“Yunseong! Yunseong hyung!” patakbong lumapit sa akin si Dongyun, kasama niya si Changuk, na bagong member ng Woollimz.
“Oh?”
Kakapasok ko pa lang ng gate ng school, makikipag daldalan agad sakin 'to. Kalalaking tao, napaka-chismoso.
“Alam mo na ba?—”
“Hindi pa.”
“Patapusin mo muna kasi!” sigaw sakin ni Changuk sabay hampas sa balikat ko. Aray, masakit din 'yun ha? Pero wala nang mas sasakit pa sa sakit ng pag-iwan sakin ni Junho.
Shet Yunseong, 'wag kang umiyak! Strong ka diba? Strong ka!
“Oo na. Oo na. Ano nga 'yun?”
"Ano kasi..." Huminto si Dongyun tapos tumingin kay Changuk na nakatingin din sa kanya. Ano, mga pabitin kayo! Bwisit.
“Ano nga!? Cliffhanger ka pang kupal ka.”
“Ngayon na raw 'yung students exchange program.” kwento na ni Changuk na mukhang naiinis kay Dongyun kasi hindi pa niyari 'yung sasabihin. Such a cliffhanger.
Pero teka? Ano bang pakialam ko sa students chuchu program na 'yan? Kinalaman ko dyan?
“So?”
Nagkatinginan na naman sila bago ako sagutin. Mukhang nagkakaturuan pa kung sinong magkukwento sakin.
“Dongyun, ikwento mo na. Para ka namang tanga!” inis kong singhal kay Dongyun.
“Tanga ka rin? Pero ayun nga, ngayon na dadating 'yung exchange students... And magiging classmates natin sila according sa narinig ko.” kwento ni Dongyun.
“And guess what school is it?" tanong ni Chang Uk na naka-cross arms pa.
Tumawa ako. “Guess? Guess niyo ulo niyo. Wala akong time para hulaan pa 'yung school! Wala akong pakialam sa kanila!” sigaw ko.
Tumingin sa paligid 'yung dalawa, kaya napatingin na rin ako. Napapatingin pala sa amin 'yung mga dumadaan. Nagugulat siguro kasi kakapasok mo lang ng gate, may makikita ka pang nagsisigawan sa may gilid!
“Huwag ka ngang sumigaw! Para ka namang squammy niyan!” naiinis na bulong sa akin ni Dongyun.
“Eh kasalanan mo eh?” sisi ko sa kanya.
“Ako? Anong ako? Sino ba 'yung sumisigaw!”
"IKAW!"
"ANO!?"
"Pota. Manahimik na nga kayo! Makaalis na nga! Hindi ko kayo kilala ha!?"
Sabay naming nilingon ni Dongyun si Changuk na tinalikuran kami pagkasabi niya ng mga nasabi niya.
"Umalis pa tuloy si Changuk! Ikaw kasi eh!" pang-aasar ko kay Dongyun.
"Tumigil ka na nga! Kainis."
"Tss. So ano ngang school 'yon?" tanong ko.
"'Yun nga 'yung sasabihin ko kanina pa kaso nang-aaway ka!"
"O eh ano ngang school?"
"Ano pa ba? E di 'yung rival school ng Produce! One It Academy!"
--