Jeron's POV
Minsan lang ako magkaroon ng POV kasi nga itong author natin, puro Edward at Precious lang.. hehe. Joke lang po, Ms. Author.. hehehe..
May part time job ako ngayon bilang photographer at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa kasal ng pinsan kong si Joseph. Ang ganda ganda talaga ng simbahan nila dito. Ang gara. Unti-unti na ring dumarating ang mga bisita kaya naman ay nagsimula na ang trabaho ko. Nang magsimulang maglakad ang kasali sa entourage ay isa isa ko silang kinunan ng mga pictures. Napatigil ako ng maglakad ang isang babae. Kamukhang-kamukha niya si Precious. Hindi talaga ako makapaniwala. Sino kaya ito? Kinunan ng kinunan ko siya ng mga pictures pero puro stolen kasi ayokong mahalata niya pero nang kukuha sana ako ulit ng larawan niya ay bigla naman siyang nasilaw sa ilaw at nagulat siya at nasabing ko nalang na.
'' Precious, ikaw ba yan?'' tanong ko sa kanya.
Nagsimula na ang kasal kaya hindi ko na muna siya inabala.
Sino kaya yun? Si Precious kaya yun? Pero ba't di niya ako nakilala? Kailangan ko bang sabihin kay Edward ang tungkol dito? Wala na talaga ako sa katinuan ko. Ano ba talaga?
Nag-umpisa na naman ang trabaho kaya medyo nawala sa isip ko ang mga tanong ko. Nung dumating na ang lahat sa reception ay nakasalubong ko si Joseph.
'' Salamat talaga, pare ah. Malaking tulong talaga na ikaw ang naging photographer ng kasal ko.'' sabi ni Joseph sa akin.
'' Ikaw pa ba. Insan kita eh. Malakas ka kaya sa akin.'' sagot ko naman sa kanya.
'' Oo nga eh. Hehe. Sa uulitin, bro.'' sabi nito..
'' Pare, pwede magtanong?'' tanong ko sa kanya.
'' Ano naman yun, pare?'' sabi niya.
'' Kilala mo ba ang babaeng yun?'' turo ko kay Precious.
'' Ah yun. Si Princess yan. Anak ni Tito Geran. Bakit, crush mo?'' tanong nito.
'' Hindi. Parang may kamukha siya eh.'' sabi ko sa kanya.
'' I heard na may kakambal siya pero rumors lang naman yun. Hindi ko kasi masyado nakikita si Tito Geran eh. Ang busy-busy niya palagi sa trabaho. Workoholic eh. '' sagot naman nito.
'' Ah ganun ba.'' sabi ko.
'' Punta na ako dun ha. Baka hanapin na ako ni Misis.'' sabi niya sa akin at umalis na din at pumunta sa may stage para sa mga newlyweds.
Agad akong tumingin sa may bandang table na nandun ito pero hindi ko na siya nakita at hinanap ko siya at hayun pumunta lang pala ng garden. Kaya naman sumunod na ako.
Princess' POV
Ang weird talaga ng lalaking yun. Palagi nalang akong umiiwas sa mga tingin niya. Kanina pa yan sa simbahan hanggang sa reception ba naman. Nakakaawkward naman. Kaya nga ako pumunta dito sa garden para magpahangin.
'' Ang ganda ng ihip ng hangin noh?'' tanong ng lalaki sa akin.
Bahagya akong nagulat pero ang nasabi ko nalang ay, '' Oo. ang payapa. Anong ginagawa mo dito? Di ba, photographer ka?'' tanong ko sa kanya.
''Oo pero pahinga muna ako.'' sagot niya.
'' Ah...'' tanging nasagot ko.
'' You remind me of someone that I use to know.'' sabi ko sa kanya.
'' Baka magkamukha lang kami.'' sambit ko sa kanya habang inaayos ko ang mga lumilipad kong mga buhok sa aking tenga.
'' Pero, you look like her. Everything about you.'' sabi nito.
'' Nagkakamali ka lang siguro. I'm Princess. Maybe magkamukha lang kami. Sige una nako.'' sabi ko sa kanya sabay alis pero hindi paman ako tuluyang umalis ay narinig ko siyang kumanta ng
'' Ikaw ang Precious ng buhay ko, tanging ikaw lang ang nagpapaligaya sa buhay ko, masaya ako dahil nakilala kita. Kakulitan ko, Pring.''
Tuluyan na akong umalis pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagkanta. Bakit parang pamilyar ang kantang yun? May parte kaya siya sa buhay ko noon. Sino siya?
Biglang sumakit ang ulo kaya nasapo ko ito at napasigaw ako.
'' Arrggh.... aray ang sakit.'' biglang dumating si papa at tinulungan niya ako.
'' Anong nangyari?'' tanong ni Papa.
'' Ah .. ang sakit ng ulo ko.'' patuloy kong sigaw hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Sino kaya si Jeron sa buhay ni Princess? At ano ang kanilang ugnayan sa mga pangyayari kina Precious at Edward? Abangan...
Author's CORNER:
thank u sa lahat ng sumusubaybay ng aking story.. Patuloy pa rin kayong tumangkilik. Love you.
Jeron's Pic at the Media

BINABASA MO ANG
Friendship or Love
Teen FictionFriendship brokes relationship and relationship brokes friendship. Sa mundong akala natin ay perfect, magsisimula ang pag-iibigan sa di inaasahang panahon. Pero paano kung ang kapalit nito ay ang pagkakaibigan na matagal mo nang pinakaiingatan? Woul...