WAVES' COMING

9 2 0
                                    

"SO... WHAT'S THE SCORE?"

Nilamon ko ng buo ang fish cake dahil sa nang-uuyam na tanong ni Maying sa'kin sa tabi ko. Si Jac naman ay nakataas-baba ang kilay sa harap ng mukha ko at nakapanglumbaba, naghihintay ng tsismis mula sa'kin.

"Spill it, Orii.." ani Jac sa tunong nambabanta. Sa tono nitong iyon alam ko kung hindi ako magsasalita ay may gagawin sila para malaman lang ang tungkol doon, and mostly I don't like it that way.

Nilunok ko ang nginunguya at uminom ng bottled soya, "ano ba kasi?"

"We knew it, Orii. So what's the real status?" Dinudutdot pa ni Maying ang noo ko. Napairap ako dito at umismid. Tumawa naman ang dalawa. Lechee! Pinagtutulongan nila ako!

Tumayo ako sa harap ng mga ito at tiningnan sila isa-isa sa mata. I breathe hard and smile sweetly at them. "A little thrill won't kill," kumindat ako sa mga ito kasabay ng mabilis kong pag-alis patungo sa mga nakahandang engrandeng pagkain. Rinig ko pa ang tiling tawag ni Jac sa'kin at ang pagmumura ni Maying. Hahahaha! You can't tame down a queen, girls!

"Oohhh la la.." mahina kong bulong habang nakatingin sa mga pagkain. Ang sarap tingnan at ang bango ng bawat isa na pumupulupot sa lahat ng senses ko. Agad akong kumuha ng plato at kumuha isa-isa ng iba't-ibang pagkain. Napasimangot ako ng hindi iyon lahat nagkasya sa isang plato. Kumuha ako ulit ng plato at ibang batch ng pagkain naman ang pinagtuunan ko. Yung bowl ng salad ay nilapag ko na lang sa isang plato. Too bad hindi ako nakakuha ng fresh buko juice. Nagkasya nalang ako sa bottled soya ulit at inipit iyon sa braso ko.

"Here, let me help you."

Nagtaas ako ng tingin sa kaharap at bumalatay ang liwanag ng mukha ko nang makitang si Joseph iyon. Inabot nito ang dalawang plato mula sa'kin at giniya ako palabas ng center cottage. 

"Thank you, ah!" Hindi ko alam kung ano ang deal pero all along while walking up with him, I just kept on smiling. You can guess, yeah, like a fool. Napairap ako sa sarili. Too ridiculous!

Nakarating kami malapit sa dagat kung saan maraming cutted lodge of tree na nakalat sa paligid. Sa pinakagitna ay may settings na parang magbo-bonfire. Siguro dito yung bonfire para mamaya. Walang tao sa paligid pero naka-set up na lahat. 

Nilapag ni Joseph ang mga plato ko sa isang lodge ng kahoy at sumenyas na umupo ako sa tabi nito. Ngumiti ako dito at nagpatiuna. Inabot ko ang isang plato at nagsimulang kumain, inabot naman nito ang isa pa at nilapit sa'kin. 

Nakatingin lang ito sa'kin at nakangiti habang lumalamon ako. Nilingon ko ito, "kain ka."

Umiling lang ito at ngumiti ulit, "gutom na gutom ka ah." Natatawang anito.

"Hindi rin, sadyang masasarap lang ang pagkain kaya hindi ko maayawan." I glinted at him, "masyado silang nakakatakam para hindian ko."

Tumawa ito kaya napatawa rin ako. "Yung sa harap ko rin,"

Naguluhan ako sa sinabi nito, ”ha?" When it hit me, heat creeped up on my face kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Ngumisi naman ito kaya sumubsob ako ulit sa pagkain. Muntikan pa akong masamid mabuti nalang at inabot nito ang bottled soya, agad ko iyong ininom. Is he tempting me? Damn!

"Hinay-hinay sa pagkain.." anitong tatawa-tawa.

"Tae ka talaga," 

"At least, you can't have the guts to play with me" kumindat pa ito.

Tinaasan ko ito ng kilay, "ano bang ginagawa mo dito?"

"Sinasamahan ka?" anito't nagkibit-balikat.

"Hindi ka naman kumakain,"

"Sayo pa lang, busog na ako." He winked.

"Epal!"

"Sayo lang aapela,"

"Boploks na diskarte mo!" Natatawang ani ko kahit na kinikilig na ako. Tangna! 

"Oww? Ano ba dapat?" 

"Wrestling na lang, oh!" Hamon ko dito at nilapag ang plato sa lodge, sumunod naman ito.

"Sige ba! Yayakapin lang kita. Akalain mo yun, tsansing na rin iyon!" Kumumpas pa ito.

Sinapok ko ito sa braso, "buang ka!"

"Sayo pa lang naman, so far." 

Napatawa na ako. Gago to! "Gilitan kita d'yan, eh!" Nakangiting ani ko. 

"Sayo lang susuko't kakalampag,"

Huminga ako ng malalim at tinaas ang dalawang kamay sa harap nito. "Awat na! Tangna, paawat ka!"

Tumawa ito at inakbayan ako. Umusog ito palapit sa'kin at dahil sa matangkad ito kaya nakasandal na ako dito. Biglang bumara ang lalamunan ko at bumundol na naman ang dibdib ko. Agad akong uminom ng soya but it just got worse! Ang lapit na namin sa isa't-isa at ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan nito.

"Tomorrow," nagtaas ako ng tingin dito. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Nakatingin lang ako sa mga mata nitong kumikislap habang bumaba ang tingin nito sa mga labi ko. "I'll meet you at your doorstep, tomorrow." 

Napangiti ako sa sinabi nito.

SUMMER PEEKS 1 (novelette) :ONCE UPON A TIME IN AN ISLANDWhere stories live. Discover now