Fate 6

18 4 0
                                    

Maxzein's P.O.V 🌻

"Okay class! Dismiss" agad naman akong tumayo at inayos ang mga gamit ko, nang walang emosyon pero medyo nakakunot ang nuo. Nakita ko namang t  aumayo rin yung tatlo kaya sabay sabay na kaming naglakad sa hallway ng tourism floor.

"Alam naman natin kung saan daan papuntang cafeteria kaya, tinext ko nalang sina len,frianna at tin, na dun nalang tayo magkita kita" sabi ni camilla

"Ikaw babaita marami kang dapat ikwento" turo sa akin ni alex pero nag smirk lang ako

"Ako lang ba?" Tanong ko at tinignan silang dalawa ni camilla. Obvios namang may gusto si kylie dun sa isa, kaya no need to explain.

Tumikhin naman si camilla at nag iwas nang tingin at nakita kong medyo kumunot ang nuo niya "oo na sasabihin ko na, yan tanungin niyo si alex" pagiiwas ni camilla sa usapan

Tumingin naman ako kay alex at medyo nag aalinlangan pa siya pero tumango rin naman

Kaming buong section nalang halos ang nasa hallway dahil huli na ng 15 minutes nag dismiss si maam kanina. Kaya sure akong wala dito yung apat na lalaking  nakasalubong namin kanina kasama na yung  gago.

Bumungad sa amin ang maingay na cafeteria kaya iginala ko ang aking paningin para hanapin yung mga bago naming kaibigan pero naunahan na ako ni mitch, talas talaga ng mata nito."uyy yun sila oh" Nandoon sila kung saan kami nakaupo kahapon.

Umupo na kami at ako na ang umorder. Pagkatapos kong umorder ay pumayag naman yung server na siya nalang ang maglagay sa table, paano? Nginitian ko eh. Ewan ko dun bakit ngumiti rin pabalik habang patango tango, para siyang hindi server dahil mistiso siya at may biloy sa kanang pisngi pero dahil sa apron niyang gamit ay masasabi kong server talaga siya. Sumisigaw ang mabait at jolly niyang aura kaya hindi ko maiwasang mahawa. Nung matapos ko na siyang nginitian ay tumalikod na ako sa kanya, nahagip naman ng aking mata na nakatigil yung mga lord sa may pintuan ng cafeteria dahil hindi nagtutuloy si dale sa paglalakad at nakatingin lang sa aking nakangiting mukha, kaya nung nakita ko siya ay ibinalik ko sa expressionless because he doensnt deserve my smile anymore not even a little. Kumunot naman noo niya dahil sa ginawa ko pero parang nakita ko siyang sinamaan ng tingin yung mistisong server, problema niya?

Hindi ko nalang yun pinansin at bumalik na sa table. Nakita ko namang nakatingin yung apat sa mga lords. Aaminin ko sa sarili kong lahat sila gwapo at hot yung dalawa naka jersey ng basketball isa na dun yung pinakagwapo sa kanila yung parang lider nila, ito ata yung sinasabi ni mitch na discourteous, hindi naman sa ibig sabihin tinawag kong siya yung pinakagwapo sa apat ay hindi na gwapo yung tatlo meron kasing ibat ibat klase sila ng kagwapohan. Yung isa naman naka jersey ay yung nakabangayan ni alex kanina na parang suplado.naka swimming jacket naman yung type ni kylie Naka soccer attire naman yung natitirang dalawa, yung humalik sa pisngi ni camilla at si dale the gagong maraming alam.

Tumikhim naman ako para makuha yung atensyon nung apat "baka mapatay niyo niyan sila sa kakatingin niyo" kalmado kong sabi. Napatingin naman sila sa akin at umayos para di halata
"Anug tinutuko------ oyy thanks pre" tatanungin pa sana ako ni alex ng dumating yung pagkain, tsss pagkinuha mo yung akin kukunin ko yung sayo sige ka

"Kumain na tayo" sabi ni len

Habang kumakain kami nagtanong bigla si frianna
"Close ba kayong lima sa  mga lords?" Tanong niya

Iiling na sana si camilla pero inunahan siyang magsalita ni mitch "oo" maikling sabi niya

"Huh" sabay sabay naming sabing tatlo, hindi kaasama si kylie

"Close kami. Close na namin silang sapakin" napangisi naman ako dahil sa sinabi niya thats our girl. Nangunot maman ang nuo nina len, frianna at tin

Twisted Fates: Twisted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon