Chapter 5

495 10 0
                                    

Carla's POV

Hayyy bakit ba ang init ng ulo sakin ni Syd kahapon? Wala naman akong ginagawa sa kanya bahala siya sa buhay niya papansin lang yun ang bad ko hahahaha. Nasa building ako ng company namin wala gusto ko lang mag libot libot ayaw pa akong pagtrabahuhin ng tatay ko eh.

Pagkatapos kong mag libot umalis na ako at pumunta sa malapit na coffee shop hindi naman ako mahilig mag kape pero meron naman siguro silang hot choco

"One hot choco and that bread" turo ko dun sa may tinapay na may chocolate sa itaas

"Yun lang po ba?" tanong sakin nung crew

"Yes paki hatid na lang dun sa table na yun" turo ko dun sa table malapit sa bintana

Bago ako umupo kinuha ko muna yung iPad ko tsaka MacBook ko tapos bumalik na ako sa shop at umupo na ilang minuto lang dumating na yung order ko

Nilagay ko yung earphone ko sa iPad para mag music ng may mapansin akong pamilyar na tao si Syd may kasamang babae pero hindi naman si Ely yun ponagmasdan ko lang sila hanggang umupo sila naguusap lang sila pero parang hindi sila mag kaibigan lang kasi yung babae kung makadikit kala mo mawawala yung kasama. Nagbusy busyhan na lang ako sa pag tingin tingin ng mga picture. Ng maubos ko yung inorder ko umalis na ako madadaan ko sila nung dumaan ako napansin ako ni Syd pero nagpatuloy lang ako hanggang sa kotse ko umalis na kagad ako sa lugar na yun pinuntahan ko yung dati kong clasamate na si Diane at naki pag usap

"Baby why are you here?" baby nanaman tawag sakin tss

"Wala kasi akong magawa eh kaya pinuntahan kita and stop calling me baby" sabi ko sa kanya

"Arte pa rin hanggang ngayon. Anong problema at nandito ka?" alam niya talag pag may problema ako kasi sa kanya lang ako pumunta bukod sa bestfriend ko

"Kasi nakita ko yung gf nung pinsan ni Ella may kasama eh" sabi ko

"Oh ano nan kung may kasama malay mo kaibigan lang sila" sagot niya sakin

"Hindi eh parang may iba mas clingy pa yung babae sayo" pagkukumpara ko

"Clingy? you mean eh kung makadikit kala mo sila?" tanong niya

"Oo kung kaibigan niya lang yun hibdi naman yun kakapit na parangtuko diba?" tanong ko " tsaka anong gagawin ko sasabihin ko ba sa pinsan ni Ella?" dagdag na tanong ko

"Kung ako sayo wag kang makaelam hayaan mo sila" payo niya

"Oo mainit din dugo sakin nung babae na yun eh kala mo aagawin ko gf niya" sumbong ko

"Eh baka naman may gusto ka sa pinsan ni Ella. May gusto ka ba sa kanya?" tanong niya

"Wala naman maganda naman siya mas matangkad ako" sabi ko

"Tinatanong ko kung may gusto ka sa kanya hindi ko sinabi sabihin mo katangian niya" sabay pitik sa noo ko

Nagpaalam na ako sa kanya kailangan ko pa pag aralan yung mga gagawin ko sa kumpanya

Pagkauwi ko sinimulan ko na basahin yung mga manuals. Hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina kaya tinignan ko na lang yung mga pictureng model ng company

Bandang alas dose natulog na akokasi balak kong pumunta sa laguna para kumuha ng mga picture.

She's my FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon