Sorry sa mga gramatical and typo errors!
ENJOY READING!
__________
"So,magmumukmok ka nalang diyan forever?" tanong ni Yassi.
"Ayoko ngang lumabas." Pagmamatigas ko.Pinipilit niya kase akong mag mall daw kami e ayaw ko nga.Pinapagaling ko pa ang sugatang puso ko.
"Obvious nga,hindi ka pumasok kanina e." I sighed.
"Bukas papasok na ako promise." This time siya naman ang napa buntong hininga.
"Aware ka naman siguro na hindi niya alam na nage-exist ka diba.Kaya walang mangyayari kahit maghapon magdamag kang magdrama diyan." I bit my lower lip.
"E kasi..."
"E kasi ano? e kasi mahal mo siya? the hell Aldea! that's bullshit!" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak.
"B-but I can't help it.M-masakit talaga." Humihikbi kong sabi.
"Binalaan na kita nuon hindi ba.Binalaan na kita na walang mangyayari diyan sa one sided love mo para sa kanya.But what did you do,pi-nush mo parin.Ang tanga mo talaga." Ang hard talaga nito.Kita na ngang nage-emote dito e.
"'Wag mo na nga akong sermonan!"
"Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin kahit pa ang sermonan ka maghapon para lang magising ka diyan sa kahibangan mo! 'Wag ka ngang tanga! Classmates kayo for almost four years at hindi niya man lang alam ang pangalan mo,kaya 'wag ka ng umasa na mapapansin niya 'yang unrequited love mo para sa kanya." Ouch ha,sakit grabe! kailangan talaga ipamuka sakin.
"Oo na,oo na.Ang hard-hard mo talaga sakin."
"I'm just stating fact.And besides,hindi ako magsasayang ng laway sa pagsu-sugar coat para lang kunsintihin 'yang katangahan mo sa buhay." Sabi niya staka umirap.Bitch talaga.
'Yan ang ugali na gusto ko kay Yassi but at the same time ayaw ko din.Hindi siya nagsu-sugar coat.Sinasabi niya lahat ng bagay na makakasakit sayo pero totoo.Napaka straigth forward niya na siya namang ikinabaliktad ko sa kanya.Hindi ko kayang sabihin ng harapan sa isang tao na pangit siya kahit 'yun naman ang totoo.Hindi ako nakakatulog sa gabi dahil sa guilt kapag ganun.
"Hindi ba pwedeng kahit minsan lang sa buhay mo magsabi ka naman ng bagay na magpapagaan sa loob ko kapag problemado ako."
"Hindi." Walang kagatol-gatol niyang sabi.Ibang klase talaga.
"Bakit kita ico-comport with some sweet words kung pwede ko namang gawin 'yun in a harsh way.Rubbing salt on the wound will make it heel faster nga diba." Dagdag pa niya.May pa rubbing-rubbing salt on the wound pa siya,hindi niya nalang sabihing ipinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob.
"Whatever.Sama mo parin."
"Whatever din,tumayo ka na diyan bago pa kita kaladkarin." Tiningnan ko lang siya at kita na seryoso talaga siya kaya minabuti ko ng tumayo,mahirap na.
__________
"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Inis kong tanong kay Yassi.Napilit niya kase akong pumunta dito sa mall at hindi manlang ako binalaan na alay lakad pala ang gagawin namin.
"Wala.Gusto lang kitang pagurin." Minsan talaga sarap nalang hambalusin ng babaeng 'to.
"Seriously?!"
"Joke.Hintayin mo ako dito,'wag kang gagalaw." Sasabat pa sana ako pero nakaalis na siya.Asar talaga!
(Yassi's POV)
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Aldea at agad na akong umalis para pumunta sa CR.Pagpasok ko may dalawang babae akong naabutan sa loob.Yung isa kung maka cup akala mo ang init-init sa loob ng mall.
BINABASA MO ANG
Stealing Red Lazaro
Narrativa generaleLove,hatred and forgiveness.In the love story that is full of secrets,and filled with sacrifices...witch one will prevail?