Chapter 9

281 9 5
                                    

Princess Alexandra's POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko. Alam na alam kong si Adam ang nagtext kasi ang message alert tone ko kapag siya ang nagtetext ay boses niya na tinatawag akong Bal. Siya ang gumawa nun. Ewan ko ba dun cute daw pag ganun e. Siya nga ata ang dapat kong tawaging Bal.

Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa bedside table ko.

Nang nakapa ko na tinignan ko na ang text ni Adam.

From: Adam

Hi, Bal! Sweet morning! Nakalimutan ko sabihin sayo na may laro pala kaming basketball ngayon. Sorry ha. Pahatid ka na lang kay Ate Rain. Ingat kayo ha? May binato ako saluhin mo ha? :D

Ha? Pinagsasabi neto. Ano naman kaya ang binato niya? bola? O baka naman bato ang binato niya para ibato ko naman sa kanya e tinapay? Gusto lang niya na dalhan ko siya ng tinapay kung anu-ano pa ang pinagsasasabi. May "may binato ako saluhin mo ha?" pang nalalaman. Sus! Pero sige dadalhan ko siya ng tinapay. Tulog muna ako 5 minutes pa.

Nag-inat inat ako. Pagkatapos tumingin ako sa wall clock ko at nanlaki ang mata ko. Napasigaw na ako "Waaaa... 15 minutes na lang ang meron ako! Waaaaaa.... Baka malate ako!".

"Mañana habit ka pa......"

Napatingin ako kung sino yung nagsalita at si Mama pala yun.

"Mama, bakit di mo ako ginising?"

"Kasi para matuto ka! Nakadepende ka na lang sa amin lagi ni Adam. Iniisip mo na may gigising naman sayo. Paano kung wala ako? Paano kung wala si Adam? Paano ka na?"

Ang sarap naman ng almusal ko...SERMON.

Dagdag pa ni Mama "sabi nga ni Denis Waitley "The greatest gifts you can give your children are the roots of responsibility and the wings of independence."

Hay....... Si Mama! May tama naman siya. Kaya lang kasi hindi ba masyado pang maaga para sa sermon?

Nagmadali akong mag-ayos. Nagpaalam na ako kila Mama. I grabbed some biscuits tapos umalis na ako. Ayaw ko nga sundin yung sinabi ni Adam na magpahatid ako kay Ate Rain. Ano ako bata?!

Dumaan muna akong bakeshop sandali at bumili ng tinapay para kay Adam.

Nandito na ako sa tapat ng classroom namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa yung teacher namin. Siguro nagkaroon ng biglaang meeting. Late ako ng 15 minutes. Next time mag-aalarm na ako. Pumasok na ako ng classroom.

Napansin ko agad si Adam na mukhang masama ang timpla. Siguro gutom na gutom na siya at kanina pa inaantay ang tinapay niya. Kinuha ko na sa bag ko yung tinapay at iniabot sa kanya.

"Tinapay mo."

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo ako binibigyan ng tinapay?" Takang tanong niya.

"Hindi ba nagtext ka ang sabi mo may binato ka at saluhin ko?"

"Anong kinalaman ng tinapay na'to don?"

"Naisip ko yung kasabihan na pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Naisip ko na bato ang binato mo."

Marahas niyang ginulo ang buhok niya. Sabay sabi ng "Ugh! Ewan!" Pagkatapos ay kinain niya yung tinapay na dala ko.

"Akala ko ba ayaw mo ng tinapay?!"

Hindi niya ako pinansin. Hmp! Wala man lang thank you. Psh..

Nagtuturo na ang teacher namin. Nakakainip lalo na pag di mo gusto yung itinuturo. Para iwas inip sumusulyap-sulyap ako kay Ace. Ayie...... Ang gwapo talaga!

Blinded by Love or Infatuation?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon