Carla's POV
Pag gising ko may nakayakap sa kani pag tingin ko si Ely hindi nga pala ako nakauwi dahil hindi niya ako pinauwi dahil nga sumasakit yung ulo ko. Tinititigan ko siya ng bigla siya nagising
"Goodmorning" bati ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo
"Goodmorning ayos ka na? hindi na sumasakit ang ulo mo?" tanong niya sakin
Tumayo na ako may pasok pa kami kailangan ko pang umuwi sa condo para makaligo
"Oo pagod lang ako kahapon kaya sumakit yung ulo ko" paliwanag ko " Ayy boss uwi na ako susunduin kita maliligo lang ako" sabi ko habang kinukuha ko yung mga gamit ko
"Dito ka na lang maligo may mga tshirt ako dito patong mo na lang yung cardigan mo"sabi niya tapos kinuha yung black na vneck shirt niya at binigay sakin
"Maligo ka na dyan dun na lang ako sa kabila maliligo maliligo" sabi niya
Naligo na ako dito sa banyo ng kwarto niya pagkatapos ko ay lumabas na ako suot ko yung tshirt niya at naka boxer ako meron siyang boxer pang tulog niya
"Anong gagamitin mong pantalon?" tanong niya pagpasok sa kwarto
"Ito na lang ulit hahahaha buti na lang hindi required uniform dun" sabi ko
Pagkatapos naming mag ayos bumaba na kami para kumain kami na lang dalawa ang nandito
Nasa office na kami naihatid ko na siya may meeting nga pala kami sakto labg ang dating ko
"Oh sakto dating mo pagmemeetingan natin yung bagong photoshoot" sabi ni Joel hanggang ngayob nangungulit parin siya sakin
"Tara pag usapan na natin"sabi ko
Nagkumpulan na kami para pag usapan
"Saan ba magandang lugar para sa gagawin natin?" tanong ni Aby
"Anong theme ba?" tanong ko
"Mga pang outdoor na polo na may design" sagot ni Jordan
"Sa isang mall na lang natin gawin tsaka sa labas nito"suggest ko
"Oo ganun na nga madalas ka naman pumasok na naka polo eh ikaw na lang kaya yung mag model" sabi ni Aby
"Oo nga ikaw na lang tutal bagay naman sayo mag polo eh"dagdag ni Ramon
"Dalawa kayo nung lagi mong kasabay mag lunch. Meron kasing pang couple na damit dun eh" Jordan, dinamay na nga ako dinamay pa pati si Ely
"Bakit hindi na lang kami ang mag model dun sa pang couple?" sabi ni Joel
"Hindi pwede nakita mong parehas kayong manly ang look dahil sa gupit ni El eh" salamat Aby hahahaha
"Tsaka mas matangkad ako sayo" sabi ko tawanan naman sila
"Ano payag kana?" tanong nila
"Pag pumayag si Ely papayag ako" sabi ko at tumayo na ako pumunta na sa pwesto ko
"Pumayag ka na 2days from now na yun oh" sabi ni Aby sinundan pala ako dito
"Photographer ako hindi model" sabi ko
"Sabi mo pag pumayag yung Ely papayag ka"
"Sige payag ako pag napapayag niyo siya" sabi ko at tingin tingin na ulit ako sa bagong fashion trend
Nagulat ako ng dumating dito sa office ko si Ely
"Oh boss bakit ka nandito?" tanong ko
"Eh diba napasa ko na yung mga kilangan ipasa eh wala na akong gagawin kaya pumunta ako dito. Early lunch tayo pangit"aya niya sakin inayos ko na yung table ko at tumayo na
Palabas na kami ng biglang pumasok si Aby at Ramon
"El pumayag ka na kasi ......" hindi na natuloy ni Aby yung sasabihin niya ng makita niyang kasama ko si Ely
"Epic ha hahahaha"sabi ko sabay tawa
"Hi"bati sa kanila ni Ely binati din nila
"Mamaya na lang natin pag usapan pag katapos namin kumain" sabi ko at umalis na kami
Kumakain na kami ng bigla siyang magsalita
"Pangit ano yung pumayag ka na kasi na sinasabi nila?" tanong niya
"Gagawin nila akong model " simpleng sagot ko
"Oh eh bakit daw pumayag ka na?"
"Sabi ko kung papayag kang dalawa tayo" napatingin naman siya sakin
"Bakit pati ako dinamay mo?" tanong niya pinaliwanag ko naman sa kanya unh napagusapan namin kanina
Pagbalik namin ay sinama ko siya office para makausap siya ng mga kasama ko
"Ano na?" tanong nila lumabas kasi ako para papuntahin sila sa office ko nandun kasi si Ely
Pagpasok namin nakaupo siya sa pwesto ko at nilalaro yung phone ko
"Boss may sasabihin sila sayo"sabi ko at pumunta sa tabi niya
"Ano po yun?" tanong niya
"Pwede ka bang maging model kasama mo naman si El eh?" Aby
"Kasi pang couple yung mga damit bagay naman kayo kaya please pumayag ka na para pumyg na si El" nagtinginan kami ni Ely tas biglang natawa bagay daw kami hindi pa nila alam na kami na
"Ano payag na kasi kayo bilis na" nagmamakaawa na sila kaya pumayag na kami sa makalawa pa naman gagawin yung photoshoot
Napasok pa kami sa pagiging model