Kitang kita ko kung gaano ka kasabik na ako'y makasama.
Hinintay mo pa talaga ako sa tapat ng gate.
Napakasarap pagmasdan ng iyong mukhang may matamis na ngiti habang ako'y lumalapit sa iyo.
Tayo ay nagtungo sa isang parke at doon ay nag-usap.
Lumundag ang aking puso nang bigyan mo ako ng tsokolate, rosas at lobo na hugis puso.
Napagtanto kong isa kang pursigidong manliligaw.
"Napaka-sweet mo," sambit ko na kinalawak ng iyong ngiti.
Halatang napakasaya mo ng tanggapin ko ang iyong mga binigay.
Inaamin kong masaya rin ako na natanggap ko ang mga gan'to mula sayo.
Napaluha ako sa sobrang galak.
Subalit hindi ko ito pinahalata sa iyo.
Sa tagal ng ating pag-uusap, hindi natin namalayan ang oras.
Gabi na pala.
Kaya hinatid mo na ako sa aming bahay.
"Maraming salamat", sabi mo sabay yakap sa akin.
Tumango lamang ako.
Nang ika'y makaalis na ay muli 'kong sinulyapan ang mga bigay mo kanina.
Malungkot akong ngumiti habang iniisip na bukas ay iaabot ko nga pala ito sa matalik kong kaibigan.
********************
From Ms. Author:
Aww, mas masakit kapag ikaw pa ang nagiging tulay sa pag-iibigan ng taong mahal mo at ng kaibigan mo.
Comment and vote for more updates. Grazie mille ♥
-Ciara 🌹
BINABASA MO ANG
One Shots
Short StoryA compilation of tagalog one-shot stories, poems and few chapters for a diary content. Para sa mga tamad magbasa ng mahahabang plot.