3. Sana Sinabi Mo

201 113 14
                                    

Bawat araw aking naaalala ang mga katagang sinambit mo noon sa akin.

Ang sabi mo ...

"Tayo hanggang dulo."

"Walang maghihiwalay."

"Walang mang-iiwan."

"Walang bibitaw."

"Walang mapapagod."

"Walang susuko."

Baon na baon sa puso ko ang mga pangako mong napako lang naman.

Parang akong isang lobo na tinusok kaya biglang pumutok.

Wasak na wasak.

Pati mundo kong sayo lang umikot, biglang napikot. A'yun, gumuho.

Durog na durog.

Parang siopao. Asadong asado ako sa mga salita mong hindi mo naman pinanindigan.

Nagpabola ako sa mga sinambit mong hindi mo naman ginawan ng paraan.

Grabe, sobrang sakit.

Nalingat lang ako saglit, bigla mo na akong pinagpalit.

Bakit gan'on?

Ang pagsinta na noo'y sa akin lang pinapadama. Ngayon, sa iba mo na pinapakita.

Hindi ba ako sapat?

Hindi ba ako karapat-dapat?

Akala ko tabla ang pagmamahal natin sa isa't isa, akala ko lang pala.

Mga akala kong akala ko'y tama.

Ikaw ang unang nanggulo sa buhay ko pero bakit ngayon ako ang agrabyado?

Ako ang kawawa.

Ako ang lugi.

Ako ang talo.

Bakit ako ang umiiyak?

Ako ang nasasaktan.

Ako ang miserable.

Sana sinabi mo man lang na ako'y hindi mo paninindigan.

Upang kahit papaano'y aking napaghandaan.

Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli.

Sakit sa puso'y hindi kayang lunasan.

Dahil hapdi dito'y hindi naagapan.

Sobrang minahal kita, sinta.

Hanggang ngayon, inaamin kong minamahal pa rin kita.

At alam kong patuloy pa rin kitang mamahalin.

Kahit pa hindi ka akin.

Kahit hindi ka na akin.

Kahit hinding hindi ka na ulit magiging akin.

*******************

From Ms. Author:

Hands up sa mga pinangakuan ng forever d'yan pero iniwan din 🙌

Note that you are worth it, and you don't deserve to settle for less. 'Dun tayo sa the best ♥

-Ciara 🌹

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon