Geran's POV
Natigilan ako ng makita kong napahawak si Princess sa kanyang ulo at sumisigaw ito kaya naman lumapit ako sa kanya at tinanong siya.
'' Anong nangyari?'' tanong ko sa kanya.
Biglang nalang siyang sumigaw at nawalan ng malay.
'' Tulong. Tulungan ninyo ako. Kailangan natin siyang madala sa hospital.'' sigaw ko.
Maraming tumulong upang mabuhat si Princess sa hospital. Nataranta na talaga ako at baka mawala na naman ang anak ko sa akin.
Pagkarating namin sa hospital ay sinuri na siya ng doctor at naiwan lang kami sa labas ng emergency room.
'' Ano po ang nangyari sa kanya, tito?'' tanong ng isang lalaki sa akin.
'' Ewan ko parang masakit na masakit ang kanyang ulo hanggang sa nawalan na siya ng malay.'' sagot ko dito.
'' Ako nga po pala si Jeron, photographer sa kasal.'' sabi nito.
'' Ah, ganun ba? Kilala mo ba ang anak ko?'' tanong ko sa kanya.
'' Medyo po. Para po siyang si Precious. Kaibigan ko yun pero namatay po sa pagsabog ng bomba.'' sagot nito.
'' Precious? Ano ang whole name niya? '' tanong ko sa kanya. Parang nacurious ako kung sino ang Precious na sinasabi niya.
'' Precious Mikaela Mendoza po.'' sagot naman nito.
Bahagya akong nagulat dahil yun ang pangalan ni Princess. Bakit patay na si Precious? Naguguluhan na ako. Sino ba ang sino? Pati ulo ko ay sumasakit.
'' Okay lang po ba kayo?'' tanong ni Jeron sa akin.
'' Okay lang ako. Nag-aalala lang ako kay Princess.'' sagot ko.
Natigil ang pag-uusap namin sa paglabas ng doctor mula sa emergency room.
'' Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? '' tanong ng doctor.
'' Ako ang kanyang ama.'' sagot ko.
'' Mayroong komplikasyon sa kanyang utak pero dahil ito sa pagkakabagok ng ulo niya noong naaksidente siya. Kailangan natin ng agarang operasyon para gumaling siya.'' sabi ng doktor.
'' Gawin ninyo po ang lahat para sa anak ko, dok.'' sabi ko sa doktor.
'' Gagawin po namin ang lahat para sa anak mo.'' pag assure sa amin ng doktor.
Agad bumalik ang doktor sa emergency room. Kaya napaupo ako sa may silya ng hospital.
'' Ano pong aksidente ang kinasangkutan ni Princess?'' tanong ng lalaki sa akin.
'' Nasagasaan siya ng kotse at tumilapon ng ilang metro. Akala nga namin ay mamamatay siya pero ang bait pa rin ng Diyos kasi buhay pa siya.'' sagot ko sa lalaki.
'' Ah. Kakayanin po niya ang lahat. Matapang ang anak ninyo.'' sabi ng lalaki sabay tapik sa kanyang balikat.
'' Salamat.'' sagot ko naman.
Dun lang kami naghintay. Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghihintay kasi nakatulog ako. Pagkagising ko ay nandito na si inay at ilang mga kamag-anak.
'' Anak, ligtas na si Princess. Halika na.'' yaya ni inay sa akin.
'' Talaga, nay? Halina po kayo. Puntahan na natin sya.'' sabi ko kay Inay.
Agad kaming nagpunta sa silid ni Princess. Nakita ko na gising na siya.
'' Apo, okay na ba ang pakiramdam mo?'' tanong ni Inay kay Princess.
'' Opo, Lola. Bigla nalang kasing sumakit ang ulo ko nang may marinig akong kanta. Parang pamilyar ata ang kanta sa akin eh. Pero, Precious ang narinig ko at hindi Princess. Ewan ko. Ang gulo.'' sabi ni Princess sa amin.
''Wag ka munang mag-isip ng maigi baka makasama pa aa iyong kondisyon. Mabuti pa ay matulog ka muna.'' sabi ni inay dito.
'' Oo, lola. Matutulog na po muna ako.'' sabi ni Princess at natulog na ito.
Ano kaya ang bumabaganag sa isip ni Princess? Siya nga ba si Precious? Pero sino naman si Princess? Abangan.
Keep following me @ my facebook account:
glyniepearl.garcia
Love Love Love
Happy New Year...

BINABASA MO ANG
Friendship or Love
Teen FictionFriendship brokes relationship and relationship brokes friendship. Sa mundong akala natin ay perfect, magsisimula ang pag-iibigan sa di inaasahang panahon. Pero paano kung ang kapalit nito ay ang pagkakaibigan na matagal mo nang pinakaiingatan? Woul...