Chapter 4

24 1 0
                                    

Xiarra's POV

Haynako. Ganyan ka naba kaduwag Akirah para itago ka pa ng pamilya mo.

Binuksan ko yung t.v at nakangiting pinapanood ang balita.

Isang anak ng mayamang negosyante na si Akirah Margaux Ford ang isa sa namatay matapos sumabog ang sinasakyang eroplano kanina alas-diyes ng umaga. At hindi pa natatagpuan ang bangkay nito dahil bumagsak ang eroplano sa dagat. Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ng otoridad kung sino sino ang namatay at nawawala pang bangkay ng mga nabiktima.

Nakangiti lang ako habang may hawak na wine ng biglang may tumawag na sa kanyang phone.

"you're really good at playing huh?" sabi ng nasa telepono habang natawa

"ofcourse I Am " sagot ko naman.

"congrats I'm so proud of you"  sabi naman ng nasa telepono at binaba na ang tawag. Napangiti nalang ako dahil sa kapalpakang ginawa ng Ford.

1 down 2 left. Sabi ko sa isip ko. Malapit kana Ashley ikaw na ang isusunod ko.

Someone's POV

Masyado ka naman atang tanga para di malaman na nasa paligid mo lang ang kalaban mo Akirah. Nakangiti ako pag katapos ko i congratulate si Xiarra dahil nagawa niya ang pinaplano naming gawin.

Let's see Ashley if you can know who's the one that will make you and your family's life miserable.

Di pako tapos. Nagsisimula palang tayo sa larong to.

Ashley's POV

*after 5 months*

Nakakamiss si Akirah and sila mom and dad hanggang ngayon hindi parin nakakauwi hindi rin naman natawag. Siguro matatagalan talaga silang makauwi.

Katatapos ko lang maligo kase may pasok kami ngayon. Pababa na ko ng hagdan ng makita ko si Ashton na kakaupo palang na may dalang bag.

Bumeso nalang ako sa kanya nag good morning at kumuha na ko ng pagkain para makaalis na kami. Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming umalis dahil parehas lang naman kami ng school na pinapasukan. Pagpasok namin sa parking lot ng school may naramdaman agad akong kakaiba. Feeling ko may masamang mangyayari ngayong araw na to kaya kailangan maging alerto. Hinayaan ko nalang muna yunc napansin ko dahil magpapark na yung sinasakyan namin.

Ashton's POV

Pababa na kami ni Ashley sa sasakyan. Nauna siyang bumaba at pagbaba niya nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang bumagsak.

Mabilis akong bumaba at binuhat siya papuntang sasakyan. Dinala na namin siya sa hospital at dineretso siya sa emergency room. Namumutla siya pati yung labi niya ay parang nangingitim ng nasa hospital kami. Pero nung nasa school pa ay hindi naman ganun yun.

Tinawagan ko na agad si grandma pag kapasok kay Ashley sa E.R.

"Grandma si Ashley andito sa hospital" sabi ko sa kanya. Binaba ko na agad ng sinabi niyang papunta na siya.

Palakad lakad lang ako dito at di mapakali habang nag iisip kung sino ang may kagagawan nito.

"Hey! Ashton what happen?" napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si grandma at kasunod nito ang mga bodyguards niya. Di ko siya sinagot. Paglapit niya sa kin ay pinaupo niyo muna ako dahil kanina pako palakad lakad. "Hey don't panic what happen? " sabi niya sakin.

Kinuwento ko naman sakanya lahat bago kami pumasok sa school hanggang sa bumulagta nalang bigla si Ashley.

Napatayo nalang kami ng biglang lumabas yung doctor.

"Doc what happened to my grand daughter? " tanong agad ni grandma pagkalabas na pagkalabas ng doctor.
Nagtagal muna ng mask yung doctor bago niya sagutin ang tanong ni grandma.

Nasa tabi lang ako ni grandma habang nakatingin sa doctor at nag aabang nag sagot sa nangyari.

