Third Person's POV
Nung makalabas na siya ng hospital ay agad namin siyang dinala sa aming bahay.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin namin pag nagtanong na siya pero kailangan munang hindi niya malaman ang tunay niyang pagkatao. I don't want them to know.
'' Nandito na tayo sa bahay namin.'' sabi ko sa kanya pagkarating namin sa mansion.
'' Ito po ang bahay ninyo? Ang laki naman po.'' sabi nito.
'' Naku, hija. Masanay ka na. Dito ka nakatira noon. Nakalimutan mo lang.'' sagot ng ginang.
'' Yaan ninyo po. Magpapagaling ako ng maigi para maalala ko po ang lahat.'' sagot nito.
'' Ito talaga. Wag mo munang ipilit at baka sumakit ang ulo mo. Maalala mo rin yan balang araw.'' sagot ng ginang.
Maya-maya ay dumating ang isang katulong.
'' Handa na po ang hapunan, Maam at Sir.'' sabi ng katulong.
'' Oh. Handa na pala ang hapunan. Halika na at baka gutom ka na.'' sabi ng lalaki.
'' Pero po, hindi ko po maalala ang pangalan ko. Ano po ang pangalan ko?'' tanong nito.
Agad naman tumingin si Inay sa akin at sinabi ko na. '' Ikaw si Princess. Anak ko.'' sagot ko.
'' Princess. Hali na po kayo at kakain na tayo.'' sabi nito.
'' Sige mauna ka na muna. May pag-uusapan muna kami ng tatay mo.'' sabi ng ginang.
'' Sige po, Lola.'' sagot nito at pumunta na ng dining room kasama ng katulong.
'' Anak paano pag may maalala na siya? Anong sasabihin mo?'' tanong ng ginang.
'' Ako na po ang bahala nun, inay. Ang mahalaga ay mamakasama ko ang anak ko ng matagal.'' sagot ko.
'' Ikaw ang bahala. Basta dapat walang makaalam.'' sagot nito.
'' Opo, nay.''
Pumunta na sila sa dining room at kumain. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na nila si Princess sa magiging kwarto nito.
'' Ito ang kwarto mo. Kung may kailangan ka pa. Tawagin mo lang si Yaya Mely. Okay, anak?'' sabi nito.
'' Opo, papa.'' sagot ni Princess.
'' Sige matulog ka na. Sweet dreams.'' sabi nito.
'' Sige po, pa. Good night.'' sagot nito at pumasok na sa kwarto nito.
''Pasensya na, anak at nagsinungaling ako. Ayoko lang na madamay ka sa lahat. Gusto lang kitang makasama ng matagal. I Love you, Mikaela.
Ano kaya ang ugnayan ng lalaking ito sa mama ni Princess at ano kaya talaga si Princess? Alamin.
read and comment na.
g.p

BINABASA MO ANG
Friendship or Love
Fiksi RemajaFriendship brokes relationship and relationship brokes friendship. Sa mundong akala natin ay perfect, magsisimula ang pag-iibigan sa di inaasahang panahon. Pero paano kung ang kapalit nito ay ang pagkakaibigan na matagal mo nang pinakaiingatan? Woul...