Masaya akong bumangon habang nag-uunat. Sino bang hindi sasaya kapag masarap ang tulog mo? Gusto ko pa sana humiga kaso...
"SAM, BUMANGON KA NA DYAN, ALAS SINGKO NA!" sigaw ni Mama.
Pupunta nga pala ako sa school ngayon. Agad akong tumayo tsaka pumunta sa banyo para maligo.
Kagabi pa nakahanda ang pinili kong red skater dress na sleeveless and black high waist skinny jeans.
"I will definitely look sexy but still looking simple with this outfit," bulong ko sa aking sarili.
Hinanda ko talaga 'to because this day is very special at sigurado akong magiging memorable.
I can't wait to see him. Ang taong dahilan ng kaligayahan ko ngayon. Napangiti ako nang maalala ko siya.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay agad akong bumaba. Nakita ko si Mama na abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa.
"Buti naman at nakababa ka na. Nasaan nga pala ang ate mo?" kasabay ng tanong ni Mama ay saktong kakababa lang ni ate suot ang kanyang sweater dress.
"Era, nandyan ka na pala. Kumain na tayo," yaya ni Mama kay ate na agad din namang umupo.
Napansin kong namumugto ang kanyang mata. Marahil ay nanood na naman siya ng mga paborito niyang K-drama. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sanay naman na akong ganyan si ate.
Maya-maya pa ay sabay-sabay kaming napalingon sa bintana nang marinig namin ang busina mula sa isang sasakyan.
"Nandyan na yata ang sundo mo, anak."
Napangiti akong muli at agad na tumayo para tingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong maganda na ang ayos ko pero gusto kong makita niya pa rin na nagpaganda talaga ako ngayon.
Ngayon ay nasa pinto na ang lalaking kanina ko pa iniisip. Ang gwapo niya talaga. Nakasuot siya ng white polo. Ewan ko ba pero mas gumagwapo siya sa paningin ko kapag white ang sinusuot niya.
Magiliw niyang binati si Mama ng magandang umaga at tinugunan naman siya ng matamis na ngiti.
"Iho, baka gusto mong mag-agahan muna?" tanong ni Mama sa kanya.
"Hindi na po, Tita. Balak ko lang talaga sunduin itong si Sam."
Kinilig naman ako sa sinabi niya lalo pa't ang tamis ng kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.
"Aalis na kami Mama. Ate, gusto mo bang sumabay?" ngumiti si Mama pero si ate naman ay dineadma lang ako.
May dalaw na naman siguro 'yan. Kanina pa nagsusungit. Binalewala ko nalang ito at lumabas na ng bahay kasama ang lalaking nagsundo sa akin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan habang nakayuko siya na parang isang alalay na pinagsisilbihan ang isang prinsesa. Natawa ako kanyang ginawa.
"Sam, may ipapakita ako sayo mamaya. Pumunta ka sa gym ha?"
Oo. Alam ko, Aaron. Handang handa na ako. Handa na ako sa mangyayari mamaya. Alam kong matagal mo din hinintay ang pagkakataong ito at hindi kita bibiguin.
"Kung ano man ang malaman mo, 'wag ka magugulat, okay?"
Tumango lamang ako sa kanya habang nakangiti. Ayaw kong sabihin sa kanya na alam ko na ang pakulong gagawin niya.
"By the way, you look great today," sabi niya habang titig na titig sa akin.
Hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko ngayon. Gustong sumabog sa sobrang saya. Namula ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalatang kinikilig ako. Sinadya ko talagang magmake-up ngayon para mapansin niya at hindi naman ako nabigo.
BINABASA MO ANG
One Shots
Short StoryA compilation of tagalog one-shot stories, poems and few chapters for a diary content. Para sa mga tamad magbasa ng mahahabang plot.