"She was poisoned by the botulinum toxin. This toxin is able to paralyze a person in just 5 seconds. Botulinum toxin produced by 1,000 amino acid molecules joined together. And it causes muscle paralysis by preventing the released of the signaling molecule acetylcholine. " nagulat naman ako sa sinabi ng doctor.

Botulinum toxin is the one in 5 dangerous poison in the world. How come that they got that poison. That toxin stop particular muscles from working. If it's untreated it will cause stabismus or it will lead her to death.

"What?! How's my grand daughter? " nagaalalang tanong ni grandma. Alam niya din kung ano ang pwedeng mangyari kapag nalagyan ka ng toxin na iyun."Can we see her?" dugtong na tanong ko sa doctor.

"She's unconscious. We're doing everything to find an Antidote for the toxin. And yes you can see her until her condition is good" seryosong sabi ng doctor at nagpaalam ng umalis.
Napaupo nalang ulit ako sa upuan na nasa gilid at napayuko.

Someone's POV

Well, Goodluck Ashley.
Ipagdasal niyo nalang na mabuhay pa siya. That toxin si the most dangerous not just the dangerous but the most.

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang may kumatok sa labas ng office ko.

"come in" sagot ko kaya pumasok na siya.
Umupo siya sa couch sa office ko.

"Our plan is working" sabi niya habang nakangiti. Siguro nabalitaan niya na rin kung anong nangyari.

"Yes it is, at wala ng nakakapigil pa dito kahit sino" nakangiting sabi ko at binigyan siya ng wine na iniinom ko.

"Cheers for our victory" sabi niya ng may ngiti sa labi.

"2 down 1 left"

Pagkatapos niyang ubusin ang laman ng baso niya ay lumapit na siya sakin at nilapag ang baso niya. Lumabas na siya ng makapag paalam siya sakin.

Pumunta nalang ako sa may sulok ng office ko na may dart. Tumira ako dun at sumakto sa picture na nakalagay ni Ashley. Napatawa nalang ako ng malakas at tinawagan ko ang mga kaibigan ko para makapag celebrate.

Ashton's POV

Pauwi na ko sa mansion dahil pinauwi muna ako ni grandma dahil nakabantay lang ako kay Ashley buong araw.

Hindi muna ako dumeretso sa mansion dahil tinawagan ako ni Brent dahil birthday daw ni John kent kaya dumeresto nalang ako sa bar dahil dun sinelebrate yung birthday niya.

Pagkapark ako ay pumasok na ko sa bar at sumalubong sakin ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo.

"Ash! " rinig kong sigaw ni Alex. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas ang kamay niya habang winawagay way. Lumapit ako sa kanila at nakipag yakapan sa kanila.

"Long time no see" sabi ni John kent sakin. Ngumiti nalang ako sakanya at tumango. Binigyan naman ako ni Brent ng beer. Kinuha ko naman ito at nakipag cheers sa kanila.

"Kamusta Ash? Nabalitaan namin yung nangyari sa kapatid mo, ano okay kana ba? " tanong ni Alex. Tinignan ko muna si John kent na napayuko. John kent is Akirah's boyfriend alam kong mahirap din para sa kanya yun. Tumingin nako sa kanila at sinabing okay naman.

Dumaan ang oras ay nagpaalam nakong uuwi dahil baka diko na makayanang umuwi kung magpapatuloy pakong iinom. Hinayaan naman nila akong umalis at tinawagan ko ang ate ni Brent para ipasundo na sila dahil alam kong di na nila kayang umuwi. Andami na nilang nainom bago pako dumating.

Nakarating na ko sa mansion ay dumeretso na higa sa kama ko. Hindi parin ako makatulog habang iniisip ang nangyari samin. Tumayo ako para kunin ang phone ko at baka ma contact ko na sila mom and dad.

Ilang beses nagring pero wala paring nasagot. Tinawagan ko pa ng ilang beses pero busy na yung num. nila.

Humiga nalang ako at napabuntong hininga dahil sa mga nangyayari. Nakatulog din ako dahil na rin sa epekto ng beer na ininom namin.

***
•Tine•


The Demon Behind The Angelic Face. Where stories live. Discover now