Chapter 4

290 12 5
                                    

Princess Alexandra's POV

Madaliang ligo na lang ang ginawa ko pero syempre sinigurado ko na maayos naman ang ligo ko kahit madalian. Nag-ayos din ako ng mabilis. Pero syempre sinigurado kong ayos din ang itsura ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Maayos na buhok? Check! Light make-up on? Check! Ang laman ng bag ko? kagabi pa nakaayos. Lumabas na ko ng kuwarto at nagmadaling magpaalam kay Mama at Ate Rain.
Lalabas na sana ako ng pinto ng may maalala ako. Sinundo ako ni Adam, db?
Paglingon ko nakita ko syang nakanganga at nakatulala sa kin. Epic ang reaction niya! Nagpigil ako pero.... Pffft.... Hindi ko na napigilan. Tumawa ako ng tumawa dahil sa reaction niya. Di ko mapigilan ang tawa. Kulang na lang maglaway sya!
Oh well, ngayon lang kasi ako nagskirt ng ganto kaiksi. For a change lang naman. Bagay naman sakin tignan mo reaction niya. Sana ganyan din reaction ni Ace pag nakita nya ako! Yieeeeeeee.......

Tawa pa rin ako ng tawa. Nakahawak na ako sa tiyan ko kakatawa. Naiiyak na rin ako. Nang makarecover ako napansin ko na nakatingin na lang siya sakin. Inayos ko na ang sarili ko. Sabay sabi ng "Jaw dropper na ba ako?". Kinindatan ko siya after ko sabihin yun. Napasimangot siya.

"Alam mo kung magugustuhan ka niya dapat magustuhan nya ang totoong ikaw. Kelangan nya magustuhan kung paano ka mag-ayos, kung paano ka manamit, kung paano ka kumain, kung paano ka humilik at ang lahat-lahat ng tungkol sayo. Hindi mo kelangan magbihis ng ganyan para magustuhan ka nya. Be who you are. Be true to yourself." Pagkatapos nya sabihin yun. Hinawi nya ang loose strands ng buhok ko. Tinuck nya yun sa kanang tenga ko.
Pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay ko. Tinignan ako sa mata ng diretso. Sabay sabi ng "You are unique in your own way. You stand out effortlessly. You are beautiful. Tulad sa kanta ni Bruno Mars, you are amazing just the way you are. Your simplicity makes you even more beautiful."

Aaminin ko kinilig ako. Ayieeeee.... Oh boy! Pano pa kung si Ace ang magsabi sakin non? Siguradong laglag panty na ko! Waaaaaaaa.... Si Ace...... May plano pa nga pala ako ngayon! Operation Make Ace Fall for Me (MAF ME). Kaya lang parang nahypnotized ako. Hindi ko mabawi ang mga mata kong tila napako na sa mga mata niya. Nang biglang may sumipol at nag ehem ehem.
Napatingin kami ni Adam at biglang lumayo sa isa't-isa. Ewan ko pero biglang uminit ang mukha ko. Feeling ko namumula na ang mukha ko. Kasing pula ng kamatis! Waaaaaa....
Nakakahiya! Yung sumipol si Mama yun! Yung nag ehem ehem si Ate Rain yung kasama namin sa bahay.
Nakalimutan namin na nandyan pa pala sila Mama at Ate Rain. Waaaaa... Lagot ako kay Mama at Ate mamaya. Aasarin nila ako. Sana hindi nila ikuwento kay Papa. Waaaaaa.... What to do? What to do?
Nagulat ako ng may malamig at pawisan na kamay na humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Kinakabahan si Adam? Nanlalamig na kamay? Check! Namamawis na kamay? Check! Confirmed! Kinakabahan nga siya. Pero bakit?

Biglang nagsalita si Mama "sige na love birds umalis na kayo mag-aalas nuwebe na." Nakacross arms pa si Mama habang sinasabi yun. Meron din syang nakakaloko na ngiti. Oh boy!

"Ah sige po Ma ay este Tita aalis na po kami. Ate Rain, aalis na kami." Paalam ni Adam.
"Ma at Ate Rain, bye see you later." Pagpapaalam ko din.

"Yes! See you later!" Sabay nila Mama at Ate Rain na sinabi yun. Alam ko ang mga tingin nila. Alam kong di nila ako titigilan mamaya. Waaaaaa....

Awkward alert!

Naglalakad kmi ni Adam ngayon papuntang school. Malapit lang naman ang Dream High University dito. Pero dahil sa konting minuto na lang 9 na kelangan na namin sumakay ng tricycle. Kelangan ko na isuggest to sa kanya. I need to break the ice. Magsasalita na sana ako ng bigla syang magsalita.
"mag-aalas nuwebe na Bal kaya magtricycle na tayo."
Sobra akong natuwa kaya napalundag at napayakap ako sa kanya at napasigaw ng "waaaaaa..... bff talaga tayo!". Dagdag ko pa "Naisip mo rin ang naisip ko. Para tayong si B1 at si B2. Yung sa Bananas in Pyjamas!"

Blinded by Love or Infatuation?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon