Chapter 24

46 2 0
                                    

Reigning Queen

▪Hera's POV▪

Nandito kami sa dorm namin. Walang malay ang reyna, itinali namin siya sa isang upuan. Nakahanda na ang aming mga pampakalma kung sakali mang magising siya at magwala.

Hindi pwedeng basta na lang kami susugod. At isa pa nawawala pa rin si Daleon, nakasisiguro akong hawak siya ng mga Draford.

"Nakuha ko na!" Pumasok si prince Lash dala dala ang isang envelope. Inilatag niya sa lamesa ang mga laman nito.

"Sabi dito ang Phantom Mafia ay ang Mafia na nagtangkang kuhain ang trono mula sa Reigning Family sa pamamagitan ng tangkang pagkuha sa Reigning Princess dati. Pero ginusto rin nilang makuha ang tagapagmana ng mga Falcons na naging dahilan ng pagkasira ng grupo nila dahil hindi nila kinaya ang galit ng mga Falcons." Panimula ni Prince Lash.

"Pero muling binuo ni King Draford ang wasak na Mafia at pinamunuan ito dahil hangad din niya ang trono. Binago niya ang pangalan ng mafia at ginawa itong Jitaku Organization." Dugtong niya.

"At dito nila naisipang magtago? Bakit dito sa Academy?" Tanong ko.

"Dahil hindi alam ninoman kung sino ang may-ari at ang alam nila ay patay na ang may-ari nito. Hindi rin sa mga Draford galing ang perang pinapadala sa School na ito yun ang isa sa mga pinagtataka ko."

"Kung ganoon lakas ng dalawang mafia ang kalaban natin ngayon?" Tanong ng kambal ko.

"Parang ganon na nga." Sabay sabay kaming napabuntong-hininga.

*door slams!*

"Please excuse me! This is urgent." Pumasok si Trisha at lumuhod sa harapan namin.

"Spill it." Maotoridad na wika ni Johan.

"I can't explain it but, can you please look outside the veranda?" She asked.

Dahil curious kami edi tumingin kami sa labas.

Lumukso ang puso ko nang makita ko sa baba ang mga estudyante ng Academy. Lahat sila ay nakaluhod at nakatingala sa direksyon namin.

"Sumusumpa kami ng katapatan sa kataas-taasang reyna." Sabay sabay nilang sigaw.

Parang nabingi ata ako.

Tumulo ang mga luha ko at sumulyap sa natutulog na reyna. Akala ko kakalabanin kami ng lahat dahil karamihan sa mga mag-aaral ay hindi kabilang sa anumang samahan dahil ayaw nila sa ganoong sistema pero nagkamali ako.

Lahat sila ngayon ay lumuluhod at sumusumpa sa aking mahal na reyna.

A Queen will always be a Queen. But a Reigning Queen will always be above all the countless Queens. Higher than anyone, always reigning, always shining, and always fighting for her rightful position.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Hinarap ko sila at taas noong nagsalita.

"We fight for the Reigning Queen! We fight for the survival and safety of the Reigning Queen! We live and fight for the Reigning Queen! We Die for the sake of the Reigning Queen!" I shouted with all my might.

Sabay sabay sila tumayo at sumigaw.

"For the Reigning Queen!!!!"

Now, let's plan.

Kasama ang mga gang leaders tinutulungan nila akong ikalat at ipaliwanag ang plano namin sa lahat.

Nasa kalagitnaan kami ng pagpapaliwanag nang biglang dumating ang grupo nina Ajie.

Sabay sabay nila akong tinutukan ng baril. Lahat ng nandito ay tinutukan din sila ng baril.

Pito ang baril na natutok sa akin habang daan daan naman ang nakatutok sa kanilang pito.

Saan namin nakuha ang baril? Sa dorm namin. Akala ng reyna lahat ng dorn ay ganoon ng settings pero iba ang amin. Mas malaki at ang bawat pader ay naglalaman ng daan daang mga armas.

"It is you, am I right?" Walang emosyong tanong ni Ajie. Alam na niya na ako ang pumatay sa girlfriend niya.

"Yes." Ang walang emosyong mukha niya ay nagkaroon ng bahid ng galit.

"Tangina! Bakit?!" Sigaw niya.

"She's a traitor, not just to you but to the Reigning Queen also." I said with a matter of fact tone.

"A traitor!?" Nanginginig ang kamay niya mukhang pinipigilan lang niya ang sarili niyang barilin ako.

"I saw her meeting and kissing one of the enemies at the left wing of the Academy. Wanna watch the video? Prince Johan has it." Yes kinuhaan yun ng video ni Johan ng hindi ko nalalaman. Sinabi niya lang sakin nung kumakain na kami.

Alam daw kasi niya na papatayin ko ang dalawa kata kailangan ng pruweba na traydor talaga si Erika.

"A freaking video?! Then fucking show it to me!" Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Johan.

"Yes honey?"

"Send me the video."

"Yes boss!"

Pinatay ko ang tawag at wala pang isang minuto at nagrecieve ko na ang video.

Since may projector kami dito dahil ginagamit namin ito sa pagpapaliwanag ng mga gagawin ay ginamit ko na rin ito para mapanuod nila ang video.

Kaya ko naman silang patayin pero kakailanganin ko ang mas maraming tauhan para sa tagumpay lalo na at dalawang beses na malakas ang mga kalaban.

Isa pa ay dahil wala sa kontrol ang reyna at wala pa akong plano tungkol kay Daleon.

Nagplay ang video at kitang kita dito and dahan dahang paglapit ni Erika sa lagusan habang palingon lingon pa. Nang makalapit siya sa lagusan ay saktong bumukas ito at lumabas ang isang babae.

Doon na nagsimulang magyakapan at maghalikan ang dalawa. Ilang sandali pa ay nagpakita na ako sa video at pinagbabaril ang dalawa.

Nag-umpisang mag-ingay ang lahat. Nabitawan ni Ajie ang kanyang baril at wala sa sariling napa-upo sa sahig.

Umalalay sa kanya si Mark Gil. Kilala ko sila dahil mga kaklase ko sila.

"I want you to join us." Lumapit ako sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko.

Natauhan naman siya at dahan dahan niya itong inabot.

"Sumusumpa ako ng katapatan sa kataas-taasang reyna at sa kanyang mga tauhan." Yumuko siya at ganoon din ang ginawa ng anim niyang mga kasamahan. Tinanguan ko lamang sila.

Bumalik ako sa unahan.

"Let's continue."

▪Cyan' POV▪

Nandito kaming tatlo sa dorm ng reyna para bantayan siya. Wala pa rin siyang malay. Ang dalawang prinsipe ay busy sa pagscan sa papers habang nakafocus naman ako sa reyna.

Mamayang gabi na magsisimula ang gyera kaya naman nagsisimula na si ate Hera sa pagkakalat sa aming plano.

Napalingon ako sa direksyon ng dalawang prinsipe nang nagliparan ang mga papeles mula sa lamesa.

"Aish!" Reklamo nila pareho. Bakit kasi dun sila sa may bintana, alam naman na mahangin ayan tuloy.

▪Lashtrion' POV▪

Dinampot ko ang nalaglag na envelope.

Huh?

May nalaglag na isang papel at nahagip ng paningin ko ang isang pangalan na nakasulat sa dito. Nakatupi ang papel at nakasulat sa labas nito ang pangalang ...

"Shadow Bullet"

To be continued...

As Long as He is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon