Carla's POV
Kinakabahan ako nung tinanong ko siya kung pwede ba mag dinner kami buti na lang at pumayag siya. Tatawagan ko yung pinsan niya para ipaalam
Calling Ella Joey
(Oh bakit?)
"May sasabihin ako sayo" sabi ko sa kanya
(Ano yun?) tanong niya
"Liligawan ko na yung pinsan mo" sabi ko
(Yun lang pala eh ang tagal ko ng gustong sabihin mo yan eh) sabi niya
"Bakit naman?" tanong ko
(Tagal ko ng nahahalata na may gusto ka sa kanya hahahaha) sabi niya sabay tawa
"Ewan ko sayo bye na" end call
Habang tinitignan ko yung mga kuha ko nung photoshoot ay iniisip ko na yunv sasabihin ko. Namimili na ako ng kailangan gamitin para sa magazine kasi next week na ilalabas yun
Labasan na namin kaya tinext ko na si Ely
To Boss Ely (Pinalitan ko yung name niya)
"Boss kita na lang tayo sa parking lot" text ko sa kanya
Hinintay ko siya dun ilang minutes lang dumating nasiya
"Tara na?" tanong ko baka kasi may puntahan pa siya eh
"Tara san tayo mag didinner?" tanong din niya sakin
"Basta" sabi ko sa kanya
Pagkarating namin sa resto ni ate dinala na kami sa pina reserve ko
"Sosyal ka Pangit ah" asar niya sakin
"Ganun talaga" sakay ko sa asar niya
Patapos na kaming kumain ng magsalita ako
"Boss may gusto sana akong sabihin sayo" sabi ko
Ely's POV
May gusto daw sabihin si Carla sakin
"Ano yun pangit seryoso ma masyado?" sabi ko sa kanya
"A-ahh a-ano kasi " utal utal niyang sabi
"Ano bakit ka utal magsalita?"
"Gusto ko sanang kung pwede bang..." pigil niyang salita hinihintay kong ituloy niya "Kung pwede ba kitang ligawan" sabi niya sabay yuko nagulat ako kaya tinanong ko ulit siya
"Ano ulit yun?"
"Kung pwede ba kitang ligawan" this time naka tingin na siya sakin
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko alm kong may nararamdaman na ako sa kanya pero ayokong maulit yung nangyari sakin
"Kung hindi ka pa handa okie lang hindi mo naman kailangang sagutin ngayon eh" sabi niya
Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ako nakapag salita naging tahimik ang pag alis namin sa resto
Tahimik lang kami hanggang makarating kami samin
"Thank you sa dinner" sabi ko
"Wala yun sige na gabi na kailangan ko pang isend yung mga photo" sabi niya
"Carla yung kanina -" hindi ko na natapos kasi bigla siyang nagsalita
"Wala yun maghihintay ako" sabi niya nagpaalam na siya
Umakyat ako sa kwarto ko hindi ko alam ang gagawin ko no hindi ko nasagot yung tanong niya tinawagan ko si Ella
Calling Ella Joey
(Kamusta pinsan?) masaya niyang bati
"Pinsan may problema ako" sabi ko
(Ano yun? pumayag ka ng magpaligaw kay El?) tanong niya nagtaka ako kung pano niya nalaman
"Pano mo nalaman?" tanong ko
(Tumawag siya kanina sakin ano pumayag ka ng ligawan ka niya?)
"Yun nga yung problema ko eh hindi ko nasagot yung tanong niya hindi ako nakapag salita. Hindi pa ako ready baka mangyari nanaman yung samin ni Syd baka lokohin din niya ako" sabi ko sa kanya
(Alam mo magkaiba si El tsaka si Syd naiintindihan naman kita eh pero pano mo nalaman na pareho sila? Wag mong ilugar yung sarili mo kung hindi mo alam yung about sa kanya. Magpahinga ka mag isip isip ka kausapin mo siya pag napagisip ka na sige na bye na) mahabang sabi niya sakin
Hindi ko alam yung gagawin ko alam kong nasaktan si Carla nung wala akong response sa sinabi niya nagtext si Ella
fr Ella Joey
" Pag isipan mo ikaw pa lang ang kauna una hang liligawan niya goodnight" text niya mababaliw ako sa kakaisip nito matutulog na nga muna ako