Chapter 1

85 2 0
  • Dedicated kay Jeomar Econar
                                    

Precious' POV

Noong fifteen years old palang ako ay namatay ang aking daddy. Kasabay nun ang unti-unting pagkalugi ng kompanya. Ibenenta na ni mommy ang iba naming mga pag-aari pero hindi pa rin ito naging maayos. Super depressed na si mommy dahil sa pagkamatay ni daddy at sa sitwasyon ng kompanya. Hindi na nga ako napapansin ng mommy ko. Noong gumadrate ako ng high school bilang valedictorian. Akala ko ay dadating si mommy at sasabitan ako ng aking mga medalya pero si kuya ang dumating kasi busy daw siya. Pero alam kong ayaw lang talaga niya , bakit pa ba kasi ako umasa di ba? Balewala lang ako sa kanya pero pinagsisikapan ko ang lahat na makapagtapos ako para ako naman ang mamamahala sa kompanya balang araw.

Si kuya ang naging bise presidente ng kompanya. Naging busy din si kuya pero he make sure na may bonding time kami. Sa sobrang close namin, parang naging kuya's girl ako. Palagi kong ikinukwento kay kuya ang lahat ng problema ko pero hindi ang nararamdaman ko sa pagtrato ni mommy.

Maaga akong nagising, pagkatapos maligo at magbihis, pumunta na ako ng dining room para sabayan sa pagkain si kuya.

'' Oh! kumusta ang pag-aaral? '' tanong ni kuya.

'' Okay naman, kuya. Si mommy nga pala, kuya? .'' tanong ko kay kuya habang kumakain.

'' Nasa library siguro. Alam mo na busy sa kompanya.'' sambit ni kuya habang nagbabasa ng diyaryo.

'' Palagi naman.'' pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na akong kumain.

'' Alis nako, kuya.'' paalam ko sa kanyang kuya ..

'' Ingat ka ha.''

'' Oo naman, kuya.'' sabay alis na.

Mga 20 minutes lang ang biyahe galing sa bahay namin patungo sa aming paaralan. May driver ako na naghahatid sundo sa akin. Maari naman akong maglakwatsa pero kailangan ko palaging kasama ang aking drayber. Pero i can manage naman.

Nung nakarating na ako sa university namin. Naririnig ko naman ang sigawan ng mga fans ng mga hearthrob. Ano pa nga ba? Araw-araw nalang nangyayari yan ano. Sigawan dito , tilian diyan. Hindi ba sila nagsasawa? Anyway, bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa school. Baka malate pa ako kung hindi ako magmamadali.

Habang naglalakad ako sa hallway, may bumangga sa akin sa likod. At dahil sa lakas ng impact ay natumba ito. Kaya tinulungan ko siyang tumayo at pinulot ang mga libro nito.

'' Okay ka lang ba? '' tanong ko sa kanya.

'' Oo naman. Ako nga dapat ang mag-alala sa'yo eh kasi nabangga kita.'' sabi nito.

'' Okay lang yun. Hindi mo naman sinasadya eh. Nga pala, ako si Precious. Ikaw?''

'' Sophia. Yan ang pangalan ko.''

'' New student ka ba dito? '' tanong ko sa kanya.

'' Oo. Hindi ko nga alam ang daan papunta sa klase ko ngayon eh..'' litong-lito na sabi nito.

'' Pwede bang mahiram ang schedule mo? '' sambit ko.

'' Ito oh.'' ibinigay nito ang kanyang schedule at binasa ko naman ito.

'' Pareho lang pala tayo ng kurso kaya pareho lang din ang schedule natin. Halika na baka malate pa tayo.'' yaya ko kay Sophia

'' Okay.''

Pumunta na kami sa klase namin pero pagdating namin doon ay nandoon na ang aming professor.

'' Ms. Mendoza, late ka na . Ito ang unang beses na nalate ka. Anong nangyari? at sino naman ang isang ito?'' turo niya kay Sophia.

'' Ako po si Sophia. Princess Sophia Luan, bagong estudyante ninyo po.'' sabi ni Sophia.

'' Hindi mo naman sinabi agad. Class, you have a new classmate. You may take your seat. At ikaw, Ms. Mendoza wag mo nang uulitin to , okay? '' sabi ni Maam.

Friendship or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon