11. Hindi Pwede

111 63 1
                                    

Leo! Pssst Leo!" sigaw ko sa lalaking kanina ko pa hinahabol.

"Uy Leo! Pansinin mo naman ako!"

Bingi ba sya? Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya ah?

"Leo! Hintayin mo ako! Huy!"

Teka bakit ba kasi ang bilis nya maglakad. Hindi ko siya maabutan!

"Can you stop calling me Leo? We're not even close."

Ouch. Sakit naman.

"K-kasi Leo---"

"I said stop! And don't you dare follow me again," he said while glaring at me.

Galit na galit? Ano bang kasalanan ko sa kanya?

"Leo please kausapin mo naman ako. Please please please," napatigil siya nang hawakan ko siya sa braso.

"Please?" pahabol kong sabi.

Akala ko papayag na siya pero nagulat ako nang itulak niya ako. Natumba ako at nasubsob sa lapag. Buti nalang naagapan ng kamay ko bago pa tumama ang mukha ko sa bato.

Aray. Ang sakit. Nakita kong may dugong dumaloy mula sa braso at tuhod ko. Ang hapdi!

"Follow me again and I'll make sure you won't be able to walk tomorrow," he said with a cold voice before he leaves.

Grabe siya! Bakit kailangan niya pa ako itulak?

"Bws*t ka! Sobrang suplado mo! Arrgh! Hinding hindi na ulit kita lalapitan! Ang sama mo!"

Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko.

Nakakainis siya! Sobrang sama ng ugali! Hinahabol ko lang naman siya kase magpapaturo sana ako sa Accounting! Bakit kailangan mangyari sakin to?!

Siya ang top 1 namin kaya siya ang nilapitan ko. Eto ang unang beses na nilapitan at kinausap ko siya pero ganito pala ang mangyayari?! Bws*t dibale nalang.

"Arrrghhhhhh," hiyaw ko habang pinapatay ko sa titig ang papalayong katawan ng lalaking 'yon.

Ang sakit ng tuhod at paa ko. Hindi ako makatayo.

"Sandra? Anong ginagawa mo dyan?" lumingon ako at nakita ko ang kaklase kong si Adrian.

"Teka, dumudugo yung tuhod mo. Ayos ka lang ba?"

Agad niya akong tinulungan makatayo. Inabot ko ang kamay ni Adrian pero dahil sa sobrang sakit nang pagkabagsak ko kanina, bigla akong natumba. Babagsak na ulit sana ako sa lapag pero hindi nangyari yon dahil sinalo naman ako agad ni Adrian.

"Uh... A-adrian."

"Careful. Dadalhin nalang kita sa clinic. Mukhang matindi ang pagkabagsak mo kanina."

"Uh.. S-salamat," sabi ko na medyo naiilang dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Dahil sa hindi ako makalakad, bubuhatin na sana ako ni Adrian nang biglang may umagaw sakin mula sa kanya. Aray, ang tuhod ko.

Teka, anong ginagawa niya rito?

"I'll take her to the clinic. You can go now," saad niya habang nakatingin kay Adrian ng matalim.

Oh, pati ba naman si Adrian pag-iinitan nito?

"Pare, ako na. Kailangan na niya agad magamot," sagot sa kanya ni Adrian na halata namang nakikipagsukatan rin ng tingin.

Bakit pa ba 'to bumalik? Itinumba niya na nga ako may balak pa siyang awayin yung taong tutulong dapat sakin.

"I. SAID. LEAVE," maotoridad niyang sabi.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon