Chapter 10

329 7 0
                                    

Carla's POV

Hinintay ko na lang sa may gate si Ely sabi niya kasi dun na lang daw ako maghintay. Ilang minuto lang dumating na siya

"Kanina ka pa?" tanong niya sakin

"Hindi naman sakto lang so tara na?" sagot at yaya ko sa kanya at pinagbuksan ko siya ng pinto dunsiya sa may passenger seat para hindi ako mukhang driver

"So saan tayo kakain?" tanong niya

"Sa mall na lang maraming kainan dun" sagot ko

"Ah okie ng makapag libot libot din" sabi niya

"Bakit wala ka ng klase?" takang tanong ko

"Wala na attendance lang naman ginagawa namin ngayon sa friday defense na namin" ah graduating na pala siya

"Ah graduating ka na pala.Goodluck sa defense mo" sabi ko nag pasalamat naman siya maya maya lang eh nasa mall na kami nag park lang ako at pumasok na kami

"So saan mo gusto kumain" tanong ko sa kanya

"Ikaw bahala ikaw naman nag aya eh" sabi niya

Pumunta kami sa may Max's ng may nakita akong hindi pwede makita ni Ely hinila ko siya palabas nagulat naman siya

"Oh bakit tayo umalis dun?" tanong niya sakin

"Ayoko dun gusto ko sa Vikings dun na lang tayo" yaya ko sa kanya buti na lang hindi umangal to bossy pa na  to

Pumunta kami sa may Vikings at kumain habang kumakain eh nag uusap lang kami about sa ginagawa niyang thesis actually tapos na siya defense na lang pala after namin kumain nag yaya siyang lumibot

"Tara libot libot muna tayo maaga pa naman eh wala naman akong gagawin sa bahay" yaya niya hindi na ako nakatangi kahit kinakabahan ako sa pwedeng mangyari

Ely's POV

Ang weird ng kasama ko kanina kung saan kami kakain nung nakapasok na kami biglang lumabas. Ngayon namab niyayaya ko siyang mag libot kanina sa kotse okie lang siya ngayong niyaya ko parang nagdadalawang isip pa siyang umoo

"Pwede mo va akong samahan sa department store?" tanong ko sa kanya

"Sige sige. Anong bibilin mo?" balik tanong niya

"Ah titingin lang ako ng jeans"

Pumunta kami sa department store tingin tingin ng magandang jeans may nakita akong black na jeans kinuha ko

"Pahawak naman nung bag ko" bigay ko ng bag ko kay Carla hahaha hindi bagay shoulder bag kasi yun

Pagkasukat ko ng jeans tinignan ko muna sa salamin tapos lumabas ako para itanong kay El kung bagay

"Okie lang ba?" tanong ko

"Fits you" sabi niya sabay thumbs up

Pabalik na ako ng dressing room ng may nahagip akong pamilyar na tao si Syd

Mablis akong nag bihis nung dati kong damit para maabutan siya kala ko ba hindi siya pwede pero  nandito lang naman siya sa mall

Paglabas ko pumunta kagad ako sa pwesto ni Syd. Nagulat ako nung lumapit si Rea sa kanya  umikot pa ito sa harap niya pinapakita siguro niya yung damit niya tumango naman siya.Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tumayo si Syd para halikan sa labi si Rea smack lang ito

Siguro ito na yung sagot sa mga tanong ko lumapit ako sa kanya sinampal ko siya at binato yung singsing sa kanya

Pagkatapos nun tumakbo na ako palabas ng mall pumara ng taxi nakalimutan ko kasama ko pala si Carla nag text ako sa kanya na nauna na ako

Carla's PoV

Nakita ko lahat ng pangyayari ito ang ayaw ko eh ang magkita sila. Sinundan ko si Ely nung pagkatapos niyang batuhin si Syd

Biglang may pumigil sakin at may biglang sumuntok

"Plinano mo to no?" galit na tanong niya sakin dumudugo yung gilid ng labi ko buti na lang walang masyadong tao

"Hindi no!" habang hawak ko yung labi ko hinila na siya nung babae paalis

Naiwan sakin ni Ely yung bag niya ibibigay ko na lang kay Ella para siya na lang magbigay. Pumunta ako sa bahay nila Ella

"Oh bakit putok yang gilid ng labi mo?" tanong niya inabot ko yung bag ng pinsan niya

"Paki bigay na lang sa pinsan mo" pagkatapos nun umalis na ako

Pag kauwi ko pumunta kagad ako sa kwarto ko nagbihis nilinis yung sugat ko kahit hapon na natulog pa din ako buti na lang na lock ko yung pinto hindi nila ako maiistorbo

She's my FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon