Chapter V

2 1 0
                                    

Wishing For A Rich Life
Tresti Clyde Hernaez' POV

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga luma kong damit sa 'Habagat' na bag ko. Nakapagdesisyon na ako kagabi na sasama ako kay papa sa bago niya raw na bahay.

"Tito, salamat po sa pagkupkop sa akin. Salamat po talaga." ani ko kay tito Andrei na nakaabang sa akin sa hamba ng pintuan.

Tumango naman si tito at ngumiti sa akin.

"Walang anuman, Tresti. Mag-ingat ka sa tatay mo ha?"

"Opo." nagmano muna ako kay tito bago sumunod sa naghihintay na si papa.

Pumara si papa ng taxi at doon kami sumakay. Walang naganap na usapan sa pagitan naming dalawa ni papa. Ayoko siyang kausapin. Excited ako nang makarating kami sa isang subdivision. Sa wakas, mararanasan ko na rin ang tumira sa isang magarang bahay. Napalingon ako kay papa ng tinap niya ang balikat ko.

"Ikaw na ang magbayad, 'nak. Wala akong pera eh." bulong sa akin ni papa.

Kahit ayaw ko, tumango na lang ako. Kinuha ko ang wallet ko mula sa aking bag at binilang ang natira roon.

"Three hundred pesos na lang. Hay." bulong ko sa sarili.

Napadaing ako ng bigla niya akong siniko sabay pinandilatan ng mata.

"Wag kang magreklamo. Ako ang tatay mo kaya dapat mo akong sundin." pabulong niyang sigaw sa akin.

"Ano? Magbabayad ba kayo o hindi?!"

Napalingon kaming dalawa sa inip na inip na driver. Napabuntong-hininga na lang ako at ibinigay ang 100-peso bill ko. 

"Salamat naman at may pambayad kayo. Hanggang sa muli." paalam ng driver bago umakmang paandarin ang makina ng sasakyan nang pinigilan ko siya.

"W-wala na po bang sukli?" nag-aalangan na tanong ko.

Nakita kong galit na galit na ang mukha ng driver. Hinampas niya ang manibela bago ako sinigawan.

"Wala nang sukli! Kulang pa nga ang isang daan na ibinayad mo! Pasalamat ka at tinaggap ko pa 'to. Wag kang mag-inarte, bata. Ang hirap niyo pa naman."

Napakuyom na lang ako ng kamao at ready na talaga akong suntukin siya ng pinigilan ako ni papa.

"Tresti, tama na yan. Ano bang problema mo? One hundred pesos lang yan. Ang liit na bagay lang niyan para sayo diba?"

Mas lalo akong nag-alab sa sinabi ni papa. How could this two men in front of me said that getting money is easy when it's not! Specially me, because I'm poor unlike those rich people out there. I earn money in a hard way.

Ginulo ko na lang ang buhok ko at nauna nang pumasok sa gate ng subdivision. I'm pissed. Hinintay ko si papa na sumabay sa akin bago ko siya tinanong, "Anong room tayo, pa?"

Napahinto ako ng bigla siyang tumawa. Tawang nakakainsulto. Napakunot ang noo ko sa kanya at naningkit ang kulay brown na mata ko.

"Tresti, hindi natin maaafford ang magrenta ng isang room. Hindi kaya tayo dyan titira. Doon tayo." sabi ni papa sabay akbay sa akin at tinuro ang isang...uh...maliit na bahay kubo na sa tingin ko matibay naman. Nakatayo ito sa likuran ng subdivision. Akala ko pa naman...

"Wala 'yang renta?" alangang tanong ko kay papa.

"Wala. Dyan kasi pinapatulog ang mga trabahante rito and inapply kita so, magtatrabaho ka na rito as a bellboy and at the same time, waiter."

Nawalan ako ng tinik ng nabanggit ni papa na may bago na akong trabaho. Sa wakas, may permanente na rin akong pagtatrabahuan. Not bad.

Sabay kaming naglakad patungo sa kubo na iyon at doon na tumuloy. Nang makapasok na kami sa loob, wala akong magawa kundi pagmasdan ang paligid. Walang kagamit-gamit ang bahay. Tanging ang sahig lang ang sasalubong sa paningin mo. I guess, kami na ang bahalang magprovide sa mga appliances namin. Okay na rin ito, at least.

