5. The Beginning

20 5 0
                                    

#TWCTAETheBeginning

***

Bago bumaba ng sasakyan niya, inayos o muna ang sarili ko sa salamin. Naglagay ako ng pulbo at lip tint.

Napatingin ako sa paligid ng loob ng kotse niya. Kinuha ko ang isang lipstick sa pouch ko at nilagay sa glove compartment ng car niya. This is me, marking my territory. Kapag may sumakay na ibang babae dito, at nakita niya 'to. Iisipin niya na taken na si Joco. If he confronts me about this, 'eh 'di sasabihin ko lang naiwan ko nung nagretouch ako.

Bumaba ako ng sasakyan niya at pumasok sa loob. Kumpleto na sila doon na nakaupo naghihintay ihain sa kanila 'yung mga dishes para sa pagluto nito.

Katabi ko si Den at si Zyon, harap ko naman si Joco. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa nangyare. Gosh. Simpleng bagay! Ang laki ng epekto sakin.

Nararamdaman ko 'yung titig sakin ng mga kaibigan ko. Probably wondering kung anong nangyare at kung bakit ako tahimik. But I kept my mum.

"I don't eat pork." Sabi ni Zyon habang hawak niya ang batok niya.

Napatingin ako sa kaniya at nakakunot ang noo. Bakit pa siya sumama dito kung hindi pala siya kumakain ng baboy? Nakakaloka.

"Anong kakainin mo?" Tanong ko. Literally Meat's Place Samgyupsal ang pangalan ng lugar na 'to.

He shrugged. "Lettuce? I guess?" He said with a chuckle.

"Merong restaurant sa tabi nito, bili ka nalang doon ng lunch mo." Sabi ko sa kaniya.

"Pwede mo ba ako samahan?" Nakangiti niyang tanong sakin.

Napaawang ang labi ko sa tanong niya at hindi ko alam ng isasagot. Kung tatanggi ako, ang rude ko naman, kung papayag ako, parang pinakita ko na din sa harap ni Joco na easy to get at hindi ako loyal sa kaniya.

Gosh. What to do?

"Hoy, mahiya ka naman kay Cat. Wala ka bang paa?" Biro ni Dominic. Tumawa lang si Zyon dahil sa sinabi niya at tumayo.

"Be right back," He said... to me? Ewan? Sakin kasi siya nakaharap 'eh! Kung ano ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko dahil sa Zyon na 'to gosh.

Tumingin ako kay Joco nang makita kong nakatingin din siya sakin. Na parang jinujudge niya ako!

Nakakaloka talaga! Hindi naman ako pumayag ah, bakit ganyan makatingin 'yun? Konti nalang talaga, iisipin ko na nagseselos siya!

"Unlimited ba 'to?" Bulong ni Wyn kay Remi, pero narinig din ng lahat.

"Order what you want girls, this is free. " Sagot niya sabay harap kay Dominic. "This is free, right?"

Nakangiti namang tumango si Dominic sa kaniya. "Of course," Sabi niya. Napailing ako, talagang ginagalingan niya. Gusto ko siya for Remi, kasi matigas ang ulo ng babaeng 'yun, she need someone like Dominic, 'yung makulit at persistent. Sana 'wag niyang sasaktan si Remi, kasi sayang naman dahil mukhang match made in heaven talaga sila.

Nang makarating si Zyon, may dala siyang paperbag at nagbayad siya ng corkage fee. Nagsimula na din kaming mag grill ng mga pork, mostly, si Dominic lang ang nagsasalita, tanong siya ng tanong kay Remi at si Remi naman, irap lang ng irap. Gosh, 'tong dalawang 'to.

"So...Cat," Dominic mentioned. Napatingin ako sa kaniya. "I heard you like my friend here," Sabi niya sabay akbay kay Joco.

Bigla akong namula.

Oo, sanay akong aminin kay Joco na gusto ko siya, pero in front of people na hindi ko kaclose? Nakakahiya!

"Sakto lang," I shrugged. Tinaasan agad ako ng kilay ni Den. Dati kasi halos isigaw ko na sa buong mundo na gusto ko si Joco pero ewan, bigla akong nahiya ngayon.

Then We Came To An EndWhere stories live. Discover now