Precious' POV
Para lang naman itong normal na araw sa akin. School then home then books. Nakakapagod din pala ang ganung sistema. I want to try adventures like what Sophia said to me. Parang masaya siguro yun ano.
'' Maam, ready na po ang breakfast.'' sabi ni Yaya Mely.
'' Oh sige, ya susunod lang po ako.'' sagot ko sa kanya.
'' Oh sige po, Maam.'' sabi nito at umalis na.
Hay, what a lonely world. Pagbaba ko sa dining room ay nadatnan ko si kuya na may kausap sa telepono kaya naman, nauna na akong pumunta sa mesa. At ilang sandali lamang ay pumunta na rin ito sa mesa.
'' Ang saya ng kuya ko ah!'' sabi ko habang kumukuha ng ulam at kain.
'' Hehe, si Grace yon. Nagkatuwaan lang.'' sagot ni kuya habang kumakain.
'' Pero its the right naman kuya na magkagirlfriend ka naman. Ayokong tumanda kang ngsb noh!'' sabi ko.
'' Haler. Sa kagwapohan ng kuya mo, hindi magkakagirlfriend.'' sambit ni Yaya Mely.
'' Oo nga ya. Pogi 'to noh!'' sabi naman ni kuya sabay pogi points.
'' Kuya talaga. '' yan nalang ang nasabi ko.
'' Oh, ikaw, kailan ka magkakaboyfriend ulit?'' tanong ni kuya na naging dahilan para mabulunan ako sa aking kinain.
'' Heto, tubig. Ikaw talaga.'' pag-alala na sabi ni kuya sa akin.
'' Ikaw kasi kuya eh. Wala muna akong time para diyan. You know, kailangan ko pang magtapos ng pag-aaral.'' sagot ko ni kuya.
'' Oh well. Pero darating ka rin naman diyan eh. Dapat ka rin mag enjoy noh. Wag puro books lang. Okay?'' sabi ni kuya.
'' Oo, kuya. Enjoy enjoy din 'to pag may time.'' sagot ko ni kuya.
'' That's my bunso.'' sabi ni kuya.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni kuya sa school.
Paminsan-minsan kasi ay si kuya ang naghahatid sa akin. Yan ay kung maaga pa tulad ngayon.
'' Thank you, kuya.'' sabi ko ni kuya nung makarating kami sa school.
'' Walang anuman. Sige na pumasok ka na.'' sabi ni kuya sa akin.
'' Okay, kuya.'' sabi ko kay kuya.
Pagkababa ko ay umalis na rin si kuya. Ang hirap na kung malate yun, pagagalitan naman ni mommy. Speaking of mommy, hindi ko na siya nakikita these past days. Anyway, ganyan naman yun eh. Halos dun na nga natutulog sa companya eh.
'' Precious...'' tawag sa akin ng isang estudyante.
'' Bakit?'' tanong ko sa kanya.
'' May nagpapabigay.'' inabot niya ang bulaklak.
'' Kanino galing?'' tanong ko pero umalis na ito.
'' Kanino kaya 'to galing?'' bulong ko sa aking sarili.
Kahit may tanong pa ako sa aking sarili ay nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad papuntang classroom. Pero gaya kanina ay may nagbigay na naman ng bulaklak sa akin pero hindi ko alam kung kanino galing. Ang dami ko na nga dala eh. Pagkarating ko sa room ay nakita ko ang isang stuffed toy sa aking upuan. May chocolate ito at mga balloons.

BINABASA MO ANG
Friendship or Love
Teen FictionFriendship brokes relationship and relationship brokes friendship. Sa mundong akala natin ay perfect, magsisimula ang pag-iibigan sa di inaasahang panahon. Pero paano kung ang kapalit nito ay ang pagkakaibigan na matagal mo nang pinakaiingatan? Woul...