Chapter VI

1 0 0
                                    

Cruelty of a  Father
Tresti Clyde Hernaez' POV

Nang makabalik na ako sa ulirat ay agad kong binilisan ang paglilinis. Hindi ko alam pero pareho kaming nagulat sa presensya naming dalawa. I can also sense something magical and weird. And, she is familiar to me. Nagkita na ba kami noon?

Pinilig ko ang ulo ko sa isipang iyon. I shouldn't be curious about her identity lalo pa at nabubuhay siya sa isang marangyang pamumuhay. My worst enemies, happiness and riches.

Narinig kong may nagring na telepono only to found out na sa kanya pala ito galing.

"Hello, Feliz! Where are you?"

Dinig na dinig kong sabi nung nasa kabilang linya. Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin nito ng lumabas na ang babae kanina. Ako naman ay umalis na rin dahil tapos na ang trabaho ko. Ibinalik ko sa stock room ang mga gamit at naghugas ako ng kamay. Pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa lobby upang malaman kung may magpapalinis pa ba.

"Wala na po, sir eh." nahihiyang tugon ng babaeng nasa front desk.

Hindi ito yung sumalubong sa akin kanina. Naka-eyeglasses kasi ito at ngayon ay wala. Nang tiningnan ko ang mga mata ng babaeng may nametag na Rielle ay nagplay na naman ang kakaibang scenario sa utak ko.

"Waahhh! At last, natanggap na rin ako bilang isang front desk sa isang subdivision na pang mayaman."
Masayang balita ng isang babae na si Rielle. Kamukhang-kamukha niya talaga ang babaeng nasa front desk.

"Congrats sayo, anak. We're very proud of you!"  sabay yakap ng sa tingin ko ay mama niya.

Mukhang mahal na mahal siya ng kanyang ina ah, mabuti pa siya at may nanay pa siya. If only, hindi ko pinatay ang nanay ko. If only, nagpaiwan na lang ako roon sa nasusunog na bahay.

Nawala ang scenario na nabuo sa utak ko ng may biglang kamay na kumakaway-kaway sa mukha ko.

"Yohoo! Okay ka lang sir? Mabuti pa at kunin mo na ang sahod mo sa araw na ito  sa Manager's office."

Napalunok naman ako saka tumango at nagpasalamat ng hindi na nakikipag-eye contact sa kanya. Ayoko nang tumitig sa mga mata ng tao. Nakakatakot...
Agad akong pumunta sa Manager's Office na nasa left wing ng subdivision.

"Ikaw ba si Tresti Hernaez?"

"Opo, sir."

"Wala pa akong mabibigay na sahod sa iyo ngayon."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Sir Friedrich. Wala na akong perang natitira kaya kailangan ko iyon.

"Ba-bakit po?" tanong ko.

Nakita kong bumuntong-hininga si sir Friedrich bago tumingin sa malayo.

"Napagdesisyunan ko kasing ang sahod mo para sa araw na to ay ibabayad na lang sa inutang ng tatay mo na uniform."

Nagtaka ako sa sinabi ni Sir Friedrich. Saan napunta ang perang ibinigay ko kay papa para pambayad sa uniporme ko? Anong ginawa niya?

"H-hindi pa ba nakakabayad si papa sa inyo, sir?" kinakabahan kong tanong.

May hinuha na ako kung saan napunta ang pera. Hindi ko lang matanggap na niloko ako ni papa para sa kanyang sariling interes. Mas lalo akong nanghina ng umiling si Sir Friedrich sa akin. Ang binigay kong pera kay papa na siyang tanging natitira sa akin. Ang sahod ko sana para sa araw na 'to...
Lahat nawala sa hindi ko maintindihang bagay. Bakit? Paano? Bakit ito binabawi ng pagkakataon sa akin? Money makes the world go round! And I need that money to continue living! Curse this poorness in life! Why can't I be rich?

Pinakalma ko na lang ang sistema ko at malamig na tumugon sa iling ni Sir Freidrich.

"Sige po, sir. May gagawin lang po akong importante. Excuse me." sabay bow ko kay Manager Friedrich at lumabas na ng nakakuyom ang kamao ko.

Kailangan kong komprontahin si papa tungkol sa pera. Mabilis ang mga hakbang ko habang tinatahak ang pasikot-sikot sa subdivision na ito. Nang makarating na ako sa kubo namin,  agad kong hinanap si papa na siyang nakita kong nagpapakalunod sa alak. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig at sa isang sulok, nakasandal si papa sa isang dingding at naglalaklak ng alak.

"Pa." lakas-loob kong sabi sa kanya.

Nakita kong napalingon siya sa akin at napangiti. Marami na siyang nainom na alak kaya sigurado akong lasing na siya. Hindi na nga niya maipokus ang kanyang mga mata sa akin at ngiting-ngiti siya.

"Nandito ka na pala. Nakuha mo na ba ang sahod mo? May bibilhin lang kasi ako." malumanay niyang sabi.

Napaigting ang panga ko at napakuyom ang kamao ko. How dare him say that to me? May utang pa siyang malaki sa akin. Akala ko pa naman, tuluyan na siyang nagbago. Akala ko pa naman, bumalik na ang tatay na minahal ng mama ko. Akala ko lang pala. Bakit ko ba pinatay si mama? E di sana hindi siya magkakaganito.

"Bakit hindi mo ibinayad ang pera?" matigas kong tanong

Nakita kong tumayo si papa at pasuray-suray na naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Tinitigan niya akong mabuti at bigla na lang akong nakaramdam ng isang napakaunusual feeling. Mangyayari na naman ba ang nangyari kanina? And then suddenly,

"Ito oh, one hundred pusta ko!"

"One hundred ten sa akin!"

"One hundred fifteen sa akin!"

"Inilog!!!!"

"Biya!!!"

"Woooooohhhh!!!!"

"Nanalo tayo! Nanalo ang manok natin!"

Napakaraming tao na nagsusugal. Isa na rito ang papa ni Tresti na siyang nangunguna sa pagpusta. Masayang-masaya siya dahil marami siyang pera. Ang perang ginamit niya ay ang pamabayad sana ng uniporme ni Tresti.

"Sige, inuman tayo mga pare!"

"Cheers!"

Napuno sila ng halakhakan at katuwaan. Para bang wala silang pinoproblema.

*BOGSH*

Napahawak ako sa labi kong dumudugo. Napatingin ako kay papa na ngayon ay papalapit sa akin upang bigyan pa ako ng isang suntok. Bago niya iyon magawa, umilag na ako sa kanya. Hindi ko na siya kailangang tanungin kung wala lang din naman akong mapapala sa kanya. Sapat na sa akin na malaman na winaldas niya ang pera sa sugal lang! Napakasamang tatay naman ang meron ako. Walang pakialam sa kanyang anak.

"Wag na wag mo akong pangungunahan sa mga bagay na ginagawa ko! Wala ka talagang kwentang anak!"

Dito na nandilim ang paningin ko at agad ko siyang nasuntok ng pagkalakas-lakas na siyang dahilan upang mawalan siya ng malay. Kung wala akong kwentang anak, mas walang kwenta ang tatay! Why does I have a father like him? He's so cruel. Well, I think this is my fate. To suffer in this world. Pretty painful.

@MissSunnyBerry

The Gifted EyesWhere stories live. Discover now