ALONG THE ROAD

24 3 0
                                    


Compass. Check!
Island's map. Check!
Google map. Check!
Data load. Check!
Sandamakmak na walang hiyang self.  Check!

Huminga ako ng malalim. For the first time, I'll be traveling on my own. On my effin' own self! 

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako to the point na babaliktad na yata ang sikmura ko, parang natatae ako at parang dinadambol ng mga gladiators ang dibdib ko. I got so jittery and hella nervous! Feeling ko, pero feeling ko lang naman, yung sasakyan kong bus ay mahuhulog sa bangin, or yung bangka ay lulubog dahil sa bigat ng mga pasahero. At pagnangyari iyon, parang gusto ko na lang bawiin ang pinangako ko sa bucket list ko. Pero! I don't wanna be left behind!

I balled my fist and lifted it on the air in front of me. Kaya ko 'to!

"Okey ka lang, ineng?"

Literal akong napatalon sa gulat. Nilingon ko si mamang driver ng trisikel. Pabaling-baling ang tingin nito sa'kin at sa daan. Hush! Si manong talaga..

Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan parin ako, alam kong mangiginig ang boses ko kapag nagsalita ako agad. "Okay lang po! Malapit na po ba tayo sa terminal, manong?"

"Malapit-lapit na, ineng."

Tumango lang ako. Hindi na nagsalita ulit si manong kaya bumaling ako sa dinadaanan namin. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa terminal ng mga Jeep patungo sa islang pupuntahan ko. Nagbayad ako kay manong driver at dumiretso sa Jeep patungong kalapit na pampang ng Isla.

Buhol-buhol parin ang kalabog ng dibdib ko kahit nakaandar na ang Jeep. Gising na gising ang diwa ko. Dilat na dilat ang mata ko. Tinitingnan ang bawat dinadaanan ng Jeep. Kahit man lang sa pagmasid-masid sa paligid ay malaman ko kung nasaan na ako, kahit pa hindi ako pamilyar sa lugar. Malayo-layo ang biyahe ngunit hindi parin ako palagay sa kinauupuan ko. 

"HMMM..." 

Yumuyugyog ang mundo ko pati na ang katawan ko. Ano baaaa! 

May yumugyog na naman! Sabing matutulog pa ako, eh!

Nagising at napadilat ako bigla. Tiningnan ang paligid ko. Nakaparada na ang Jeep, hindi na ito umaandar sa kahabaan ng hi-way. Nakikita ko na rin ang dagat sa kabilang dako.

OH. MY. GOD.

Naliligaw na ako! Hindi ko alam kung nasaan ako!

Panic and uneasiness ran through my bones. What's next? What I'm going to do? I'm dead!

Bumaba ako ng Jeep at nagpalinga-linga sa paligid. Umaasang meron akong makitang kahit na anong bagay na magiging daan para magbigay sa'kin ng ideya kung nasaang lupalop na ako ng Pilipinas.

I yelp when a hand closed on the blades of my shoulder. Lumayo ako sa kinatatayuan at nilingon ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.

Tinaasan ko ito ng kilay. Naka-shades, simpleng yellow t-shirt at board short with slip-on branded slippers ito. May nakasabit na malaking backpack sa likod katulad ko. May cam pa itong nakasabit sa leeg. Ngumiti ito sa'kin.

"Hi! I guess you've lost your way but you can ask me" anito at kumindat pa.

Mas lalo kong tinaas ang kilay dito. Presko! Tsk! Pero dahil naliligaw naman talaga ako magagamit ko na ang ika-limang emergency tool ko. Lumunok ako. Feeling ko hindi magandang hingan ng tulong ang tukmol na ito sa harap ko, pero hayaan na. Hindi naman ako nito makikitang muli. Ngayon lang naman. Hindi ba?

"Uhmm.. Alam mo ba kung nasaan yung Lapu-lapu port?" Maliit ang boses kong tanong dito.

"Actually, nakatayo ka ngayon sa aisle patungo sa port" nakangising anito.

Kumunot ang noo ko. Ano daw?

He just smiled and shook his head. He caught me off guard when he grabbed my sweater's arm sleeve and walked towards a booth. It looks like a ticket both. Damn! Why so slow, Orii?!

Riche' Ticketmaster. 

Naguguluhang tumingin ako sa tukmol na kasama ko cause he fell on the line with me. Damn! Don't tell me he's heading to the island too? 

Geez! Hindi ko feel ang estranghero kaya pagka-issue ng ticket sa'kin through my card ay agad akong sumuong sa mga taong paroo't parito. Rinig ko pa ang sigaw nitong hintayin ko daw sya. Hintayin your ass!

Napanatag ang loob ko ng may attendee na gumabay sa'kin patungo sa yate. 

SUMMER PEEKS 1 (novelette) :ONCE UPON A TIME IN AN ISLANDWhere stories live. Discover now