"Buko juice nga po."
Grabe, nauhaw ako kakahintay ng masasakyan.
"Eto po ate, sampung piso lang."
Kinuha ko ang wallet ko sa bag at nag-abot ng sampung piso sa batang tindera. Nilagay ko agad ang wallet sa aking bulsa.
"Maynila! Maynila! Sakay na!"
Dali dali kong inubos ang iniinom kong juice ng marinig ko ang konduktor.
Grabe ha. Dalawang oras ko hinintay na magkaroon ng bus papuntang Maynila.
Buti na lang marunong ako maghintay kung hindi kanina pa ako nagwawala.
Konti lang kasi ang bus na dumederetso doon lalo na't napakalayo nitong lugar namin mula sa syudad.
Inayos ko agad ang dala dala kong mga gamit. Isang maleta. Isang bag pack. Isang shoulder bag.
Parang mag-aabroad ah.
Mangingibang syudad lang naman.
Tumakbo ako papuntang bus dahil unahan ang makasakay doon.
Nakipagsiksikan pa ako dahil marami na rin ang tumatakbo paakyat sa sasakyan.
Ang haggard naman!
Pero keri na 'to kesa maghintay na naman ako ng another 2 hours para may dumating na bus.
Baka mamuti na lang mga mata ko, wala pa ding dumadating.
Teka ...
Parang may nalaglag mula sa bulsa ko ah?
Lumingon ako para i-check kung ano yung nahulog.
Sa paglingon ko...
Di inaasahang...
may makikita akong anghel.
Ay teka, hindi pala. Namamalik mata ata ako.
Tao lang na mukhang anghel.
Ang gwapo, shet.
Ang puti, magandang mata, makapal na kilay, matangos na ilong, kissable lips, makisig na katawan...
At malaking...
Malaking biceps! Ulalaaaaaaaam~
Kinapa ko yung panty ko, mukhang lumalaylay eh. Maluwag na ata garter nito.
Makabili nga mamaya sa Divisoria kapag nakarating na ako sa Maynila.
"Hoy! Ano Miss sasakay ka ba? Paalis na kami!"
O_O
Oo nga pala! Sasakay nga pala ako ng bus!
Tae! Eto kasing si Kuyang Angel eh.
"Sasakay po, kasya pa ba?"
"Kasya pa, sakay na!"
Dali dali na akong umakyat.
Omg.
Bakit sobrang sikip? Kasya pa daw pero bakit nakasiksik na lang ako dito sa gedli? Enebeyern.
Pero okay na din 'to, at least nakasakay na ako. Ayoko na din naman maghintay pa ng susunod na bus. Dalawang oras pa, nakakaloka.
Mamaya naman may bababa kaya makakaupo rin ako, panigurado.
Tiis ganda muna tayo.
Papaandar na sana ang bus ng...
"Kasya pa po ba?"
BINABASA MO ANG
One Shots
Short StoryA compilation of tagalog one-shot stories, poems and few chapters for a diary content. Para sa mga tamad magbasa ng mahahabang plot.