Excited akong pumasok ngayong araw. 2 days nung huli kong nasilayan ang iyong mukha.
Ngayon na Monday na ulit, alam kong makikita na naman kita kaya inagahan ko talaga ang pagpasok.
Alam mo bang ikaw ang inspirasyon ko? Ikaw ang dahilan kung bakit ako laging masaya.
Crush na crush kita!
Habang naglalakad ako sa hallway, palingon lingon ako. Umaasang makikita kita. At hindi nga ako nagkamali. Kasi nand'yan ka na. Alam kong dito ka talaga dumadaan kapag papasok ka na. Lagi kitang inaabangan eh.
As usual, nagkunwari akong nagbabasa ng libro pero ang totoo, sa'yo ako nakatutok at hindi sa binabasa ko.
Pinagmamasdan ko ang bawat paglakad mo. Super manly!
Nakakainlove!
Hayyyy crush, kelan ka kaya magiging akin? Sana ngayon na hihi.
Biglang nanlaki ang mata ko, nang bigla kang lumingon kung nasaan ako.
Oh em gee!
Nakakagulat ka naman crush!
At dahil sa gulat ko ay bigla kong nabitawan amg librong hawak hawak ko.
Kaya naman pinulot ko ito. Mas lalo akong nagulat ng pag-angat ko ng tingin ay nasa harapan na kita.
Enebe crush.
Magsabi ka naman na gagawin mo 'to para hindi ako nagugulat ng gan'to.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.
Ang daming tanong ang gusto kong masagot mo crush. Bakit ka nasa harap ko? Bakit ka lumapit dito? Gusto mo din ba ako? Ako ba ay iyo ng liligawan? Magiging tayo na ba?
Okay, alam kong ang OA ko mag isip pero wala eh, ganyan kita kagusto.
Pero imbis na magtanong ako sayo ay nanatili akong tahimik.
Hindi ako makaimik. Syempre, kinakabahan ako eh.
Nakatitig ka lang sa mukha ko kaya bigla akong naconscious.
Crush, bakit ka nakatitig ng ganyan?
May dumi ba sa mukha ko?
May muta ba ako?
Hindi ba pantay ang foundation ko?
Pangit ba ako?
Kapalit palit ba ako?
Then why?!
And again, imbis na tanungin ka ay napatitig na lang din ako sa napakagwapo mong mukha.
Perfect eyes, perfect nose, perfect lips, oh my gosh! My perfect boyfriend!
Nanlaki na naman ang mata ko ng igalaw mo ang iyong kamay at ng hinaplos mo ang iyong hintuturo sa aking labi.
Nakadagdag pa sa aking kaba ang unti-unting paglapit ng iyong mukha sa akin.
Ito na ba yun? Ito na ba ang aking pinakahihintay?
Hahalikan mo na ba ako crush? At pagkatapos nito magiging tayo na?
This is it na talaga? Sabihin mo lang crush, kasi ready naman ako. Anything for you!
Tuluyan ng nakalapit ang mukha mo sa akin.
1 inch na lang magtatama na ang ating mga labi.
Pinikit ko ang aking mata. Hinihintay kong lumapat ang iyong labi sa akin. Hinihintay kong maramdaman ang init ng iyong pagmamahal.
Pero.
Wala.
Nge?
Kaya dumilat ako. Nakita kong nakakunot ang noo mo.
"A-anong problema?"
Nauutal kong tanong pero bahala na. Gusto kong malaman kung bakit hindi mo tinuloy ang dapat matuloy.
Pero...
Tumigil ang mundo.
Nang sabihin mong ...
"Omg! Ang dry ng lips mo te, try mo 'tong binebenta kong lipbalm. Promise effective, hindi magbabalat labi mo, 150 na lang para sayo."
Boom.
Wasak.
Aray, yung puso ko beh.
Kasabay ng pagbili ko ng binebenta mong lipbalm, gumuho ang mundo kong iaalay ko sana sayo.
Sayang ka crush.
***********
From Ms. Author:
May mga pogi talagang pogi din ang gusto 🙊
Grazie mille for reading and clicking this story, hope you like it ♥
-Ciara🌹
BINABASA MO ANG
One Shots
Short StoryA compilation of tagalog one-shot stories, poems and few chapters for a diary content. Para sa mga tamad magbasa ng mahahabang plot.