JUST BEGAN

13 2 0
                                    

Humiga ako sa buhangin at pumikit. Ang sarap damhin ng hangin na pahapyaw na humahaplos sa mukha at buong katawan ko. Parang gusto ko na lang matulog dito. Ramdam ko ang balat ni Jac sa gilid ko pero ang ipinagtataka ko ay biglang tumahimik ang dalawa.

Dumilat ako at nilingon sina Jac at Maying. Yan na naman si Jac na parang kinukuryente sa kilig habang si Maying ay nakangisi at nakataas ang kilay sa'kin.

"Anong ginagawa nyo? Muntanga kayo," tatawang ani ko.

Tinuro gamit ng nguso ni Maying ang likod ko at sinundan naman iyon ng ingit na sigaw ni Jac na parang biik na nanganak. Agad kong tiningnan ang tinutukoy ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata ko kasama ng panlalaki ng bigbig ko. Oh my, damn!

He smiled, "hi!"

Hindi ako nakahuma agad at tumitig lang dito. Agad na rumagasa sa sistema ko ang pamilyar na tambol ng dibdib ko, pagsisikip ng lalamunan at panginginig ng kamay ko. Really, Orii? You're nervous over a weird-gutted guy?

I cleared my throat. "What's up?"

"You left me," he pouted.

Tumaas ang kilay ko, "as if I know you."

Kumislap ang mga mata nito, "I'm Joseph! Now that you know me you then you won't have excuses to left from now on." He extended his hand, I just looked at it and looked up at him.

"O--oyy!!" Nagulat ako ng ginagap nito ang kamay ko at pinisil iyon. On instinct, I shook off his hand. I glared dagger at him. Ngumisi lang ito at umusog patungo sa'kin. Umatras ako. Lumingon ako sa gilid ko at shit! Iniwan ako ng magaling kong mga kaibigan sa kamay ng tukmol na ito!

Marahas akong lumingon dito nang umuusog pa ito patungo sa'kin. Umatras ulit ako at inambagan ito ng suntok habang masama ang tingin dito.

"Isang lapit pa.. sapul ka talaga,"

"Sadista ka pala," ngumuso ito.

"Sayo pa lang,"

"Ang mean mo sa'kin," nagmamaktol ito na parang bata, ngumuso pa.

"Tigilan mo ako! Baka hindi kita matantya," inirapan ko ito. Naiinis na ako sa kanya!

Tumawa ito habang nakaturo sa'kin. Tsk! Buang!

Humiga ito sa buhangin. Nagkaroon ako ng pagkataong pagmasdan ang ayos nito. Yellow sweater ang suot nito ngayon at faded jeans. Pansin ko lang, yellow na naman. Para tuloy itong tae. Napatawa ako ng mahina sa naisip.

"Inlab ka na sa'kin?" Nakangiti nitong ani habang nakatingin sa'kin ng deritso.

Awtomatikong umarko ang kilay ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig nito sa'kin. "Mukha ka kasing tae," bulong ko.

"Ano yun, babe?"

Marahas akong napalingon dito, "anoo?!!!" Umambag ako ng suntok dito.

Bumangon ito at humarap sa'kin habang nakangisi at nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Chill! Hindi mo kasi sinasabi yung pangalan mo,"

"Pakyo ka," ani ko.

"Wrong grammar ka," lumawak ang ngisi nito.

"Ulol! Baliw!"

"Baliw sayo," kumindat pa ito.

"Pakyo sayo ng trenta! Tae ka!"

"At least, hindi mo kayang paglaruan."

"Ano baa?!!" Asik ko.

"Ano nga ba?" Lumingon ito sa dagat, "bakit nga ba hindi nalulunod ang isda?"

Tsk! "Google mo,"

"Sige naaa"

"Mama mo," binelatan ko ito.

"Alam mo kung bakit--?"

"Ano nga ba?" Singit ko.

"Makinig ka," ngumuso ito, napatawa ako sa mukha nito. Tumikhim pa ito bago magpatuloy, "hindi rin ako sure. Bakit nga ba?"

Inirapan ko ito, "Ewan ko sayo!" Ani ko't tumawa.

"Pero, di nga. Bukod sa fins and such ng isda kaya sila humihinga, right? Katulad rin yan ng taong importante sayo. Sila ang dahilan kung bakit ka nabubuhay at nagpapatuloy" seryosong tumingin ito sa'kin.

Umiwas ako ng tingin dito at tinanaw ang araw na papalubog, "ang ganda, oh." Kitang-kita ko ngayon ang ganda ng mundo. The setting of the sun reflects on the ocean's surface that made it looked like it's an aisle to the heaven.

"Oo nga, ang ganda" anitong pabulong.

Lumingon ako dito at nakitang nakatitig ito sa'kin. Hindi ito paawat at hindi kumukurap na tumitig pa talaga sa'kin habang nakangisi. Sinapak ko ito sa braso at tumawa. "Umayos ka, gago!"

"Maayos naman ako, ah. Pilay ba ako?" Tatawang anito.

"Eh, kung pagbuhulin ko na lang yang mga parte ng katawan mo?"

"Sige ba!" Hamon nito, "tutal pinag-buhol mo na ang puso ko, eh!"

Napatitig ako dito. Kumikislap ang mga mata nito habang may matamis na ngiti sa labi. Napakurap ako. Oh, no! Mas bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam kong mauubosan yata ako ng hininga.

May pumitik sa noo ko at pumikot sa tenga ni Joseph.

"Aray!!"

"Ang lapit nyo sa isa't-isa ha!" Si Maying. Nakangisi ito sa mukha namin. Dudukwang sana ako dito ng sapak nang lumayo ito sa'min. Tatawa-tawa pa itong nakatingin sa'kin, "may boodle fight sa center cottage! Halina kayo! May bonfire pa mamaya!" Anito't tumakbo palayo.

Ang center cottage ay isang malaking open-space na madalas pagtitipunan ng mga bakasyonista sa islang ito, lalong-lalo na sa mga naka-booked na guest dito.

Nangatal ako ng ginagap ni Joseph ang kamay ko at hinila ako patungo sa direksyon ng tinakbuhan ni Maying. Nagpa-ubaya lang ako dito. Ngumiti pa ito sa'kin kaya awtomatikong napangiti rin ako dito. Hawak-kamay kaming naglakad patungo sa center cottage.

SUMMER PEEKS 1 (novelette) :ONCE UPON A TIME IN AN ISLANDWhere stories live. Discover now