"Sige na, magbihis ka na at ng makapagsimula ka na sa trabaho." sabay bigay ng uniporme ko.

Isa lang naman itong plain blue navy shirt na may nakatatak na

E.Y.E
Economical Yet Elegant

Tinernuhan ito ng isang jogging pants na dark blue ang kulay at may stripes na white sa gilid. Meron din itong isa pang pair na sleeveless shirt na kulay blue pa rin at isang blue shorts. Sinuot ko yung t-shirt at jogging pants. Lalabas na sana ako sa kubo ng tinawag ako ni papa.

"Tresti, inutang ko lang pala yang uniporme mo. Sinabi kong babayaran mo iyan kapag nakarating na tayo rito. May pera ka pa ba?"

Napabuntong-hininga ako. Pera na naman ang problema.

"Ilan po ba lahat?"

"Dahil dalawang pair yan, One hundred sixty eight pesos lang."

Napilitan akong kinuha ang dalawang daan kong pera bago ibinigay kay tatay. Nagmartsa na ako papunta sa lobby ng subdivision.

"Ikaw ba si Tresti Clyde Hernaez?"

Tumango ako sabay ngiti sa babaeng nasa front desk. Nakita ko namang paimpit siyang tumili ng ginawa ko iyon. Nagpataas tuloy ako ng kilay.

"Uhmm... Lilinisin mo raw yung Room 9 na nasa 2nd floor. Yung mga gamit ay kunin mo na lang sa stock room. Ito ang susi oh." sabay bigay niya sa akin ng isang susi. Nang kinuha ko na ito ay tumili siya ulit. Seriously?! Anong meron?

Nagpatuloy na lang ako sa aking gawain at nagtanong-tanong ako kung nasaan ang stock room. Tinuro naman nila ito sa akin. Nang mabuksan ko na ito gamit ang susi, agad akong napatakip sa aking ilong. Ang daming alikabok.

Agad kong hinanap ang mga cleaning materials. Kinuha ko ang nakita kong vacuum cleaner, water sprayer, wiping clothes, walis tambo, dustpan at ang trash can. Inilagay ko silang lahat sa isang cart at tinulak na ito.  Sinirado ko na ang Stock Room at nagmamadaling pumunta sa Room 9. 

Nang makarating na ako sa tapat ng room, kumatok muna ako bago pumasok. Walang katao-tao ang silid ngunit mapapansin ang magulong ayos ng comforter. Nakakalat din sa sahig ang mga pillows. Nag-igting ang mga panga ko ng makita ang mga damit na nakakalat malapit sa C.R.

"Seriously? Hindi marunong maglinis ng personal stuffs?" bulong ko sa sarili.

Wala na akong hinintay pang oras at naglinis na ako... Kasalukuyan akong nagwawalis sa sahig ng biglang bumukas ang pintuan. Iniluwal nito ang isang maputing babae na sa tingin ko ay may-ari ng room na ito.

Tinitigan ko siyang mabuti sa mata ng biglang sumakit ang ulo ko kasabay nun ang paghila sa akin ng kanyang mga mata sa isang unknown place. Then may nag-play na scenario sa utak ko.

"Saan tayo magsa-shopping?"

"Sa Luna's na lang. Yung bagong bukas na botique."

May apat na babaeng nag-uusap at pagkatapos nilang mag-usap, sumakay sila sa isang Calibre na sasakyan. Nang makarating na sila ay puno sila ng tawanan at halakhakan. Masayang-masaya silang lahat. Wala silang pakialam kung may mabangga man sila habang dumadaan sa pavement. Taas noo silang lumalakad na may kasama pang ngiti. Masasalamin sa kanilang pamumustora ang kaginhawaan nila sa buhay.

Nang makadating sila sa dress section, agad silang naghiwalay at kanya-kanya sila sa pamimili ng damit na kanilang nagustuhan. In fact, hindi na sila tumitingin sa price tag ng damit.

They are rich kids. How I wish I could be like them. How I wish money is not a problem. How I wish I can laugh at random things. How I wish... If only life is not unfair to me.

@MissSunnyBerry

The Gifted EyesWhere stories live. Discover now