5

112 12 11
                                    

[5]

Dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto ng classroom namin para lang 'wag gumawa ng ingay. Nasa labas pa lang kasi ako, rinig ko na 'yung ingay ng mga kaklase ko. Ayoko naman maging center of attraction nila.

Nang makapasok ako nang walang nakakapansin sakin, I sighed in relief. Tumingin ako sa kanila at nakita kong nagk'kwentuhan sila kasama 'yung mga exchange students. Hanggang sa nakita ko si Junho na naka-upo sa may likod ng upuan ko... busy siyang kausapin 'yung mga dating kaklase na nakapalibot sa kaniya.

"Yunseong!"

Napapikit ako sa inis. Bwisit na Minseo 'to, sinigaw pa 'yung pangalan ko! Nagtinginan tuloy sakin lahat! Bwisit! Bwisit! BWISIT!

Masamang tingin ang ginanti ko sa kanya habang naglalakad papunta sa upuan ko... na malapit kay Junho.

"Oy Yunseong! Say hi to Junho naman!" nang-aasar na sabi ni Keumdong na nagpatahimik sa klase. Isa pa 'to. Pota.

Tiningnan ko si Junho na nakangiti sakin. Huhuhu! 'Wag mo kong ngitian ng ganyan, marupok ako!

Pero! Hindi ko dapat ipakita sa kaniya na gusto ko pa rin siya. Agad-agad akong nagpoker face sabay bati sa kaniya.

"Hi." maikling sabi ko tapos ay naupo na ako at tinalikuran siya. Huhu! If you only know Junho, hindi kita babatiin ng ganito!

"Yunseong!" tawag ni Junho sakin kaya nilingon ko siya. Tahimik pa rin dahil pinapanood kami ng dati naming mga kaklase.

"I miss you!" dugtong ni Junho.

WHAT. THE. GAGO?

TOTOO BA 'YUN O HALLUCINATION O PANAGINIP? KASE KUNG PANAGINIP AYAW KO NANG MAGISING!

Sht, calm down! Hindi mo dapat ipakita sa kaniyang affected ka! Hindi! Siya ang nang-iwan sayo! Wag kang maghabol dahil sa simpleng 'I miss you' niya!

Tinanguan ko lang siya saka binalik tingin ko sa harap. I know it's rude, pero mas rude ang ginawa niya sakin na pang-iiwan! Pero I miss you more Junho.

'Ooooooh!' dinig kong side comments ng mga tropa ko. Kingina.

--

Makalipas ang ilang minuto, pumasok na ang last subject teacher. Wala ngang patawad eh. Quiz daw. Exempted 'yung exchange students siyempre.

Kasalukuyan nang nasa number 5 ang quiz, pero wala pa rin akong nasasagot. Ganun din si Hyeop, tapos hindi naman nagq'quiz 'yung katabi ko! Kanino ako mangongopya? Lintek Yunseong! Nangangamote ka ba!?

"Number six. What is a kind of market where only one individual or company blah blah blah blah..."

Shet! Anong market 'yon? Supermarket? Market! Market!? Pota! HELP! huhu

"Monopoly." dinig kong bulong nung katabi kong exchange student. Medyo naguluhan naman ako kaya nilingon ko siya.

"Sagot." maikli niyang sabi na hindi man lang ako nililingon. Wow, attitude.

Tumango nalang ako at sinulat 'yun sa papel.

Ganun ang mga nangyari sa mga sumunod pang tanong. Binubulong niya sakin mga sagot.

"Goodbye class."

Nagtayuan na kami saka nag-ayos para umalis na ng classroom. Nakita kong tumayo na rin 'yung katabi ko para puntahan sa kabilang row 'yung mga kaibigan niya pero pinigilan ko siya.

"Teka!" mahinang tawag ko sa kanya sabay hawak sa braso niya.

Wait.. hawak.. braso?

Nahiya naman ako kaya binitiwan ko agad. Nilingon niya na rin ako.

"Ano.. salamat ha."

Ngumiti siya. Wow, ang gwapo. Mas cute nga lang si Junho hehe.

"No problem." sagot niya sabay talikod ulit.

"Teka.. ano.. Yunseong nga pala. Hwang Yunseong." pagpapakilala ko.

"And I'm Minhee. Kang Minhee."

--

A/N: Yunseong, gwapo man sa iyong paningin si Minhee, hindi pa rin naliligo 'yan ng apat na araw.

saving minhee ★ hwangminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon