Pagkaparada ko ng kotse ko sa garahe ay bumaba na rin ako. Maaga pa kaya for sure ay wala pa ang magaling kong asawa.
Pagkapasok ko, dali-dali akong nagpuntang kusina. Gutom na ako.
Naabutan ko doon si Nanay Mirna. Sa lahat ng kasambahay dito ay siya pinaka-close ko. Ay mali, siya lang pala ang close ko sa lahat sa kanila.
"Oh, Amara hija, ang aga mo naman yata? Kasama mo ba si Sir Arthur?" Bungad na tanong sakin ni Nanay Mirna. Nag-iba agad ang timpla ng aking mukha ng marinig ang pangalan niya. Kung noon ay marinig ko lamang ang pangalan niya ay nangingisay na ako sa kilig, ngayon ay hindi na. Ang sakit pala sa tenga ng pangalan niya? Ba't ngayon ko lang napagtanto?
"Nay nagugutom na po ako. At si Art? Nasa school pa ho. Mamaya pa ho iyon uuwi." Sagot ko kay Nanay ng makaupo ako. Umiling lamang si Nanay at umalis na sa harap ko. Pagbalik niya'y may dala na siyang pagkain. Wow, bilis. Is she flash?
"Kakaluto lang kasi namin ng tanghalian. Oh siya sige, kumain ka na." Is she mind-reader? Gosh, may kapangyarihan ba si Nanay?
Pinilig ko ang aking ulo para alisin ang iniisip ko. Nababaliw na yata ako at kung anu-ano ng pumapasok sa isipan ko.
•••
NAGISING ako dahil sa malakas na kalampag sa aking pintuan. Sino ba naman ang poncio pilatong walang hiyang kumakalampag sa aking pintuan?! Hindi ba niya alam na natutulog ang mahal na reyna?!
Inis akong bumangon habang kusot-kusot pa ang aking mata para lamang pagbuksan ang pintuan— na dapat pala ay hindi ko na ginawa.
Mukha lang pala ni Art ang aking makikita.
Muli ko itong isinara pero agad niyang napigilan. Ano bang kelangan nito?
"Kanina pa akong katok ng katok dito!" Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Lintik na mga mata yan ah. Sarap durutin.
"Tulog ako. Alis, tutulog ulit ako." Walang gana kong sagot at akmang sasaraduhan ulit ng tuluyan na siyang pumasok. Padabog ko namang sinara ang pinto.
"Anong kailangan mo? Are you going to punish me again?" I spread my arms wide open before continuing. "Ready na ako. Make it fast at inaantok pa ako."
At hindi nga ako nagkamali. He grabbed my arm tightly. Galit na galit siya. Nag-iigting ang panga niya at kitang-kita ko iyon.
"How dare you flirt right in front of my eyes." May diin niyang sambit. Ano raw? Putangina, ano?! Lumalandi? Ako? Ako talaga? Eh sa aming dalawa siya nga yung professional na malandi. Tangina, lakas mambintang!
"I didn't know that the form of friendliness is now being considered as flirting, Sir." Sagot ko. At mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. My poor skin, magkakapasa ka na naman.
"Don't make me swear, Amara. I will let this slip but the next time I saw you flirting with someone, let's see what I can do to you." And with that, he left me hanging.
Eh gago pala siya eh! Nayukom m ko ang aking kamao sa inis. Ano bang problema niya?! Letse. Noong lumalandi siya sa harap ko mismo, nagreklamo ba ako? At tangina lang, hindi ako lumalandi. Hindi ko kasalanang maganda ako, bwisit!
Don't make me swear, too, Arthur. At baka hindi mo magustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Matagal na akong nagtitimpi. Gusto ko ng ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa loob ko dahil sa kanya.
Tama na ang paghihirap ng limang taon.
Noon ay takot ako sa kanya, ni hindi nga ako marunong sumagot sa kanya at palaging sinusunod ang mga utos niya. Pero na-realize kong wala akong magagawa kung matatakot lamang ako.
BINABASA MO ANG
That Professor is My Husband (UNDER MAJOR REVISION)
Fiksi RemajaHanggang saan aabot ang pagmamahal mo kung ang taong mahal mo ay hindi ka mahal? Let's join Amara Salvador's journey when she loves Arthur Monticello-her professor and her SECRET HUSBAND.