#TWCTAETheBeginning
***
First day of Prelim exam, maaga akong nagpunta sa library para magaral, mamaya pang 1 pm ang start ng exam namin kaya 7 am nasa library na ko dala ang mga libro ko sa mga major subjects. I bought 3 thick books with me, at kung paano ko nabuhat 'yun from parking to library? Hindi ko din alam.
Napatigil lang ako ng pagbabasa nong tumunog ang alarm ko dahil 10 am na pala, sinet ko 'yun para makapagrest ako at makakain na din ng lunch.
Bigla akong nagsisi sa mga dala kong books, parang mababali na 'yung likod ko sa sobrang bigat. God! Ang hirap na ngang intindihin, ang hirap pang buhatin. I really wanted to eat something delicious but the cafeteria is so much nearer. Baka hindi ako makalabas ng gate na diretso ang likod dahil sa buhat ko!
Habang naglalakad ako ay halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang kumuha ng mga dala kong libro at mas lalo akong nagulat nang makita ko si Joco na nasa harap ko.
My lips literally parted when I saw him. For a moment, para akong napipi at napako sa kinatatayuan ko. Yung kabog ng dibdib ko, para na akong mauubusan ng hangin dahil sa nangyayare.
What the?
How is this happening???
"J–Joco..." I whispered. I don't know what to feel. Magugulat? Kikiligin?
"Where are you going?" Tanong niya. Mas lalong nagpanic ang buong system ko! Why is he talking to me like this? Hindi ko maintindihan.
"L–Lunch." I said, stuttering. Shit. Shit. Bakit parang tinakasan na ko ng dila ko? Hindi na rin ata nagfufunction ang utak ko!
"Where?"
"Fastfood?" Kanina ko pa pinagiisipan ko kung saan ako kakain dahil nagugutom ako sa dami ng inaral ko.
Tumango siya at nagsimulang maglakad. Nakatayo lang ako doon pinapanuod siyang maglakad palayo ng marealize ko ang nangyayare kaya mabilis akong naglakad para sundan siya. Nakarating kami sa parking lot ng campus.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa parking hanggang sa mahanap ang sasakyan niya. Nilagay niya 'yung mga libro na dala niya sa back seat at saka siya pumunta sa drivers seat. Ako nakatayo pa rin sa gilid, unable to move.
Kung hindi pa ako binusinahan ni Joco, hindi pa ko papasok sa loob. What the hell is really happening here? Yesterday he wouldn't give a damn about me tapos ngayon?! Opposite day ba?
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. I didn't take my eyes off him. Gusto kong isavor 'yung moment na 'to dahil napaka rare neto mangyare. His eyes were on the road, hands on the wheel at ang serious ng mukha niya. God, I just wanted to grab his face and kiss him.
"Drivethru. Is that okay?" Tanong niya.
More than okay. I bit my lip to refrain myself from saying that. Damn, Cat, be cool.
"Okay," Simpleng sagot ko. Napangiti ako nang makita ko na papalit kami sa Jollibee drive thru, minsan lang kasi ako makakain dito dahil hindi ako pinapayagan ni Papa.
"What do you want?" Tanong niya, nakatigil kami sa may tapat ng menu pero hindi ko masyadong mabasa kaya lumapit ako ng kaunti. Halos mahigit ko ang hininga ko dahil ang lapit niya sakin pero hindi man lang siya gumalaw. Ako lang talaga ang naaapektuhan ng ganito samin.
"Uhm... cornbeef." I told him. He just nodded at me habang kausap niya 'yung babae.
I feel like nothing could bring down my mood right now, kahit siguro wala akong maisagot mamaya, nakangiti pa rin akong lalabas ng room.
![](https://img.wattpad.com/cover/197560278-288-k163951.jpg)
YOU ARE READING
Then We Came To An End
RomanceHow can you get over the worst rejection a girl can ever face?