Buzzer Beater

433 18 4
                                    

"Okay, 1... 2... 3... look at the camera"

Narinig ko ang ilang click ng shutter bago may nagsalita, "Good take!" nagpakawala ako nang hininga pagkasabi ng photographer na maayos ang nakuha nilang litrato. Gusto ko lang talaga matapos ang pictorial na ito! Inirapan ko naman ang katabi ko bago dumiretso sa bench ko.

2 buwan na ang nakalipas at nandito na ako ngayon, having a pictorial for another endorsement. At sa kasamaang palad, kasama ko pa ang demonyong ito sa endorsement na ibinigay sa akin. Apparently, isang couple endorsement ng isang kilalang clothing line ang kailangan namin para sa shoot. May bagong collection ata silang ilalabas kaya kailangan ng mga litrato.

Hindi naman dapat talaga ako nandito eh! Pero dahil sa isang salita ng lalaking ito, napasali ako dito! Lintek na, ligtas naman na pala ako eh. Sabi na eh hindi naman ako papasa sa mga ganito pero dahil sinabi ni Paul sa nanay niya na nililigawan niya ako ay agad pumayag ang nanay niya, at nirequest pa na kailangan magkasama kami sa mga shoots. Take note, shoots, iyong plural.

Kaya ang ending, napakarami ko nang nagawa kasama si Paul. Mapa-tv commercial man 'yan, guestings, magazine cover, advertisements, endorsements, at marami pang iba! Kung hindi lang maganda ang kita ko dito ay matagal ko nang hindi tinanggap ito.

"Ito naman, mahirap ba maging sweet sa harap ko?" pagsasalita niya sa likuran ko

Sinilip ko siya sa salamin at inirapan, wala akong pake kung umikot na nang tuluyan ang paningin. Mairapan ko lang siya masayang-masaya na ako! Sinasabi ko sa inyo.

"Bakit ba kasi ako kasama dito argh," bulong ko sa sarili ko

Inaayos ko ang bag ko nang may maramdaman akong hininga sa likuran ng tainga ko, di ko alam pero parang nag-udyok yun para magkariot sa loob ng tiyan ko. What the hell is that?!

"Because I want to be with you." he smiled

Why can he just do a normal smile like what he usually do with other people?

Bakit pakiramdam ko, iba lagi ang ngiti na ipinapakita niya sa akin! Hindi ako natutuwa dahil aminin ko man o hindi, nakakahikayat at nakakaakit ang mga ngiting iyon! Madaling makapanloko!

Tumayo ako para makaiwas sa makapanindig balahibo niyang boses, "Restroom lang," sabi ko dun sa make-up artist.

Pagkarating ko sa CR huminga ako ng malalim. "God! This can't be!" Pinalo ko ang tiyan ko dahil napagtanto ko na nakakaramdam ako ng 'butterflies in stomach' na usually nararamdaman lang ng mga inlove o kinikilig. Pinigil ko iyon dahil hindi ko naman dapat maramdaman lalo na kung si Paul ang magpaparamdam nun!

Nakarinig ako ng flush at napatingin sa salamin, tatlong babae ang sabay-sabay na lumabas ng cubicle at nag-ayos sa harap ng salamin. Mukhang may pinag-uusapan sila. And knowing me, lagi akong curious kaya I acted like I was fixing my hair and face.

"You know what? I heard na may nililigawan si Paul at gosh! Seryoso daw siya dun!" Matining na sabi ng babae, agad naman akong napatigil sa pagsusuklay. Ano daw? Si Paul may nililigawan at seryoso siya? Joke ba yun?

"Yeah heard that too! Maganda nga daw eh. At Cy.. Ci.. Cyrene ata pangalan, I'm not sure" kibit balikat ng isa.

Literal akong napanganga sa narinig ko. Sht! They're talking about me. Being involved with the name of the man who has a goddamn sexy smile!

May tumapik ng balikat ko kaya naman nakabalik ako sa katinuan, "Is there a problem? Bakit nakanganga ka dyan?" Napipigil na tawa nung babae

Agad naman akong umiling, "No, may naalala lang ako" plastik akong tumawa

Almost Over You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon