Chapter 6

16 1 0
  • Dedicated kay Jeonie Econar
                                    

Third Person's POV

Alam kong naguguluhan kayo sa storyang ito. Ano ba ang past nila at kung ano-ano pa. Well, sasabihin ang ilang bahagi lamang ng nakaraan nila.

flashbacks...

Maliit palang sila Rosalie at Precious ay magkaibigan na sila at pati natin ang parents nila. Sa may garden sa mansion ng pamilyang Mendoza.

'' Pare, tignan mo ang mga bata. Ang saya saya nila. Parang tayo lang noong mga bata pa tayo.'' sabi ni Rodrigo, papa ni Rosalie sa papa ni Precious.

'' Oo nga kumpadre. Kung magturingan sila ay parang magkapatid na.'' sabi ng papa ni Precious.

'' Hay nako, hon. Baka paglaki nila ay hindi mapaghihiwalay na yang dalawa kagaya niyo.'' sabi ng mama ni Rosalie.

'' Oo nga, kumare. Wala na namang oras ang dalawang 'to sa atin eh.'' sabi ng mama ni Precious.

'' Ito talagang misis ko, selosa. Love na love kaya kita.'' paglalambing ng papa ni Precious sa asawa.

'' Tigilan niyo na nga yan at baka maingit ang asawa ko dito.'' sabi ng papa ni Rosalie.

'' Ikaw naman, sweetheart. Baka ikaw ang mainggit.'' pagbibiro ng mama ni Rosalie.

'' Hindi, ah!!'' pagtanggi nito.

Nagtawanan ang lahat dahil dito. Sa kabilang dako naman.

'' Ang saya saya nila noh?'' tanong ni Rosalie kay Precious.

'' Oo. Parang tayo lang.'' sagot niya dito.

Friendship or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon