Sorry sa mga typo or gramatical errors!
ENJOY READING!
__________
Hayy...hindi ko na talaga mabilang kung ilang beses na akong napa buntong hininga sa araw na ito.Hindi ko alam kung ano ang mas nakaka-haggard e,yun bang fact na may girlfriend na si Red o itong dillema ni Yassi.
"Kyler,have you seen Yassi?"Tanong ko kay Kyler,v-president ng student council."She's nowhere in sight."
"No.Try finding her at the principals office,I heard Principal Kim called her lately."Tumango nalang ako at nagpasalamat.
Kanina ko pa hinahanap si Yassi pero para lang akong naghahanap sa wala.Ang sabi ng mga SC officers pumasok naman daw siya,pero hindi siya umatend ng morning class,sabi ng mga teachers excuse daw siya.
Umakyat ako sa second floor kung nasaan ang principals office,pero pagsilip ko sa pinto wala naman.
Yassi naman...
Aalis na sana ako pero may tumawag sakin kaya napalingon ulit ako.
"Ms.Ruiz,"nakita ko si Principal Kim na nakadungaw sa pinto ng office niya.
"Yes sir?"Tanong ko.Hindi siya sumagot sa halip ay sumenyas siya na pumasok ako sa loob kaya sumunod nalang ako.
"Have a seat Ms.Ruiz.Ipapatawag palang sana kita kaya mabuti na andito ka na."Bigla naman akong kinabahan.Did I do something? Sa pagkakaalam ko wala naman.
"I've already seen your records and base on it,mataas ang mga grades mo.But...sinasabi din dito na wala ka pang kahit ni isang extra curricular activities na nasasalihan,at alam mo naman siguro na isa 'yun sa mga requirements para maka graduate ka."Tumango ako.E kasi naman e this past few days nawala na sa isip ko ang tungkol sa school requirement na 'yan dahil nga sa broken hearted ako.
"E sir pwede pa naman ulit akong sumali hindi ba?"Tanong ko.
"Sorry Ms.Ruiz pero wala ka ng masasalihan.Puno na ang sa sports activities at wala na rin sa iba pang category."Pakiramdam ko pinag sakluban ako ng langit at lupa dahil sa sinabi ni sir.Hindi 'to pwede! Siguradong malalagot ako kay kuya kapag hindi ako naka graduate.
"But dont worry..."agad akong napaangat ng tingin."There is still a way."
"Ano po 'yun?"Kahit ano pa 'yan.Kailangan kong grumaduate.
"Sa susunod na buwan ay magce-celebrate ang Liberty High ng ika 18th foundation day nito,and I want you to be one of the organizer of this event."Eh?! Naghihirap na ba ang school na 'to kaya walang pangbayad sa event organizer!
"You will be working together with the SC officers,is that okay with you?"Panandalian pa akong natigilan bago ako nakasagot.
"O-okay sir,"wala na din naman akong magagawa.Lagot ako kay kuya kapag hindi ako grumaduate!
May mga huli pa siyang sinabi bago niya ako tuluyang pinaalis pero hindi ko narin naintindihan 'yun dahil busy ang utak ko sa paglipad.Ano naman ba kasing alam ko sa pago-organize ng isang event? Isa lang akong 18 year old student at hindi ang pagiging event organizer ang pangarap ko sa buhay.
Bumalik na ako sa room dahil nag-bell na kaya hindi ko narin natuloy ang paghahanap kay Yassi.Kahit sa afternoon class hindi parin pumasok si Yassi.Ano na bang nangyari 'dun?
__________
Nakalabas na silang lahat pero ako andito parin sa room habang nakapalumbaba at tulala.God! Kahit sinong makakakita sakin ngayon malalaman agad na problemado ako.
Natapos ang klase na tuliro lang ako.Buti na nga lang at hindi pumasok si Red ngayon e,baka may taping,shooting o kung ano pa mang may kinalaman sa showbiz.

BINABASA MO ANG
Stealing Red Lazaro
General FictionLove,hatred and forgiveness.In the love story that is full of secrets,and filled with sacrifices...witch one will prevail?