"Are you done? Do you want anything else?"
Napangiti ako. Ganito pala feeling ng may boyfriend. I grew up being independent so having this kind of conversation isn't familiar to me, nasanay na din kasi akong hindi umaasa sa iba para kahit iwan na ako ng lahat eh may matitira pa rin sa akin. Kasi kaya kong mag-isa pero ngayon? Ang hirap maging independent kapag may boyfriend kang ganito kakulit.
"I'll buy dessert lang okay? Be right back," he kissed my left cheek before leaving me alone, I just watched his back being swooned away in the sea of students inside the cafeteria.
Its been maybe 3 months or 4? I actually don't know or even keep tract, I'm good at numbers pero mas gusto kong binibilang yung years kaysa sa months. Like, mas masarap kayang pakinggang na tumatagal kayo ng years kaysa sa months diba?
Hindi ganun kadali ang pinagdaanan ni Paul bago naging kami. I admit, pinahirapan ko siya ng sobra. At dun ko napatunayan na, yeah he really deserve to be chance he's asking and always the feeling of being loved by the person you're attached with. Hindi siya sumuko from the very beginning and I've always admired him for that. If I was him, I won't even have a patience to render orders from a girl, especially the one I'm courting pero siya? I haven't heard any complaints from him. Eventually, kahit gaano ako katigas, ang ending eh siya pa rin pala yung taong makapagpapalambot sa akin. Hindi ko alam na kung paano o bakit, it just turns out na nagising ako — I already love him.
Marami pang nangyaring mga kalokohan, kiligan, at diskarte bago kami humantong sa kung ano man ang meron kami ngayon. I can still clearly remember,
Its friday, month of November at busy ako sa S.I.P Project ng Biology subject namin. Alam mo naman, pati branches ng sciences eh nakikimajor na rin. Hanep diba? Anyway, I was in the middle of writing my hypothesis nang may nagtilian sa corridor. Kailan ba nila marerealize na sobrang unethical ang magtititili sa corridor. If I know, mga lalaki lang naman 'yan usually. Kung hindi ang basketball team, ibang varsity naman. Sakit sa ulo din naman kasi ang mga kayabangan ng mga varsity na ito. Mga feeling gwapo.
I'm really not used in making drafts sa open crowd. Mahirap madistract sa iba't ibang ingay. Kaya sa mga tili ng tao ngayon sa corridor, hindi lang yun simpleng ingay, the people are really really wild.
Then the next thing I know is, may kumakanta na sa harap ko or should I say someone's serenading me. What the hell? Napatigil ako sa pagsusulat ng draft dahil doon. Sa tugtog na, Kung Akin Ang Mundo. Its a bit 'corny' kasi for god's sake, mayaman siya tapos manghaharana, OPM pa! Hindi ba siya marunong ng modern na panghaharana? But I shook my head in disgust at pinanood siya. Halos mamatay at mangisay na sa kilig ang mga kasama ko dito at hindi mo malaman kung saan gagalaw, kanino ibabaling ang pananakit dahil kinikilig sila. I couldn't deny the fact na kinikilig din ako pero hindi ba masyadong nakakahiya yung maging hysterical ka lalo na kung kinikilig?
Unti-unti siyang lumapit dahilan para mas lalo kong marinig ang malamig niyang boses. Nung nakaraan naman sintunado siya ah? Bakit ngayon parang gumanda ata ang boses niya. With the thought of him having a good voice, uminit agad ang pisngi ko, "Cyrene." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "O-oh?" At sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa ako nautal?
He flashed his big smile that made the crowd go wild again, "Hi." I swear to god, I saw a blushing face. Aha! Marunong din pa lang mahiya at kiligin ang isang Paul?
He then asked me out on a date but I refused.
Busted.
Sorry, its acads over landi.
BINABASA MO ANG
Almost Over You [COMPLETED]
Historia CortaCyrene Valdomero is a firm believer of a happy ending but is afraid to have one. Having a lovelife is really out of her plans and meeting Paul Chan gave her more reasons not to fall in love. Little did she know, Paul was already searching a way to h...