Chapter 8

275 9 3
                                    

Adam Carlisle's POV

"Nakakainis ka naman Adam e! Dapat hinayaan mo ng si Ace maghatid sa akin!" Reklamo ni Bal while she's stomping her feet.

Tumigil ako sa paglalakad kaya nabunggo siya sa likod ko.

"Aray! Bakit ka tumigil?!"

Humarap na ako sa kanya. "Bakit dati kapag aksidente kong nagagamit ang pabango ng Lolo ko sinasabi mo na hindi mo kinakaya ang amoy kaya ka lumalayo?" Pabulong kong sinabi ang "Samantalang kay Ace."

Kumunot ang noo niya. "Ano ang ginawa mo?!" Dagdag pa niya "Ikaw pala ang salarin! Akala mo hindi ko narinig yon?! Hindi ako bingi! At hindi mo alam ang nangyari kanina! Nabahing ako sa harap niya dahil sa pabango na yun! Natalsikan ko pa siya ng laway! Tinanggal pa niya yung tumalsik na kulangot sa damit ko! Nakakahiya yun!"

"Pfft...." Nagpigil ako ng tawa kaya lang......."wahahaha"

"Umayos ka Adam ha! Hindi yun nakakatuwa o nakakatawa."

"Fine! Aksidente yun!" Depensa ko.

Nakapameywang pa siya habang sinasabi ang "Sige, pano naging aksidente yun?"

Pinilano ko talaga ng maigi yun! Sinundan ko si Ace agad nung lumabas siya ng classroom. Tinawag ko siya at tumigil naman siya. Umarte akong natalisod tapos BOOM! Tumapon ang pabango sa damit niya! Sinadya ko para sana layuan ni Bal. Pero fail e. Hay...... Hindi naman sa nagseselos o ayaw kong maging masaya si Bal. Fine! Medyo nagseselos. Pero hindi lang yun dahil dun! Iba kasi pakiramdam ko e. Parang may mali.

"Hoy!"

"Kasi.... pinacheck ko sa kanya yung perfume kung okay ba. Kasi sabi mo amoy matanda. Nung malapit na ako sa kanya natalisod ako at natapon sa kanya yung perfume."

Best actor of the year na nga ata ako e. Paniwalang-paniwala si Ace na natalisod ako. Bwahahahaha

"Really?" Tumaas baba pa ang kilay niya.

"Oo!" Matigas kong sagot.

"Siguraduhin mo!"

Sumakay na kami ng jeep. Tinatamad daw lumakad tong si Bal.

"Adam...... Hindi mo alam ang nangyari kanina bukod sa mga nasabi ko na e may isa pa."

"Ano pa yung isa?" Takang tanong ko.

"Napautot ako! Waaaaaa... Grabe!" Napatakip pa siya ng mukha niya.

"Pffft......" Sinubukan ko ulit pigilin kaya lang....... "Wahahahaha ayaw mo nun Jollibee lang."

Kumunot ang noo niya. "Ano? Bida ang saya, ganun?!"

"Wahahaha... Hindi! Langhap sarap! Bwahahaha"

"Sige tumawa ka lang ng tumawa! Pero di bale naging okay din naman sa huli. Parang medyo nagiging friends na nga kami e hehehehe"

Napatigil ako sa sinabi niya. Naalala ko kung pano sila nagtatawanan kanina. Bigla ko rin tuloy naalala yung sinulat ni Ace sa eroplanong papel.

Hi Miss beautiful! I don't know what to call you. Is it okay if I call you Alexa? Is it okay if I call you Princess? Or is it okay if I call you mine? Hahaha just kidding. Well, let me think..... Abbie calls you Alexa. So.... Hi Beautiful Alexa!

Anyway, let's talk later during break time about my singing condition. Okay?

Ace

Tsk tsk tsk... Style niya... BULOK! Kaya nga hinagis ko yun e! Is it okay if I call you mine? Psh.....

Di dapat malaman ni Bal kung ano yung nakasulat. Hindi pwede hangga't hindi ko pa nalalaman kung ano ang intensyon ng mokong na yun! Alam ko si Queenie ang gusto niya. Anyare? Bakit si Bal ang nilalapitan niya ngayon?

Hay.......Bal, bakit hindi na lang kasi ako ang nagustuhan at nagugustuhan mo?

Napatingin ako kay Bal. Sakto ang kanta sa jeep. Napasabay tuloy ako.

"Kung maging tayo
Sa 'yo lang ang puso ko"

Napatingin siya sabay sabi ng "ha?"

"Sinabayan ko yung kanta. Ang ganda e! O, ayan na pala e. Para po! Eto po bayad."

Nakalusot! Whew! Ako ang unang bumaba at inalalayan ko siyang bumaba ng matapilok siya.

"Aaaaahhhhh....." Sigaw niya.

Dali-dali ko siyang sinalo kaya lang napahiga kami sa kalsada.

Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin.

Mukhang love ko na ang gravity because we know that it causes any two objects in the universe to be drawn to one another.

Nagulat kami ng may biglang sumigaw "hoy! Magpapakamatay ba kayo?!"

Napatayo kami agad. Sabay naming nasabi ang "Sorry."

Naglalakad na kami. Akward alert! I need to break the ice.

"Hoy Bal! Ang payat-payat mo pero ang bigat-bigat mo."

"Tseh!" Napairap pa siya. Tapos nagthank you siya.

"You're welcome." Tapos kinindatan ko sya.

"May joke ako, Bal. Physics Teacher: "Isaac Newton was sitting under a tree when an apple fell on his head and he discovered gravity. Isn't that wonderful?"

Student: "Yes sir, if he had been sitting in class looking at books like us, he wouldn't have discovered anything."

Napatawa naman siya. Napangiti ako ng mapait.

Ikaw kaya Bal, kelan mo kaya madidiscover ang feelings ko sayo? Buti pa si Newton nadiscover niya ang gravity nung bumagsak ang apple sa kanya. Samantalang ikaw nahulog na ako sayo hindi mo pa rin nadidiscover. Sabi nila action speaks louder than words. Pero parang hindi rin e. Kasi hindi rin clear kung puro action lang.

"Corny! Umuwi ka na! Waley ang joke mo hehehe"

"Waley? Eh bakit ka napatawa?"

Nakangiti niyang sinabi na "Wala! Sige na uwi na! Ingat!"

Alanganin akong ngumiti habang kumakaway at inantay na maisarado niya ang kanilang gate. Umuwi na ako agad. Kelangan ko kausapin si Ace ng masinsinan bukas.

Blinded by Love or Infatuation?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon