8. The Beginning

16 8 0
                                    

#TWCTAETheBeginning

***

"She's awake! Call Tito!" I heard a familiar voice yelled as I opened my eyes.

"Wyn.." I murmured when I saw her panicking face.

Anong meron? Nasa ospital ba ako? Bakit? Anong nangyare?

"Oh, thank God, Cat! You scared us!" Demi said while hugging me.

I wanted to hug her too pero parang wala akong lakas para ilift ang braso ko. Pakiramdam ko nasa vegetative stage ako at hinang hina ako. What the hell happened?

Napatingin kami lahat sa malakas na pagbukas ng pinto gawa ni Papa at Kuya. Mabilis silang pumunta sa side ng bed ko at naramdaman ko ang yakap sakin ni Kuya. They look worried too gaya ng friends ko. Gaano ba ko katagal na tulog?

"What were you thinking Catleya?!" He asked while breaking the hug.

"K–Kuya.." I stutter. Nakakatakot kasi talaga siya pag nagsimula siyang sumigaw. Mas matapang pa siya kesa Papa, at sobrang OA niya din lalo na kapag napapahamak ako. Kahit mismong madapa lang noong mga bata pa kami, sakin siya nagagalit. Victim blaming talaga 'tong Kuya ko, nakakainis.

"What the hell were you doing in Marikina City?!"

My lips parted because of what he said. Sobrang layo ng Marikina samin! First time ko ata makarating doon at hindi pa ko aware na Marikina na pala iyon. Ang layo na pala ng narating namin ni Joco pero pakiramdam ko 10 minutes lang ang tinagal non dahil sa bilis ng mga pangyayare.

"H–Hindi ko naman alam na nando—"

"It doesn't matter. Ang importante safe ka na. As for you, Carlito, 'wag mong istressin 'tong kapatid mo." Pagsingit ni Papa habang hinahaplos ang forehead ko.

"But Pa, paano kapag magisa nalang 'yan sa bahay? Baka hindi lang yan abutin niyan." Pagmamaktol ni Kuya.

"This won't happen again I'll make sure of that. Kung kinakailangan maghire ulit ako ng personal security, gagawin ko."

Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Papa. "No! Ayoko!" Sigaw ko. Not again, ngayong college ko nga lang naramdaman yung totoong freedom tapos kukunin agad nila sakin? All my life laging may nakasunod at nakabantay sakin, ngayon lang 'yun nawala dahil napatunayan ko sa kanila na kaya ko ang sarili ko, hindi ako papayag na maulit yung dati.

"Alright, alright, calm down. I take it back." Papa assured me but Kuya doesn't seem to like his decision.

"Bahala ka Papa, kapag yang si Cat napahamak, ikaw sisisihin ko." He said then walked out of the room.

Napatingin ako kay Papa ng naguguluhan dahil sa inasta ni Kuya. Aba, sumobra na talaga ang pagiging over protective niya sakin at pati si Papa kinakaya niya na. Weirdo talaga.

The nurse came to my room and perform some routine test on me, lumabas si Papa para kausapin yung doctor at para asikasuhin ang hospital bills. Naiwan yung tatlo kong kaibigan kaya lumapit sila sakin.

"How are you?" Remi asked. "May masakit ba sayo?"

"Ayos lang, wala namang masakit." Except sa heart ko. Durog na durog na kasi, hindi ko alam kung paano ko pa 'to mababalik sa dati.

Then We Came To An EndWhere stories live. Discover now