01

42.4K 807 68
                                    

"Saglit nga!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa malakas na pwersang humawak sa akin. Napatingin naman ako sa likod ko. Kung kanina ay ako ang nakahawak sa kanya, ngayon ay baliktad na. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"San ba tayo pupunta at bakit ba sinama mo pa ako?" Tanong niya. Buong pwersa kong inalis ang aking braso sa pagkakahawak niya. Letse, ba't ko nga ba binitbit ang lalaking 'to?

Napailing naman ako at inis siyang tiningnan. "Be thankful to me. Hindi ka mapapag-initan ng propesor na iyon." At inirapan ko pa siya. Naiinis talaga ako idagdag pa ang bwiset kong asawa.

"Wow, thanks ha. Sa susunod hindi na kita kakausapin." Sarkastikong sagot nito. Oh my gosh, ako pa ngayon?

"That's a good news then. Bye." Mas lalo akong nainis. Punyeta, anong ibig sabihin niya? Na kasalanan ko pa? Wow, parang ako yung nakipagkaibigan sa aming dalawa ah? Tsk.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Wala akong panahon sa mga katulad niya.

"Bakit iiwan mo ako eh ikaw ang nagdala sakin dito?" Required na ba sa mga lalaki ngayon ang maging madaldal? Dinaig pa ako nito eh.

Hinarap ko siya at pinanlisikan ng mata. I really don't have time to deal with him. "Uuwi na ako. Kung gusto mong bumalik don, edi bumalik ka. Wala akong pakialam sa'yo." At saka ko siya muling tinalikuran.

Buti naman at hindi na niya ako sinundan. What a relief. Makakauwi na ako ng matiwasay. As soon as I reached the parking lot, I immediately get inside my car and drove it away.. away from him.

Kung pwede lang akong magpakalayo-layo para hindi ko na muling makita pa ang mukha niya ay gagawin ko. Pero wala akong kakayahan.

Habang nagmamaneho ay pumasok sa isip ko kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

• • •

"Mom! What is it this time?" I irritatedly asked my Mom. Ang sarap ng tulog ko sa kwarto ko tapos gigisingin lamang ako?

"Come and sit first, Amara." Umirap lamang ako at sinunod ang sinabi niya. Si Mommy lamang ang nandito. Where's Daddy?

Pero agad ding nasagot ang tanong ko ng magbukas ang pinto. And there I saw my Dad with them. Anong ginagawa nila dito?

"Balae!" My Mom screamed in excitement. Tumayo ito at nakipagbeso kay Tita Angelou. Pero teka, ano raw? Balae? Kelan pa sila naging magbalae?

"Ikaw talaga balae! Masyado kang excited, wala pa naman!" At humagikhik si Tita Angelou.

"Ano ka ba, malapit na." Ngumiti pa si Mommy ng pagkalaki-laki. Hindi kaya mapunit na ang labi ni Mommy nyan?

"Oh, Amara? What are you waiting for? Come here." Tumayo na rin ako dahil wala naman akong magagawa na, lalo pa't si Dad na ang nagsabi. Lumapit ako sa kanila at bumeso kay Tita at Tito. Now, I wonder what are they doing here.

"Hello po." Nakangiti ko silang binati. They are one of my closest Uncles and Aunties. Tita Angelou is my Mom's bestfriend since then. Naging magkaibigan din si Tito Carl at Dad dahil kina Mommy. Pero ang tanong lamang ay kung bakit sila nandito. Ang alam ko ay nasa States sila to manage their businesses there. Matagal na rin silang hindi nakakauwi dito sa Pilipinas.

"It's nice to see you again, Amara. You're so beautiful! Bagay na bagay kayo ni Art." Ani Tita. Agad naman akong namula sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Sinabi ba niyang bagay kami ni Art? Wait, kinikilig ako. I pursed my lips into thin line to stop myself from smiling. Shit lang kase, Mommy na niya nagsabi!

"Oh my gosh! Amara's blushing!" Mas lalo akong namula sa tinuran ni Tita. Tita wala namang bukingan, talaga naman oh oh.

