Chapter XIII

1 0 0
                                    

Eyes of the Gifted
Feliz Elizabeth's POV

“Y-You have a cursed eyes like mine?” I hesitantly asked him.

Alam kong hindi dapat ako nakikipag-usap sa mga kagaya niyang mahirap lang ang katayuan sa lipunan ngunit hindi ko maikukubli na magkapareho naman kami ng kapalarang sinapit. Life played us well. Tumango naman siya at napakamot sa ulo na para bang nahihiya.

“Actually, you look very familiar to me. Para bang nakita na kita sa utak ko. If hindi ako nagkakamali, ang pangalan mo ay Feliz Elizabeth Monteverde, tama?”

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Mahirap paniwalaan na alam niya ang buong pangalan ko kahit na strangers kami pareho. Nang makita ang reaksyon ko ay nagsmirk lang siya. Sa ginawa niya ay hindi ko maiwasang hindi magduda.

“Totoo ba yang pinagsasabi mo? O baka isa lang yan sa mga tricks mo para makuha ako?” hindi ko mapigilang tarayan siya.

I should remind myself na hindi kami magkauri. After all, his motive is still covered, it is still unknown.

Kumunot naman ang noo niya sa pabalang kong pagtanong.

“Huh? What do you mean by makuha ka? Bakit naman kita kukuhanin?”

Napatampal ako sa aking noo sa sagot niya. Arg! Masyado siyang slow at inosente. Hayst. Ganyan talaga basta mga mahihirap.

“What I mean is baka gusto mo ako kaya sinasabayan mo yung mga pinagsasabi ko kahit na nagmumukha na akong nababaliw dito?!”

“Oww, ganun ba? I'm sorry miss pero ang paglapit at pagkausap ko sa'yo ay isang malaking no feelings involved.”

“Mas mabuti na yung malinaw. So, let's go back to the real issue here.” sagot ko dahil wala na akong maisip na salitang mailalaban ko sa statements ko kanina.

Pagkatapos kong sabihin yun ay kita kong nagseryoso na siya. Mariin siyang nakatitig sa akin at hindi rin naman ako nagpatalo. We both look at each other as if we're something mysterious. As if we're holding a secret that both of us only knew.

From where I'm standing, I can see clearly his twinkling eyes. His eyes is a bit  grayish in color.  Malalim ang mga ito na kapag tumingin ka parang mahihipnotismo ka na. There's something special in his eyes. Yung akin kasi, deep brown ang color.  Kapag natatamaan ng sinag ng araw ay lumilika ng magical na effect.

“Nakakakita ako ng kasiyahan sa mga mata ng tao. Ikaw?” basag ni Tresti sa katahimikan.

Naningkit ang mga mata ko. Happiness ang nakikita niya?

“Baliktad yung akin sayo. Sadness nakikita ko.” amin ko. Wala akong panahon na mag-inarte o isipin ang prinsipyo ko sa buhay. Ang mahalaga, di ako nag-iisa. Maybe we could find a way to escape this curse that both of us are tied.

“Ano sa tingin ang dahilan kung bakit tayo nagkaganito?”

Napailing ako sa tanong niya.

“Hindi ko masasagot 'yan, Tresti.”

“So you know my name?” nagtaas siya ng kilay sakin. Tumango naman ako.

The Gifted EyesWhere stories live. Discover now