Playing:
(I suggest to play this song habang nagbabasa)
"Pagsuko"
By Jireh Lim
Maari ba muna natin 'tong pag-usapan
Sa dami-rami na ng ating pinag daanan"Ako'y labis na nasasaktan, tuwing tayo'y nag-iiwasan."
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan"Tayo pa ba, mahal? Bakit lambing mo'y natanggal?"
Masikip sa damdamin, hinigop ng hangin
Ang lakas, pinaghihinaan ng wagas"Hindi na tayo nagkakalinawan, lagi na tayong nagkakalabuan."
Pwede bang pag-isipan, 'wag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati"Ano pa bang mayroon sa atin? Wala na ang dating pag-ibig natin."
May pag-asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na?"Mahal, napapagod na ako, dapat na ba akong sumuko?"
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na"Pakiusap bigyan mo ako ng dahilan, upang 'di ka iwanan nang tuluyan."
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na"Puso ko'y unti unting nabibiyak, ako ay lagi na lang umiiyak."
Bawat pangarap na ating pinag-usapan
Pupunta na lang ba ito sa wala?"Paano ka babalik sa akin, puso mo'y hindi yata akin."
Hayaan mong ituwid ang pagkakamali
Sa mga oras na 'to alam kong ika'y lito
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati"Unti unti nang tumatamlay, kasiyahan nating taglay."
May pag-asa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na?"Babalik pa ba tayo sa dati? O kalungkutan ay mananatili?"
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na"Gusto mo na bang ika'y aking iwan? O ako ang iyong iiwanan?"
Ikaw at ako ay alaala na lang
"Paano ang nakaraan? Pag-ibig ba talaga natin ay walang hanggan?"
Kung susuko ka na
"Sabihin mo ng harapan, upang sakit ay maagapan."
Nagpalakpakan ang mga taong nakarinig sa aking tulang sinambit.
Ako'y naiyak dahil sa galak. Sa pamamagitan ng paglabas ko ng aking nararamdaman, unti unting naiibsan ang sakit sa aking puso.
"Malilimutan din kita. Alam kong hindi pa sa ngayon, dahil sariwa pa ang mga iniwan mong sakit. Pero ito ang tatandaan mo, babalikan ko na lang lahat ang mga nagyari sa araw na'to, ang araw na puno ng pighati ang puso ko. Tatawanan ko na lang ang nakaraang puno ng lungkot, at pagdating ng araw na 'yun, sisiguraduhin kong malaya na ako. Malaya mula sa pagkakulong sa pag-ibig ko sa' yo, wala ng luhang papatak para sa'yo. Wala ng sakit na mararamdaman dahil sa'yo. Magiging masaya rin ako, ng wala ka."
*******************
From Ms. Author:
Grazie mille for reaching on this part. Keep updated ♥
-Ciara🌹
BINABASA MO ANG
One Shots
Short StoryA compilation of tagalog one-shot stories, poems and few chapters for a diary content. Para sa mga tamad magbasa ng mahahabang plot.