03

33.2K 705 77
                                    

Hihikab-hikab akong naglalakad papunta sa classroom. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa kanya. Ayoko man, labag man sa aking kaloobang isipin siya ay taksil ang malandi kong isipan at patuloy lang sa pag-iisip sa kanya.

Marami akong nakakasalubong sa hallway habang papunta sa room. Hindi pa naman ako late, ang aga ko nga eh. Ayoko kasi makita ang pangmumukha ng butihin kong asawa.

Pero sino bang niloloko ko? Kahit saan naman yata ako magpunta ay mukha niya pa rin ang nakikita ko.

He's not really a teacher. Well, he's a licensed teacher naman pero hindi niya ito ginagamit. Nag-teacher lamang siya because it is a request of his parents. For what? To look after me.

Sila ang may-ari ng school at dati siya ang namamahala dito. Pero nagbago ang ihip ng hangin at mukhang nalipad ang utak ng aking mga biyanan kaya ayan, pinagturo ang butihin kong asawa. Kikiligin na sana ako eh pero wag na lang, nakakatamad.

Malapit na ako sa aking room ng mapansin ang isang bulto ng tao na mukhang may hinihintay sa harap ng pintuan ng room namin.

Nakatagilid ito pero kita ko ang kanyang mukha.

Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman kami friends kaya patuloy lang ako sa paglalakad. At wala rin akong pakialam sa kanya.

Papasok na ako, malapit na. Pero may humawak sa aking braso kaya napatigil ako. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.

"What do you need?" Inis kong tanong.

"Is that how you greet me good morning? Good morning, by the way." All smiles niyang bati. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"There's no good in my morning especially if you're the one who'll greet me." Tinalikuran ko na siya at dali-daling umupo sa aking upuan.

"Eh sinong gusto mong bumati sayo? Si Sir Art?" Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanyang turan. Pero agad ding nawala ng parang bula ito.

Kung bakit ba kasi hindi na nga lang siya ang bumati sa akin.

"Oh? Bakit bigla kang nalungkot dyan?" Nabalik ako sa realidad ng nagsalita ang asungot na ito. Nagbalik ang pagkulo ng aking dugo.

"Shut up." Binaling ko na ang tingin ko sa labas. Ayoko na siyang kausapin. Hindi naman kami close! Feeling siya masyado.

"Ang sungit mo talaga. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Aniya. Hindi ko na talaga siya pinansin pa at baka kung anong magawa ko.

•••

LUNCH na at patungo na akong cafeteria. I'm all by myself. I have no friends remember? Si Joseph naman ay tinakasan ko lang. Ang kulit eh, sunod nang sunod. Hindi na ako tinantanan.

"Ms. Salvador?" Napatigil ako at napatingin sa likod ko dahil doon ko narinig ang boses ng tumawag sa akin. Pagharap ko ay isang babae ang nakita ko. Hindi ko siya kilala.

"Pinapatawag po kayo ni Sir Monticello sa office niya." Umalis na rin siya pagkatapos sabihin iyon. Napataas naman ang kilay ko. Ano namang kailangan niya?

Labag talaga sa aking loob 'to pero pumunta na rin ako doon. Hindi na ako kumatok at walang pasabing pumasok pero napatigil din ako ng marinig kong may kausap siya.

"She's just nothing and you're my everything. Let's just wait until our ten-year contract ends and I'll marry you. I love you so much."

Milyon-milyong karayom ang tumusok sa puso ko ng marinig ang mga salitang iyon sa kanya. Punyeta, bakit ang sakit? Bakit ganito? Pagod na ako di ba? Pagod na ako sa kanya pero bakit ganito? Hindi ba pwedeng kapag napagod na akong magmahal ay mapagod na rin ang nararamdaman ko sa kanya? Kahit pagod na akong iparamdam sa kanyang mahal ko siya ay mahal ko pa rin pala talaga siya.

That Professor is My Husband (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon