Chapter 7

64 5 0
                                    

The Black Organization Meeting

"Give me the details about the meeting" I ordered Hera. Nandito kami sa salas, katatapos lang kumain ng hapunan, nanunuod ng movie at kumakain ng ice cream. Tapos na ang pagpaplano namin kaya nagpapahinga na kami.

"Magaganap ang meeeting sa Head Mansion gaya ng dating nakagawian. 10:00 bukas kaya hindi tayo makakaattend ng klase. Nabanggit din ni Cyan sa akin na gusto daw ni prinsipe Lashtrion na sabay kayong pupunta sa pagpupulong, kamahalan." Pagpapaliwanag ni Hera.

"Hera, I command you to call me Vio when we are in school from now on." I commanded her.

Bigla na lang siya tumayo at lumuhod sa harapan ko. "Masusunod,mahal na reyna." Tunanguan ko lang siya.

She's always like that whenever I command her. Tumayo siyang muli, bumalik sa puwesto at ipinagpatuloy ang pagkain.

Natapos ang pinapanuod namin at nagpasya na matutulog na. Pumasok kami sa kanya kanyang kwarto at natulog na.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil balak ko sanang magpaalam kay Leon na aalis ako, kaya nagabang ako sa classroom dahil alam kong maaga siyang papasok.

Pero hindi ko inaasahan ang taong unang dumating. Bakas sa mukha niya na natutuwa siya dahil nakita niya ako.

"Good morning, mi lady." Nakangising niyang ani. Agang aga sira agad araw ko, nakakainis! Puno ng kaangasan ang mukha ni Draven habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakasadal sa may tabi ng pintuan.

Mukhang mas natuwa siya sa ginawa ko. "Goodluck sa meeting mamaya. Alam kong ilalaban ng Family ko ang karapatan ko para maging hari mo. Kung ako lang sana ang namamahala sa Family namin natitiyak kong noon pa lang akin ka na." Puno ng tiwala niyang ani.

"Imposibleng mangyari. Alam naman nating hindi mo kayang lamangan ang ikalawang pamilya. Kaya walang magawa ang Family mo sa kasunduan ng mga magulang namin." Hindi ko na napigilang sagutin siya. Sumeryoso ang mukha niya.

"Ngayon, nakakasigurado na ako na hindi mo gusto ang kasunduang binuo ng mga magulang mo at ng mga magulang ng fiance mo. Kapag nakuha kita hindi ka na makakawala pa. Aangkinin kita at hindi hahayaang mahawakan pa ng iba. Sinisigurado ko sayong magiging akin ka rin." Nagbabanta niyang tinig.

Agad kong hinawakan ang kuwelyo niya, hinila siya papasok sa classroom at isinarado ang pinto para walang makakita sa amin. Isinadal ko siya sa pader at bumulong sa kanya. Mas matangkad siya kaya kinailangan ko pang hilahin ang kuwelyo niya para yumuko siya.

"Wala ka nang pagasa pa, humanap ka na lang ng iba dahil kahit kailan ay hindi mo makukuha ang puso ko. Masasaktan ka lang."

Sa isang iglap ay nabaliktad ang pwesto namin. He's pinning me on the wall.

"Kahit wag na ang puso mo, basta nasa akin ang katawan mo at ang titulo wala ka nang magagawa pa. Hindi nakasalalay sayo ang pamimili ng magiging kabiyak mo kaya wala kang magagawa kapag naagaw ko ang kasunduan. Magiging akin ka, ang katawan mo, ang titulo sayo, at ang lahat lahat sayo." Hahalikan niya sana ako pero nagpumiglas ako pero bago ako makaalis sa pagkakakulong ko sa kanyang bisig ay bumukas ang pintuan.

Pumasok si Leon, naabutan niya kami sa ganoong pusisyon. Nilingon siya ni Draven. "Dude pwede bang sa labas ka muna? May ginagawa pa kasi kami eh." Nagalit ako sa sinabi niya kaya sinipa ko ang junjun niya. Namilipit siya sa sakit at nagpagulong gulong sa sahig.

"Arrgghh"

"Fuck you!" Galit kong sigaw at agad na lumapit kay Leon. Hahawakan ko sana siya nang umiwas siya sa akin.

As Long as He is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon