Chapter 3

343 14 7
                                    

Adam Carlisle's POV
Ace, Ace, Ace. Lagi na lang si Ace. Si Ace na walang malay. Napabuntong hininga ako. A long deep sigh. Kanina pa niya binabanggit ang pangalan ni Ace.
Tinitigan ko muna si Princess o si Bal habang natutulog. Maaga pa naman. Umupo muna ako sa kama nya ng dahan-dahan. Maya-maya gigisingin ko na to 5 minutes pa. Hay..... Patay na patay ka talaga kay Ace, anu? Bagay na bagay talaga sayo ang nickname na binigay ko Bal as in Baliw. Natawa ako bigla di lang dahil sa naalala ko. Tinakpan ko ang bibig ko at pinilit kong pigilan pero natatawa pa rin talaga ako hindi naman siguro siya magigising. Mahina lang naman ung tawa ko.
Curious kayo bakit ako natawa? Nakanguso kasi sya parang naghihintay ng......kiss? Sleeping beauty, ikaw ba yan? Well, talagang maganda ang bestfriend ko. Siya si Princess Alexandra Delos Reyes. Kahit nakanguso maganda pa rin siya tignan.
Napalunok ako ng di oras. Parang may nagsasabi sakin na "go on and kiss the girl".
Nakakatempt naman! Lumingon-lingon ako sa paligid. Walang tao? Wala. Walang CCTV? Wala. Kiniss ko siya ng mabilisan. What the! Anung ginagawa ko?! Kamot sa ulo. Smack lang naman. Ah! Bahala na!
Lalabas na sana ako papagising ko na lang sana kay Ate Rain ng binanggit nanaman niya ang pangalan ni Ace. Napatingin tuloy ako at nakitang nakaupo na sya. Hinampas nya ang noo nya at hinilamos ang kamay sa mukha nya. Hmmm... Bad dream? Mukhang may malalim na iniisip ah.
Pinilit kong tanggalin sa utak ko yung ginawa ko. Act normal. Act normal. Yan ang paulit-ulit na sinabi ko sa sarili ko. Nakalapit na ko pero mukhang hindi pa rin nya ko napapansin. Bad dream nga talaga? Nag good morning ako at wala. Walang reaction. Deadma. Huminga ako ng malalim at sumigaw ng good morning. Mukhang napansin na nya ako at nagulat siya.

"Anung ginagawa mo dito Adam?" yan ang bungad nya sakin. Ayos! Wala man lang good morning?

"Sinusundo ka. First day of class, remember? At wala man lang good morning?" Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Eeeeeeehhhhhh..... Hindi maganda ang morning kasi nagkaroon ako ng panaginip na di ko maintindihan. Dahil siguro to sa kakasweet dreams mo every night. Tigilan mo n kaya yun? Anu sa palagay mo?".

Ayos to ha! Wala na ngang good morning sinisi pa ako. Sinagot ko nga ng "at ako pa ang sinisi mo." Dagdag ko pa "Okay sige kung ganun. Sweet morning na lang wag na sweet dreams."

Binigyan ko sya ng killer smile ko. Napasmile naman siya at umiling-iling.

"Ayan smile lang. Wag kang sisimangot. Don't you know that your body has to work harder and use more muscles to frown than it does to smile?"

"Oo na. Ikaw na talaga ang matalino! Ikaw na!" Sagot nya. Nakangiti siya habang tinititigan ako. Sobrang natuwa ako. Napansin na nya kaya na lalo ako gumagwapo araw-araw? Na mas gwapo ako sa Ace na yun? Ayieeeee...

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita. "smiles are contagious talaga. Whenever I see you smiling I can't help but smile too."

Lumapad ang ngiti ko more like smiling from ear to ear. Ang pag-asa ko tumataas na e ng biglang magsalita siya ulit. "Lalo na pag si Ace ang nakikita ko kahit hindi siya nakasmile napapangiti ako. Can't wait to see him! Yieeeee........."

Ok! Hopia! Dapat naman talaga hindi ako nag-eexpect kasi bestfriend niya ako. BESTFRIEND lang! Kung hindi man kita maging girlfriend, okay na ko sa friendship natin. Pero ittry ko pa rin na umamin at magtanong kung pede ligawan ka kung hindi talaga e walang magagawa. At least, I tried. I don't want to think about what ifs. Kaya naman willing ako magtake ng risk para no regrets in the future. Pero may tamang panahon para sa pag-amin ko. Hindi yun ngayon at hindi rin bukas. Kelangan ko yun paghandaan. Kelangan kong ihanda ang puso ko. Heartbreak man yan o hindi. Expect the unexpected nga, db?

"Hey, Adam! Anu iniisip mo? Kanina ko pa kinukwento yung panaginip ko pero wala ka man lang reaction!". Hindi ko na napansin na may kinukwento pala siya.

"magprepare ka na malalate na tyo." Yan na lang ang nasabi ko.

Lalabas na sana ako kaya lang may nirequest siya.

"kanta ka naman Adam. Please? Bago ako maligo." Puppy eye? No hindi uubra yan.

"no. Ligo na Alexa." Hindi niya ako pinansin at binigay niya ung pink guitar nya. Nagulo ko tuloy ang kanina'y maayos kong buhok. "Tsk tsk.. Hard-headed ka talaga." Yan na lang ang nasabi ko.

"lalo tayo malalate. Sige na kahit konti lang." Pagkatapos nya sabihin yun, she mouthed please.

Mukhang alam nya na di ko sya kaya tiisin kaya naman sinimulan ko ng tumugtog.

Princess Alexandra's POV

Sinimulan na ni Adam ang pagkanta.

Oh her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying

Aba't parang nang-aasar to ha! Gusto na nga yata ako paliguin. My eyes na may muta at hair na gulo-gulo! Way to go, Adam!

She's so beautiful
And I tell her every day

Ang ganda talaga ng boses niya. Hay..... Nakakainlove. Bigla akong nailang. Nakatitig kasi siya sa akin e! Umiwas nga ako ng tingin.

Yeah I know, I know
When I compliment her
She wont believe me
And its so, its so
Sad to think she don't see what I see
But every time she asks me do I look okay
I say
When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you're amazing
Just the way you are
Her lips, her lips
I could kiss them all day if she'd let me
Her laugh, her laugh
She hates but I think its so sexy
She's so beautiful
And I tell her every day
Oh you know, you know, you know
Id never ask you to change
If perfect is what you're searching for
Then just stay the same
So don't even bother asking
If you look okay
You know I say
When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are

Bigla siyang tumigil sa pagkanta. Eh? Bitin!

"bakit mo tinigil?! Malapit na matapos e! At ikaw ha inaasar mo ko ha! Tamang-tama e. Tignan mo may muta at magulo pa buhok ko." Reklamo ko sa kanya.

Inulit ni Adam ung isang line sa kanta "sad to think that she don't see what I see" at kumaway. Nagflying kiss pa. Nagmadali lumabas ng kwarto ko. Okay! Ang weird nya! Makaligo na nga baka malate pa kami! Time check 8 am. 8 am?! Waaaaaa... 1 hour na lang. 9 am ang simula ng klase tuwing first day lang at kahit hindi nakauniform okay lang. Kelangan 30 minutes before the time andun na kami para makasilay pa at para maisagawa ang aking napakagandang ideya.

Bwahahahahahahaha.... Kelangan mapansin na niya ako! Ace humanda ka! Kelangan magandang-maganda ako ngayon. Pero bago ang lahat gagawin ko muna ang morning ritual namin ni Adam, bestfriend ko, ang pagngiti sa harap ng salamin. Pampa good vibes nga daw.

Blinded by Love or Infatuation?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon