Ely's POV
Goodmorning Sunshine :))
Ang ganda ng gising ko ngayon ewan ko kung bakit basta maganda. Nakatext ko pala kagabi si Carla hahahaha hindi siya naka angal nung sinabi ko yun yung itatawag ko sa kanya. Yung about naman sa issue ni Syd tsaka nung badminton player eh hindi naman totoo sabi ni Syd
Tumayo na ko para makapag ayos dahil papasok pa ako isasabay ko yung mga kapatid ko pero hindi ako magddrive tinatamad ako.Pag tapos ko tinawag ko na yung dalawa
"Marco Mark bilisan niyo malalate na ako" sigaw ko sa kanila nasa baba na kasi ako
"Bababa na" balik sigaw nila bumaba na sila at pumasok na kami pag dating namin sa school eh naghiwalay hiwalay nakami
Sydney's POV
Kausap ko ngayon si Rea yung kasama ko sa shop
"Ano no ng gagawin natin may kumakalat na nabalita tungkol satin" nagaalala niyang sabi
"Ayos na nakausap ko na yung gf ko about dun naniwala siya sakin pero kailangan na nating mag ingat" sabi ko
"Kelan mo ba hihiwalayan yun? ang tagal na natin pero kayo pa din" tanong niya
"Humahanap lang ako ng tyempo para hiwalayan siya"
"Mahal mo pa ba yun?" tanong niya ulit
"Oo pero mas mahal kita kesa sa kanya" pag aassure ko sa kanya
Nakilala ko si Eliza nung time na nireject ako ni Rea si Ely yung laging nandyan sakin nung time na down na down ako nahulog ang loob ko kay Ely nun mahal ko na siya pero mas mahal ko si Rea kaya binaling ko yung pagtingin ko sa kanya nung tumagal tagal limang buwan na kami ni Ely kinausap ako ni Rea nagsorry siya sakin tinanggap ko dahil mahal ko pa rin siya naging kami patago habang kami ni Ely kami din ni Rea. Ngayon eight months na kami ni Ely tapos three months naman ni Rea mahal ko si Rea mas higit kay Ely kaya tamang hinala ako sa kanya para hiwalayan
"Babe?" may tumawag sakin paglingon ko si Ely pala
"Bakit ka nandito?" tanong ko nagulat ako nakita niya kami ni Rea naguusap
"Napadaan lang ako dito tapos nakita kita" sabi niya " Anong ginagawa niyo?" tanong niya
"Ah napag usapan namin yung about sa issue namin pinag usapan na namin na wag na lang pansinin" sagot ko " tara na salamat pala ah wag mo na lang pansinin yun" yaya ko kay Ely
Carla's POV
Ang aga kong umalis sa bahay madilim pa lang eh umalis na ko para maabutan ko yung sunrise pag dating ko sa laguna eh mag liliwanag palang kaya nag park ako at kinuha ko na yung camera. Nakuhanan ko yung sunrise ang ganda dito nakaka relax ng biglang may tumawag sakin
Ella Joey Calling....
"Why?" bungad ko
(Where are you samahan mo ko)
"Nasa laguna ako pag katapos ko pupunta pa ako sa batangas"
(Hindi mo ako sinama madaya ka)nagtatampong sabi niya
"Gusto kong mag unwind kaya hindi ko sinabi"
(What ever Carla! what ever) asar niya sakin
"Dont call me Carla!" asar na sabi ko sabay baba
Pagkatapos ko makipag usap sa bestfriend ko kumuha ako ng iba pang picture after nun kumain na ako kung saan may malapit na kainan hindi naman ako maarte sa pagkain pero sa ibang bagay maarte ako
Pag katapos kong kumain nagbyahe na ako papuntang batangas tanghali na ako nakapunta dun nag ikot ikot muna ako dala yung camera ko maganda talaga dito tanaw mo yung taal habang naglibot libot ako tumawag yung kapatid ko
Carlo Calling.....
(Ate pupunta ako kila John ngayon overnight kami sa kanila kasama nung iba naming classmate) yung totoo hindi man lang nag hello
"Sige sige mag ingat ka papunta dun bye"
Tinapos ko na yung pakikipagusap sa kapatid ko kinuhanan ko yung mga ibang turista dito. Nung bandang hapon inabangan ko yung sunset
"Babalik ako dito isasama ko yung taong mahal ko" bulong ko sa sarili ko pag katapos kong kuhanan ang sunrise.
Gabi na nung nakarating ako sa bahay sa bahay pumunta kagad ako sa kwarto ko at nag shower pag katapos nun ay natulog na ako