaing ako sa sakit.

"Sige! Tulungan nating patayin tong batang to!"

Binugbog pa nila ako at binali hanggang sa mapahiga na ako sa malamig na sahig na bahagyang uminit dahil sa dugo kong patuloy na lumalabas sa katawan ko. Mamamatay na ba ako? Hindi pa kasi ako tinitigilan sa pagsuntok.

"Hoy! Anong kaguluhan to?! Humarap kayo sa akin at magkita tayo sa presinto!!"

Bigla na lang napatakbo ang anim na lalaki at agad naman akong dinaluhan ng isang nasa mid-30s na lalaki. May ibinulong siya sa akin.

"Kung sana, alam mo ang kahalagahan ng buhay, hindi mo na sana kailangang dumanas ng ganitong sakit. Learn to control your eyes."

Hindi ko na naproseso sa utak ko ang sinabi ng taong tumulong sa akin. Nakita ko lang din sa suot niya ang nakalagay na nameplate.

'Guidance Head'

Pagkatapos nun ay nawalan na talaga ako ng malay.

@MissSunnyBerry

The Gifted EyesWhere stories live. Discover now