• • •

Noong mga time na iyon, akala ko ay simpleng pagbisita lamang ang pakay nila pero nagkamali ako. Isa palang pasabog ang dala nila. At hindi ko kinaya!

Sobrang saya ko noong mga panahong iyon pero agad ding napalitan ng lungkot ng malaman kong may mahal siyang iba.

• • •

"You and Arthur are going to be married!" Masayang balita ni Tita Angelou na siyang nagpatigil sa ikot ng mundo. Ano raw ulit yon? Tangina, nabingi na yata ako.

Ako?

Si Art?

Magpapakasal?

Agad akong napatayo ng magsink-in sa akin ng sinabi ni Tita at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanila.

"Y-you're just ki-kidding, r-right?" Ay shete, ba't ba ako nauutal? Pero hindi ko keri! Totoo? Magpapakasal kami? Pero ang bata ko pa! 16 years old lamang ako!

"Of course not, hija. Matagal na namin itong napag-usapan ng mga magulang mo. Magpapakasal kayong dalawa sa ayaw at gusto nyo. Ikaw lang ang gusto ko para sa anak ko hija at wala ng iba." Ani Tita. Napaupo naman ako this time. Tatayo sana ulit ako pero wag na, tinamad na ako kaya remain at sit na lang tayo.

Pinukpok ko pa ang tenga ko magkabilaan at baka nga nabibingi lamang ako pero hindi talaga eh. Malinaw ang pandinig ko at tama ang narinig ko. Me and Art are going to be married. Pero bakit parang hindi ako masaya? I should be happy right because I will be married to the man I love? Pero bakit parang may mali?

Siguro kasi hindi ko alam kung mahal din ba niya ako?

Paano kung hindi? What should I do?

• • •

Simula noon ay pinatira kaming dalawa ni Art sa iisang bahay. In that way daw ang makikilala namin ang isa't isa. Pero hindi iyon ang nangyari.

While living with him, I found out that he loves someone else. Ang masakit pa doon ay tinatrato niya akong parang basura. He's saying hurtful words at my face. He's hurting me.. physically and emotionally.

"I will never love someone like you. And living with me?" He smirked. "You'll suffer hell."

At totoo ang sinabi niya. Nang maikasal kaming dalawa ay walang araw na hindi niya ako sinaktan, pinahiya sa harap ng mga kaibigan niya at sa taong mahal niya. Pinapahirapan niya rin ako at minsan ay hindi pa ako pinapakain at kinukulong sa kwarto.

Habang siya? Nagpapakasaya sa piling ng taong mahal niya. At oo, sa bahay pa naming dalawa. Ang kapal ng mukha di ba? Sa bahay pa talaga NAMIN sila naglalandian. Punyeta. Sarap sa ears ng mga ungol nila na tipong gusto ko na lamang maging bingi para hindi na sila marinig pa.

I didn't beg for him to stop for what he's doing to me. Lahat iyon ay tinanggap ko at hindi nagreklamo. Bakit? Kasi mahal ko siya. Ang tanga ko di ba? Pero wala eh. Masisisi nyo ba ako kung mahal ko talaga siya? Na kahit saktan niya ako ng ilang beses ay ayos lang sakin basta makasama ko siya? Basta makita ko ang mukha niya? Basta makita ko siyang nakangiti kahit hindi ako ang dahilan ng pagngiti niya? Basta makita ko siyang masaya kahit ako ang nagpapasaya sa kanya?

Kinaya ko iyon ng limang taon. Oo, limang taon. Limang taon na kaming kasal at limang taon na rin akong nagdurusa sa mga kamay niya. Our parents? They didn't know, of course. Hindi ko rin naman sinasabi. Ayoko silang mag-alala sa akin kaya kahit sinasaktan ako ng mahal kong asawa, ayos lang.

Pero darating ka pala talaga sa punto na mapapagod ka. Sa sobrang sakit ng naranasan mo, mapapagod ka na lang ng kusa. Mapapagod magmahal, mapapagod magpapansin, mapapagod sa lahat.

At ngayong pagod na ako, ano ng sunod na mangyayari? Magiging masaya ba ako?

--

That Professor is My Husband (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon