Chapter 29

42 2 0
                                    

Her Eyes

▪Hera's POV▪

Magkakasama na kaming lima. Walong tauhan na ang napatumba ko bago sila dumating nina Cyan.

"Si Draven!" Sigaw ni Johan.

Lumapit kami kay Draven.

He's dead. Kunai ng reyna ang nakabaon sa leeg niya.

"Sa room ni Daleon." Napatingin kaming lahat kay prince Lash.

Hindi na kami nagtanong at nagmadaling pumunta sa dorm ni Daleon.

Nakatayo sa gitna ng silid ang mag-asawang Draford. Inilibot ko ang tingin ko at nanlamig ako nang makita ang kalagayan ni Daleon habang nakaulo sa lap ni Queen.

"This is fucking bad!" Mura ko.

May tama ng baril si Daleon sa kanyang kaliwang dibdib. Malapit sa puso!!

Lumapit ako sa reyna at sinipat ang tama ni Daleon. Naglabas ako ng isang likido. Mapapatigil ni ang pagdudugo masyado.

"Daleon ...drink this..." May malay pa siya. Ipinainom ko ang likido.

"Hera...take care of him. I'll be back." Mabilis na nakalapit ang reyna sa mag-asawa.

Yung apat ay lumapit sa akin para tulungan ako kay Daleon. Marahil hindi nila gustong makita ang mangyayari. Maging ako ay tumalikod sa gawi nila.

Nakarinig ako ng walang katapusang putok ng baril. Nakakabingi. Nakakatakot.

The Queen's eyes are turned to colour red.

Red.

Her brown eyes turned to red.

Dark red.

This is the real eyes of the Reigning Queen.

"Ms. Hera!" Sigaw ng boses na narinig ko sa earpiece.

"Bakit?"

"Napakadaming sundalo ng kalaban ang dumating! Nauubusan na ng stock ng bala at mga bomba ang mga team. Nag-umpisa na pong maggawa ng sariling bomba ang B-2 team gamit ang mga chemical sa lab."

"Retreat to our base." Ang reyna ang sumagot. Mukhang narinig din niya sa earpiece niya.

Punong puno siya ng dugo. Naliligo sa dugo.

Hindi ko na sinulyapan pa ang pinanggalingan ng reyna.

Nanatiling pula ang kulay ng kanyang mga mata.

"Nawalan po ng malay si Deleon."

"Let's go back to the base. I will treat him there."

▪Mr. Jacob's POV▪

Nandito kami sa labas ng Academy. Naabutan ko ang napakaraming tauhanng mga Falcon dito.

"King Falcon." Yumuko ako bilang paggalang.

"Mr. Jacob of the Black Mansion." Bati niya sa akin.

"Mukhang balak niyo na pong sunduin ang inyong tagapagmana." Wika ko.

"Alam mo?" Gulat na tanong niya.

"Nalaman ko lang po kanina. Nandito po ako para sunduin ang aking reyna. Naniniwala akong magkasama silang dalawa."

"Alam ng reyna?"

"Hindi ko po alam. Isang bese ay isinama siya ng reyna sa Black Mansion kaya nakilala ko siya. Sa tingin ko ay hindi pa alam ng reyna."

"Kung ganoon ay bakit sila magkasama?"

"Hindi ko masagot ang tanong niyo dahil maging ako ay hindi alam ang sagot."

"Kung ganoon ay simulan na."

▪Hera's POV▪

Napalalibutan na ang base namin.

Nandito na lahat ng mga estudyante. Maraming sugatan pero wala pa akong nababalitaang namatay.

Nilalapatan ng reyna si Daleon ng first aid. Nandito kaming lahat sa ground floor ng girl's dormhouse.

"Napapalibutan na tayo, kuhain niyo lahat ng magagamit niyo!"

"Kami na po ang bahala." Si Trisha.

"Tutulong ako--"

"Hindi na po. Dito na lang kayo sa tabi ng reyna." Pagpupumilit niya.

Sunod sunod silang lumabas. Humilera sila na para bang handa nang sangahin ang mga balang manggagaling sa mga kalaban para maprotektahan ang base.

Sinubukan kong pigilan ang iba pero nginingitian lang nila ako.

No! Hindi pwedeng ngayon pa sila mabawasan.

Nakarinig ako ng sunod sunod na putukan. Tumakbo ako palabas.

Hindi kami ang pinapuputukan nila! May pinapuputukan sila sa likuran nila.

Ligtas na kaming lahat!

Nakita ko si Mr. Jacob kasama si King Falcon.

Anong ginagawa ni King Falcon dito?

Nakita ko na gina-guide ng mga kasamang tauhan nina King Falcon ang mga estudyante papunta sa lagusan palabas ng Academy.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Hera, kamusta ang mga kalagayan niyo?" Bungad ni Mr. Jacob.

Sasagot na sana ako nang lumapit sa amin ang isa sa mga tauhan.

"Ayaw pong umalis ng mga estudyante."

Nilingon ko ang mga students. Hindi sila gumagalaw sa kinatatayuan nila. Tila ba may inaanta---!

Ang reyna! They are waiting for the Reigning Queen!

Nahawi ang mga estudyante!

Dumaan sa gitna ang reyna tulak ang isang stretcher na kinuha pa namin sa clinic ng school para kay Daleon.

Bumalik na ang mga mata ng reyna sa dati. Pero wala pa rin itong buhay kung tumingin. Nakasunod sa kanya yung apat.

Nang makalagpas ang reyna sa napakaraming estudyante ay saka lang lumakad ang mga ito kasunod ng reyna.

"Anak.." Narinig kong bulong ni King Falcon.

Nagmadali siya lumapit kay Daleon kaya naman nataranta ako.

"Wag! Wag kayong lalapit!"

Nahuli ako. Nakalapit na siya kay Daleon.

Wait what?! Anak?! Anak niya si Daleon!? Si Daleon ang nawawalang tagapagmana?! What the fuck?!

"Don't touch him." Nagbalik ako sa reyalida dahil narinig ko ang napakalamig na boses ng reyna.

Natigil sa ere ang kamay ni Haring Falcon.

"P-pero k-kamahalan..."

"I said Don't touch him!!"

Napaatras ang hari dahil sa sigaw ng reyna.

"Y-yes Queen. Nasa labas ang ambulansya." Walang nagawa ang haring Falcon kundi ang tumabi sa daraanan ng reyna.

Nagtuloy sa pagtulak ang reyna kasunod ang daan-daang mga estudyante ng paaralang ito.

Sabay sabay naming dinama ang sakit na nararamdaman ng aming kataas-tasang reyna sa gitna ng parangan.

Bigla na lang nagtaas ng kaliwang kamay ang lahat ng mga estudyante at sabay sabay na ikinuyom ang kanilang mga kamao kasabay ng pagsigaw.

"Our lives for our Reigning King and Reigning Queen!"

Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

To be continued...

As Long as He is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon