Prologue

59.8K 1.1K 94
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan at hinihintay ang aming guro. Nakakabagot.

Anong oras pa ba siya darating? Ghaaaad. He's fucking late. Lumalandi pa yata. Tsk.

Kung ako na lang ang nilalandi niya baka matuwa pa ako. Ay oo nga pala. Awat na. Hindi na pala ako nadala. Ayaw nga pala niya sa akin.

"NANDYAN NA SI SIR!" Matapos niyang ipahayag iyon ay nagsimula na ring mangisay sa kilig ang aking mga kaklaseng babae.

Napairap naman ako sa mga inasta nila. Ghaaaad. Why are they being like this? Ay oo nga pala, gwapo nga pala si Sir. Walang duda. Napailing ako. Basta gwapo, sasambahin! What is this generation?

"Ang hot ni Sir!"
"May asawa na kaya siya?"
"I'm gonna die, I'm gonna die! Ngiti pa lang ni Sir mamamatay na akoooo!"

Samu't saring reaksyon pa aking narinig na nakapag-init ng aking ulo. Hindi ba nila alam na ang sakit sa tenga ng mga boses nila? Ang lalakas pa na akala mo'y nakalunok ng megaphone! Kapag di ako nakapagtimpi, tatapyasin ko talaga ang mga bunganga nila eh. Try me.

"Good morning class." Bati niya. The whole class went silent. Thanks goodness!

"Good morning Sir." Bati nilang pabalik.

Hindi ko naman siya pinansin at itinuon na lamang ang aking atensyon sa labas. Hindi rin naman niya ako binibigyang atensyon eh, kaya quits lang kami. Bahala na siya sa buhay niya. Pagod na ako. Pagod na akong maging tanga. Pagod na akong mahalin siya. Pagod na akong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko pero wala naman akong nakukuha kundi puro sakit.

Nakakainis. Akala ba niya gusto kong makasal sa kanya? Oo at mahal ko siya pero naman! Hindi ako magpapakasal kung alam kong may mahal siyang iba!

Fuck this fixed marriage. Hindi ko alam na uso pa pala ang ganitong setup. Bakit ba pati ako ay nadamay dito? Ghad. Kung hindi ko lang mahal ang mga magulang ko ay hindi talaga ako papayag. I swear.

"Hanggang saan na kaya naabot ang imagination mo?" Agad akong napalingon kung sino man ang damuhong nagsalita. Paepal sa buhay ko.

Agad na tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Isang gwapong lalaki. At kailan pa ako nagkaroon ng katabi?

Hindi ko siya pinansin at binalik ang tingin sa labas.

"Ang sungit." Anito. Marahas ko siyang binalingan at pinukol ng masamang tingin.

"Paki mo?" Ani ko. Masama ang ugali ko, oo. Pero wala akong pakialam don.

"So tunay pala ang usap-usapang napakasuplada mo? Ang ganda mo pa naman." Anito. Inirapan ko lamang siya. Kilala ako dito bilang ganon. Kung kakausapin mo kasi ako ay it's either hindi kita iimikan or tatarayan lang kita. But the hell I care? I don't need friends. Iiwan lang din naman nila ako bakit pa ako maghahanap? Duh. Nobody stays!

"Makikipagkaibigan lang ako. Ako nga pala si Joseph." Inilahad niya ang kanyang kamay pero tiningnan ko lamang ito at napailing.

Binalik kong muli ang tingin ko sa labas. Bahala ka sa buhay mo. Magsasawa ka rin.

"Sungit." Bulong pa nito pero rinig ko naman. Tsk. Buti at nasa likod kami kaya hindi niya kami napapansin. Like duh. Kahit kailan naman ay hindi niya ako binigyang pansin. Ang mata niyang puno ng pagkadisgusto kapag tumitingin sa akin? I hate his eyes. Ganoon na ba ako nakakasuka sa paningin niya? Wala naman akong ginagawang masama. Minamahal ko lamang siya!

"You two, what are you doing?" Ani ng isang pamilyar na boses. Sinabi ko bang hindi kami mapapansin? Ay aba, punyeta, nagdilang anghel pa!

Hindi ko siya pinansing bwiset siya at mas lalo lang masisira ang araw ko.

"Stand up!" Puno ng otoridad ang boses niya. Tumayo na lamang ako pero sa iba pa rin nakatingin.

"My rules are clear. No chitchatting during my class. If you want to continue your chitchat, leave my class!" Galit na saad nito. Ano bang problema niya? Tsk.

Pero isang ngisi ang kumawala sa aking mga labi. It's my pleasure to leave your class, Sir.

Kinuha ko ang aking bag at binitbit ito. I held Joseph's arm and dragged him outside. I really want to leave that classroom.

"H-Hey-"

"Shut up." Pinutol ko na ang sasabihin niya. Bago kami makalabas ay nilingon ko muna ulit siya at ang galit niyang mukha ang nakita ko.

Serves you right.

--

That Professor is My Husband (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon